DALE'S POV
"Gloria nakita mo ba ang anak ko? Nawawala si Lily.."
Nagkatinginan muna kami ni inay bago kami napatayo at salubungin ang nanghihina at umiiyak na si Ninang Sandra. May tama pa ito ng alak at tila wala pang tulog. "Nasa kwarto lahat ng mga gamit nya at sya lang ang wala Gloria, jusko anong gagawin ko."
"Wala ba syang sinabi sayo Dale? inaanak?"
"Pano magsasabe eh trenta minutos na yang kumakian, samantalang wala pang tatlong minuto yan lagi kumain kaya alam kong hinihintay nya si Lily para sabay silang pumasok, ano ba? baka lumabas lang sya saglit."
Umiling si Ninang Sandra at hindi kinokonsidera ang opinyon ni mama.
"Hindi Gloria, jusko ang anak ko"
"Baka nilabas ni Congressman? tinawagan mo na ba?"
"Hindi," muling umiling ito. "Wala sa usapan namin na pwede nyang ilabas si Lily hanggat wala pa syang dise otso anyos. Saka hindi makabubuti kung makita ng mga tao at publiko na may kasama syang minor dahil isa syang politiko."
"Hah? Dale? kelan ba kayo huling nag usap? nag usap ba kayo kagabe?"
"Pano kami mag uusap eh......"
"Nag usap ba kayo kagabi?!!"
"Hindi ma, sinabi ko na kase sa inyo na tigilan nyo ang pambubugaw sa amin, ayaw nyong makinig."
"Ilang beses na ngang nagsabe sa inyo na ayaw nya ng ganitong buhay katulad nyo, sinabi na naming wag nyo kaming kaladkarin dito sa p u t a n g i n a ng buhay nyo."
"Hoyy Dale, san ka pupunta?"
Nagmadali na akong tumayo at iniwan ang mga nakayukong muka nilang lahat sa silid, maging ang mga hostess ay tila hindi nagustuhan ang tinuran ko na yun.
Pinuntahan ko muna ang kwarto ni Lily, walang nabago. Wala syang kinuhang mga importanteng gamit.
"Nasaan ka Lily?"
Nakita ko ang bag nyang ginanagamit sa pagpasok at kinuha ko iyon bago ako tuluyang tumakbo palabas, iniisip ko na baka nauna lang itong lumabas.
Matulin ang takbo kong binagtas ang daang nilalakaran namin habang sinisigaw ang pangalan nya.
"Lily!!!!!!!!!"
Kung pwede lang ay liparin ko na ang distansyang abot tanaw ng paningin ko para mapabilis ang pag abot ko sa kanya kung sakali mang hindi lang ito nakapag paalam na mauna na syang pumasok sa eskwelahan.
Baka tuliro lang sya at wala na naman sa sariling palakad lakad na gaya ng madalas mangyari kahit sabay kaming nasa daan.
Sinubukan kong suungin ang mga talahiban sa daan at naghahanap ng kahit na ano mang bakas ng tao at umaasang naroon syang nagkukubli, maging ang mga naka paradang mga kotse ay sinisilip ko na rin sa loob isa isa. Ngunit wala sya, wala si Lily.
Dumiretso na ako sa paaralan at iyon na ang huling lugar na inaasahan kong kinaroroonan nya ngunit wala sya doon.
......
Binabagtas ko ang daan pabalik sa bahay aliwan, ayoko na sana munang bumalik pero nagbabakasakali na naman akong bumalik doon si Lily at kailangan nandoon ako para alamin ang nangyari.
kahit tirik ang pang alas nwebeng araw ay malamig ang simoy ng hangin ng buwan ng Pebrero. May mga pa ilan ilang talutot ng bulaklak ng mga madre cacao ang nalalaglag at dumadapo sa aking ulo at muka. Nakakagaan pagmasdan sa pakiramdam ang kanilang mga magka halong kulay lila at puti habang naka hilera ang mga ito sa kahabaan ng daan at sa dulo nun ay ang mala porgatoryong kinalakihan namin ni Lily; ang beer house.
Ilang beses na nya akong kina usap na umalis na kami doon pero pilit ko syang pinaghihintay para sa tamang panahon, siguro nga ay hindi na ito naka tiis at nagpadalos dalos na nitong nilisan ang lugar na iyon. Hindi na siguro sya nagsabi sa akin dahil alam nyang pareho lang ang isasagot ko; na hintayin akong maka hanap ng tamang tyempo.
At dahil wala kaming plano ay hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin oras na maka alis na kami sa puder ng mga bugaw naming mga ina.
Nadatnan kong magka usap pa rin sina mama at ninang Sandra sa kwarto, nagulat man ay may konting pag asa sa kanilang mga nag aalalang mga tingin baka may dala akong mabuting balita.
Umiling ako.
Napasapo na lang sila sa kanilang mga muka, gulo gulo pa rin ang kanilang mga maiksing kulot na buhok dahil hindi na nila magawang mag ayos mula pa kanina.
Nagawa pa nilang humithit ng sigarilyo sa ganoong sitwasyon imbes na paghahanap kay Lily ang atupagin ng mga ito.
"Anong ginagawa nyo pa dito? bakit di kayo lumabas at maghanap imbes na magmukmok kayong lahat dito? malaking kawalan ba ang isang araw na magsara ang lugar na ito?"
"Hoy Dale, umayos ka lintik ka, papunta na dito yung mga suki naming pulis ikaw ang manahimik jan."
Pumasok na ako sa kwarto at nilampasan sila doon para isiping mabuti kung may nabanggit bang lugar si Lily sa akin na pwede nyang puntahan pero kahit halos sumabog na sa sakit ang ulo ko ay wala akong matandaang lugar na nais nyang puntahan oras na makalayo sya dito.
"Nasaan ka ba Lily?"
Ilang oras pa ay naka tulogan ko na lang ang pag iisip kong yun at naramdaman kong tumabi sa akin si mama.
"Pasensya ka na anak," wika nito. Naka ligo na sya at malinis na sa sarili, ayaw nya akong tabihan hanggat hindi sya siguradong wala ng bakas ng o amoy ng pagiging GRO ang kanyang katawan dahil baka daw maiwan ang mga iyon sa akin.
"Ito na ang buhay na alam namin, wala na kaming buhay sa labas ng seldang ito, katorse anyos pa lang ako dito nandito na ako. Gustuhin ko mang bigyan ka ng ibang buhay ay wala akong magawa dahil hindi ko alam kung paano."
Napayapos sya sa aking ulo.
"Pera lang din ang gumagalaw sa labas anak, pero dito , tuloy tuloy ang pasok ng salapi at alam mo yan."
"Ayokong manahin ang buhay mo ma, ngayon ang magagawa mo ay pakawalan ako, yun lang "
"Kahit mga kaladkarin kami o kahit mga babae kaming p u t @ ay nanay pa rin kami, kahit inanakan lang ako ng tatay mo ay anak pa rin kita Dale tandaan mo yan, at walang ina ang gugustuhing basta na lang hayaan ang kanyang anak sa walang kasiguraduhan. Dito sigurado ako na ligtas ka, puro pulis ang mga ninong mo, may pera ka, may pagkain ka."
"Ayoko pa rin ma, hindi ko na malilinis ang dumi ko pero pwede ko pang itigil."
"Kinse anyos ka pa lang, hindi mo masasabe ang takbo ng panahon........"
Napa balikwas ako ng tayo at hindi naman naka galaw si mama sa kanyang kina uupuan nang marinig namin ang sigawan nila ninang Sandra sa labas.
"Juskooooooo!!!!!! ahhhhhh!!! Lily!!!!!!!!! Gloriaaaaa!!!! ang anak ko !!!!!! Gloria!!!!!!!!"
Naroon ang tatlong pulis na naka dungaw sa tumatangis na si Ninang Sandra sa sahig. Hawak hawak nito ang damit ng isang babae; puno ng mantsya ng putik ang mga ito pero malinaw na alam kong iyon ang mga huling suot ni Lily kagabe......
Hindi kaya ....
Lily ........
"Lilyyyyyyy!!!!!!!!"