Chapter 4

1030 Words
“What’s with your long face?” tanong niya sa akin pero inirapan ko lang. Nagmamaneho siya ngayon at napagpasiyahan naming kumain sa isang restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan niya. Hindi ko nga malaman kung bakit pinili niya pa ang private room kung puwede naman kaming kumain mismo na para bang simpleng mamamayan. Bakit pa kasi kailangan niya ng private room? Dagdag gastos, eh! “Astrid.” Tignan mo talaga itong lalaking ito. Idadaan na naman sa lambing! Akala naman niya ay bibigay ako. “Bakit ka pa kasi nag-book ng private room?” naiinis kong tanong at hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin. Naiinis na ako. Kung magwaldas ng pera ay parang barya lang, eh! “I want to enjoy our dinner date without getting distracted because of their loud voices,” he simply explained. “Sinungaling ka! May gagawin ka lang mamaya, eh!” sigaw ko at tinapunan siya nang masamang tingin. Nakita ko naman ang paggalaw ng panga niya na agad kong inabot para pitikin. “Ouch! Baby, what was that for?” gulat niyang tanong at tumingin saglit sa akin. Ipinagkrus ko naman ang aking mga braso sa aking dibdib kaya naman napabaling ang mga mata niya rito. “Eyes on the road, Kazimir,” I commanded. I saw him swallow pero hindi ko pinagtuunan ng pansin lalo na noong nahagilap kong gumalaw ang kaniyang adamsapple. “Baby, how can I focus if you're hugging your bo.obs?” saad niya. Ramdam ko ang inis niya dahil sa nangyayari pero bahala siya, niyakap ko lang naman ang sarili ko, ha? Masama bang yakapin ang sarili ko kapag naba-badtrip na ako? Napansin ko namang lumiko siya sa kanan nang makita niyang may parking lot at nasa madilim na lugar. Sinuri naman niya ang paligid at hindi ko alam kung ano man ang hinahanap niya pero nang masiguro na niyang wala ang hinahanap niya ay tumingin siya sa akin gamit ang kaniyang seryosong mga mata. “Kazimir, kung ano man ang iniisip mo, huwag mo nang ituloy—” Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang abutin ang mga braso kong nakatakip sa aking harap. Agad niya namang sinira ang blouse ko kaya naman tumambad sa kaniya ang pula kong panloob. “Dam.n! Lumilitaw ang kaputihan mo kapag pula ang gamit mong panloob," bulong nito bago hawakan ang aking hinaharap. “Wala akong ekstrang damit,” nanghihina kong saad nang maramdaman ko ang init ng kaniyang mga palad. Ramdam ko ang panggigigil niya sa bawat pagpisil niya ngunit hindi naman ako nasasaktan sa paraan na iyon. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko pa ang kaniyang ginagawa. “Nagpabili ako kanina. Nasa back seat,” saad niya bago tanggalin ang pagka-hook ng aking panloob. “Kazimir,” bulong ko sa kaniya nang mapansing titig na titig siya sa aking huba.d na katawan. “Hmm?" tugon naman niya pero nakatingin pa rin sa aking katawan. “Tanungin mo na ako,” utos ko sa kaniya dahilan upang mapatingin siya sa akin. Halata sa kaniyang mukha ang pagtataka pero hindi ako nag-abalang ipaliwanag sa kaniya. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko pero natatabunan iyon nang pagkasabik. “What?” tanong niya pero nginitian ko lang at hinayaang alalahanin niya. Paglipas ng ilang minuto ay matiyaga akong naghihintay dahil alam kong naguguluhan siya. “Can I be your boyfriend?” Ngumiti naman ako noong tinanong niya ako. Ito ang dapat na itinatanong ng mga lalaki sa babae. Hindi iyong, “Can you be my girlfriend?” Dahil magkaiba iyon. Lalaki ang nangliligaw kaya dapat ang tanungin nila ay kung puwede natin sila maging boyfriend hindi iyong kung puwede nila tayong maging girlfriend. “Yes,” sagot ko. Nagulat siya sa naging sagot ko dahil nanglaki ang mga mata niya. Hindi niya siguro inaasahang sasagutin ko na siya dahil mediyo matagal na ang setup namin na manliligaw ko siya pero nasa iisang bubong kami at ginagawa namin ang mga hindi dapat. Hindi naman ako nagsisi dahil kusa ko iyong ibinigay lalo na at may nararamdaman na rin naman ako sa kaniya noon pero pinapangunahan lang ako ng takot. Ngunit iba na ngayon. Sigurado na akong susugal ako dahil worth it naman. Nakita ko kung paano niya ako alagaan. Kung paano niya ako pagbawalang magtrabaho kahit na isa ako sa kaniyang mga empleyado. Ramdam na ramdam ko rin ang pagmamahal niya dahil sa kaniyang pag-aalaga. Kinagat ko ang aking ibabang labi ng maka-recover siya sa aking sinabi. Akala ko ay hindi siya masisiyahan dahil nagbago ang kaniyang expression sa mukha pero nagkakamali ako. “Since I asked you if I could be your boyfriend, you deserve this,” he said and pulled a velvet box in his pocket. Hindi ko alam kung matagal na ba siyang may dala-dalang box na ganiyan. Ayaw ko rin namang mag-assume kung ano ang laman ng box na iyon pero kinakabahan ako at nag-uumapaw sa kasiyahan. Nang buksan niya ito ay isang singsing ang nagpakita. Crown ang design ng singsing at may mga maliliit na diamond kaya ito ay kumikinang kapag natatamaan ng ilaw. Nagsimulang bumagsak ang aking mga luha lalo na noong inabot niya ang aking kaliwang kamay upang isuot ang singsing na hawak niya sa aking palasingsingan. “Dalawa na ang singsing mo. The first one is when I asked you if I could be your suitor. The second one is tonight. When I asked you if I could be your boyfriend,” saad nito at isinuot ang singsing sa aking daliri. “Are you sure about this?” he asked na tila naninigurado pero tumango ako at ngumiti kahit na nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. “I love you, Kazimir. Matagal na akong may nararamdaman para sa’yo pero nauunahan lang ako ng takot,” paliwanag ko kaya naman inabot niya ang aking pisngi para punasahan ang mga luha sa aking pisngi gamit ang kaniyang hinlalaki. “Pero ngayon, mas natatakot na akong mapunta ka sa iba. Kaya huwag mong iisiping hindi ako sigurado sa’yo. Mahal kita, Kazimir,” dagdag ko kaya naman kinabig niya ang aking leeg para halikan. Kusa naman akong nagpaubaya at iniyakap ang aking mga braso sa kaniyang leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD