“Ma’am Astrid, pinapatawag daw po kayo ni Sir Jett sa kaniyang office,” saad ng isa naming kasamahan sa department. Nagtataka man ay hindi ko na ipinahalata dahil baka isipin nilang may mali sa pagtawag niya sa akin, which is mayroon naman talaga dahil sa pagkakaalala ko ay wala naman akong naging kasalanan sa kaniya o wala siyang ipinagawa sa akin. “Sige, Ma’am,” saad ko bago tumayo at ligpitin ang mga files na nagkalat sa aking desk. Kung kailan kasi na busy saka ako tatawagin ni Sir Jett. Puwede namang maya-maya kaunti dahil may hinahabol akong deadline at hindi ko pa nakakalahati ang mga ipinapagawa sa akin. Matapos kasing kumalat sa department namin at sa department na kung nasaan si Lev ay pinag-initan na agad ako ng Supervisor. Kaya ayaw ko ang mga ganitong scenario na magkakagu

