Pagkatapos ng eksenang iyon ay hindi ko na namalayan kung paano ako nakauwi nang maayos. Marami akong iniisip dahil sa biglaang paglitaw ni Kazimir. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit bigla na lang siya nagpakita at gusto akong balikan kung kailan tapos na ang lahat. Noong naghihintay ako ng kasagutan sa kaniya habang kami pa ay hindi naman niya pinapansin. Busy siya sa kaniyang trabaho at busy siya sa kaniyang babae, si Amanda. Although hindi ko naman talaga alam ang totoo kung talagang babae niya si Amanda dahil palagi silang magkasama noon kahit saan nang hindi ko man lang nalalaman ang tunay na dahilan. Ngunit ngayong ayaw ko na at kung kailang nakakaahon na ako saka naman siya nagpapakita. Hindi ko tuloy alam kung bakit siya ganoon. Kung saan siya nakakuha ng kakapalan ng mukha

