Bahagya akong napa hinga nang malalim at hindi maiwasang mahiya sa nangyari. pagkatapos niya kasi akong halikan ay agad ko siyang itinulak.
I know my limits but every time he kisses me, para bang magbabago lahat. Iyon bang willing akong lumagpas sa limit namin dahil hindi ko makayanan? Kung tutuusin, never pa talaga namin ’yon ginawa. More on make-out lang at hindi na lumalagpas doon.
Alam kasi naming dalawa na maaga pa lalo na at wala kaming label. Marespeto naman si Kazimir pero sadyang hindi mo rin talaga matiis na hindi humingi ng kiss. Minsan ay hinahayaan ko na lang dahil gusto ko rin naman pero tumitigil kami agad kapag alam naming nararamdaman na namin iyon. Ang nagustuhan ko talaga sa kaniya ay pagkatapos ng make-out, aayusin niya ang buhok ko at damit tapos tititigan ka niya na para bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya.
Hindi ko alam kung ganoon ba ang mga lalaki sa mga taong nagustuhan nila. Akala ko dati, hindi ko mararanasan ang ganoong treatment. Iyon bang aayusin niya ’yong mga ginulo niya at hindi hahayaang ikaw mismo mag-ayos sa sarili mo?
Akala ko rin talaga dati, walang ganoon sa totoong buhay. Akala ko, sa imagination lang ng mga babae pero iba pala sa personal. Kung sa imagination mo, kaunting kilig lang ang mararamdaman mo pero kapag naranasan mo na, halos manghina at para kang nasa ulap.
Ganoon pala ang pakiramdam, ano? Kaya hindi na ako magtataka kung isang araw, bigla ko na lang siyang sinagot. Sino ba naman ang hindi papayag sa ganoong treatment?
“What do you want for lunch?” I heard him ask so I glanced at him and smiled. Hindi talaga ako makapaniwalang isang lalaking guwapo ang mabibingwit ko sa bar. Parang panaginip lang ang lahat at mas gugustuhin ko na lang matulog kung ganito kaganda ang panaginip ko.
“Anything. Hindi naman ako maarte,” mahinang sagot ko at inayos ang kaniyang buhok. Kasalukuyan akong nakaupo sa lap niya habang ang isang braso niya ay nakayakap sa bewang ko at gamit ang kaniyang hinlalaki, gumuguhit siya ng bilog dito.
Narinig ko siyang natawa na para bang joke ang sinabi ko. Bakit ba siya tumatawa? Wala naman kasing nakatatawa sa sinabi ko.
Agad ko siyang tinapunan nang masamang tingin na siyang nakapagpatigil sa pagtawa niya. Unti-unting nangunot ang noo niya na bang hindi inaasahan na tatapunan ko siya nang masamang tingin. Akala ba niya ay hindi ko siya susungitan porket isa siya sa pinakamayamang businessman? Nagkamali yata siya.
“Oh, bakit? Ano bang tinatawanan mo? Wala namang nakatatawa sa sinabi ko, Kazimir, ha?” masungit kong tanong.
“I just laugh because I recall how picky you were before. You hated vegetables,” he explained.
Ngumuso naman ako habang nakatingin sa kaniya. Well, totoo naman kasing hate ko ang gulay. May iilan lang akong gusto and that’s tomato, eggplant, potato at okra. Minsan naman gusto ko ng kalabasa pero depende kung hindi masiyadong bata iyong kalabasa. Iba kasi ang lasa niya compare sa medyo matandang kalabasa, eh. Iyong ampalaya naman, gusto ko siya kapag inihalo sa corn beef o kaya naman sa itlog.
“I’ll just order a fried chicken then pasta for you. For your drink, it will be a chocolate drink,” he stated. Inabot naman niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang slacks para mag-order.
Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. Kabisado niya talaga ang gusto kong inumin. Alam kasi niyang mahilig ako sa chocolate flavors na drinks.
Ano ba ’yan, Kazimir?! Mas lalo mo lang akong binibigyan ng mga rason para sagutin ka.
Pagkatapos niyang mag-order ay agad ko namang kinurot ang tiyan niya. Naramdaman ko rin ang kaniyang abs kahit na nakasuot siya ngayon ng long sleeves na polo na mediyo makapal. Tinapunan naman niya ako ng tingin matapos kong kurutin ang tiyan niya.
“I told you, Astrid. You can just touch them without pinching my tummy just to feel my abs,” he said.
“May magigising kapag ginawa ko iyon,” natatawang saad ko.
“Just don’t mind that thing,” he grinned.
“Puwede naman kasing blow ko na lang,” ngiti-ngiting sagot ko pero inilihis niya naman ang kaniyang mga mata. Bahagya pa ngang umigting ang panga niya dahil sa suggestion ko. Totoo naman kasing puwede kong gawin iyon dahil curious ako kung ano ang feeling pero ayaw kasi niya at hindi ko naman puwedeng pilitin.
Ayaw ko namang pilitin siya kung ayaw talaga niya. Choice naman niya iyon kung papayag siya at ayaw ko rin naman kasing gawin kung napipilitan talaga ako. Nakokonsensiya ako sa ganoon.
“You know, I respect you so much, Astrid. If I let you do that thing, I might lose my control,” he whispered, which was enough for me to hear.
“Kung sinagot ba kita ngayon, papayagan mo na ako?” tanong ko sa kaniya.
“Still no. Baka sagutin mo lang ako dahil gusto mong gawin iyon. I want you to be my girlfriend because you love me.” Doon na ako napangiti. Sa bawat binibitawan niyang salita ay malalaman mo talagang may ibig sabihin ito at seryoso siya. Kahit na mediyo nate-tempt ang tanong kong iyon ay pinili niya pa ring maging marespeto.
“I don’t want our relationship to depend on making love or stick to the intimate part. I want us in every ups and downs of our life, your love and your support in every decision that I made and I’ll do the same to you. That’s how love is,” paliwanag niya.
“If you’re thinking that I want your suggestion, I am because I have needs too but that can wait once you let me be your boyfriend because you love me. Making love can wait but your love, I am willing to wait. My hand can do its job so you don’t have to worry about me if my shaft wakes up,” he frankly said.
“Sira, iba pa rin yata ang feeling kapag bibig or iyong mismong—”
“Oh, shut up, Astrid or I’ll kiss you? Choose,” he warned.
Ngumiti naman ako nang malapad sa kaniya at sinabing, “Kiss.”