"Saan tayo pupunta?" tangkang tanong ko pagkapasok niya sa loob ng kotse. Ang dating nakagawian niya ay hindi niya pa rin kinakalimutan. Ang pagbubukas ng pinto sa passenger seat at ang paglagay ng aking seatbelt na kailan man ay hindi niya hinayaang gawin ko. Base pa lang sa kung paano niya ako itrato at itrato ang mga kaibigan ko ay hindi na maiwasan ng puso ko ang magalak palagi. Never niyang binastos o dinedma ang mga kaibigan ko at palagi rin niyang isinasali ang mga iyon kapag kami ay nag-uusap dahil ayaw niyang ma-out of place ang mga ito. Sinong hindi ang mahuhulog kung ganoon, hindi ba? Pero kahit na ganoon ay kusang umiiwas ang mga kaibigan ko at ang kadalasang rason nila ay, "Baby time niyo iyan kaya bakit kami makikisali? Kaya na namin ang mga sarili namin." Ang ending, pare

