1: Debauve

1255 Words
Para sabihing happy-go-lucky ang pinakabatang myembro ng pamilya ng mga Caringal ay isang understatement.   Edad 24, kagagraduate lang from college, masyadong busy si Dash – sa lahat nang maling bagay.   Imbes na tumulong sa negosyo ng pamilya o maghanap nang trabaho, hindi siya tumutugon sa company interviews pero lagi siyang nandun kapag may inuman. Hindi siya sumisipot sa supplier meetings pero complete attendance siya kapag may concert at gigs. Higit sa lahat, hindi siya nakikinig sa inspirational speakers pero palaging bukas ang tenga sa chismis galing sa mga lasenggo rin niyang kaibigan.   Spoiled, matigas ang ulo, arogante. Walang makakapigil sa kagaguhan ni Dash Caringal. Ginagasta niya ang allowance niya para sa alak halos araw-araw, at napapa-away madalas.     Ganun din ngayong araw.   “Tagay!”   Tunog ng mga baso ang naririnig kahit na malakas ang techno music sa lugar. Isang grupo ang nakaupo sa gitna ng isang high-end club, habang iniinom ang pang-sampung tower ng San Mig. Halos lahat sila hindi na makaaninag kung ano ang nasa harap nila, pero wala silang pakialam. Bakit, eh kung lahat naman ng ito ay libre?   “Sabi ko sa kanila, maghahanap ako ng trabaho. Sabi nila, sa kumpanya na lang namin ako magsimula. Bibigyan nila ako nang kontrata para pirmahan just in case masira ko daw yung sinimulan nila.” Tumawa siya. “I mean, mag-intern daw muna ako? Eh anak nila ako!”   Tumawa lang yung mga kasamahan niya at tumagay muli.   “Deputa yang paghahanap nang trabaho! Sinong may kailangan nang trabaho kung marami naman akong pera?” Nilagok ni Dash yung alak sabay madiin na pinahid ang bibig. Hindi na niya makontrol yung lakas niya.   “Oo nga! Kagaguhan yung… oo nga.” Sabi nung kaibigan niyang si Milton kahit di naman niya naintindihan yung sinabi ni Dash. Nabalibag niya yung walang laman na baso sa table, sabay subsob sa upuan. “Hoy gago. Hindi pa natin ubos kalahati nito! Gising!” Hinila ni Dash sa kwelyo si Milton at inuga siya, pero nakatulog na talaga kasama nang iba pa nilang lasing at tulog na kaibigan. “Sus, ang hihina niyo.”     “Dash?”   Napatingin si Dash sa direksyon nung boses. Nanlalabo na paningin niya. Isang lalake ang kumakaway sa kanya.   “Ikaw nga Dash! Anong nangyari kay Milton?” “Nahimatay.” Niliitan niya yung mata niya para makita kung sino yung dumating at narealize niya na si Boone pala, yung isa pa niyang kaibigan sa school. Pagkatapos gumraduate, wala na siyang balita tungkol sa kaibigan na ‘to. Ni hindi gumraduate si Boone. Kelangan magdrop out siya dahil sa kakulangan sa pera.   “Boone! Tara Sali ka dito. Libre ko.” Parang iba na ichura ni Boone ngayon. Nung nag-aaral pa sila, boring ang ichura niya, walang appeal. Tahimik lang siya pero student-worker. Ngayon, maayos na siyang tingnan, nakastyle buhok, may suot pa na smart watch na katulad nung kanya. Mukhang nakakaangat na siya sa buhay ngayon. Pero bakit parang maputla siya? Paningin lang ba niya o dahil sa ilaw ng bar?   “Hoy ok lang. Sa tingin ko, kelangan niyo nang tumigil. Bakit ba iniinom niyo yung buong bar ha? May bukas pa naman.” “Walang kwenta. Basta may alak, iinumin ko lahat.” sabi ni Dash. Nag-alinlangan si Boone, pero nilagay niya yung mga gamit niya sa table. “Sige na nga, isang shot lang ha.” Napangiti si Dash dahil meron na siyang bagong katunggaan. Nalimutan na niya agad yung mga natutulog niyang kaibigan.       “Thaaapos, piniphilit neela ako mag-app hic ly dun sa bagong kumpnya kashe sabe ko hic ayoko magkapwesto sa kompenya nemen.” Lasing na sinabi ni Dash. Napatango lang si Boone. Mahina kasi siya sa alak kaya tanong niya sa sarili niya kung paano siya nakaraos sa ganitong trabaho. “Ikhaw?” Pinalo ni Dash yung likod ng kaibigan niya. “Taghal keta di nakhita. Sangka galing?” “Ayun, ganito parin. Dito ako nagtatrabaho. Walang raket, walang income.” Napabuntong-hininga si Boone. “Kung ako sayo, itigil mo na yung kakagastos mo nang pera ng pamilya niyo.” Payo niya. “No, no. Gagashtushin ko pera kung pahno koh gushto.” Tawa ni Dash. “Kung gusto mo beegyan pa kita eh. Dami ako phera.” “Oo na, alam kong mayaman ka.” Napalunok si Boone nung may naisip siya. Tapos napatingin siya, biglang may kaba sa dibdib. “Bakit ba di ko ‘to naisip dati?”   Pakanta-kanta na lang si Dash habang sinasabayan nang ulo niya yung music.   “Wait. In fact, ayoko gawin ‘to. Sagad na ako sa expenses.” Sabi ni Boone. “Phero ganda relo mo.” Turo ni Dash. “Ito? Ano, regalo lang ‘to… necessity.” Huminga ulit siya at balisa na para bang may iniisip. Kinagat niya labi niya sabay sabi, “Dash, pwede ba ako umutang sayo?” “Shoor! Kung phera ako tanungin mo. Wag si Milton, poorita yan eh.” “Talaga? Kasi kailangan na kailangan ko ng pera. Pwede mo ba ako pahiramin nang P50,000? Promise ipapablik ko sa loob nang isang taon. Ayoko naman talaga gawin ‘to eh.” Winagayway lang ni Dash yung kamay niya at suminghot. “Pipty thawsan. Hanred tawsan. Sisiw.” Kinuha niya yung phone niya at nagpipindot ng keys. Binigay niya kay Boone. “Bank account mo?” Nanlaki yung mata ni Boone at napatingin sa kanya na para bang tagapagtanggol niya. Kinuha niya agad at nilagay yung details niya. Sa loob nang isang minuto, nakuha niya yung perang kailangan niya. Namangha na lang siya.   “OMG Dash. Salamat. Salamat talaga! Sobrang salamat!” tinitigan niya yung cellphone niya at nakahinga nang maluwag. “Promise, babayaran kita.” Tinapik niya sa likod si Dash, tumayo at umalis.   “Boone! Di pa tapos shift mo!” sigaw nung manager, sabay sunod sa kanya.   Wala nang marinig si Dash. Gumegewang na siya at hindi na masyadong mabuksan mata niya.   “Gagung Boone. Hindi pa tayo tapos uminom eh!” sa sobrang kalasingan, 'di na siya makatayo. “Huh? Ano ‘to?” Napakurap siya at dinampot yung naiwang box ni Boone. Kulay magarbong asul na may gintong stamping. Medyo mabigat at mukhang libro. Binuksan niya.   Kahit lasing na siya at nawawalan na ng pang-amoy, yung scent ng dark cacao ay pumasok sa ilong niya. Maliliit at assorted na kulay brown na bilog ang nakahilera sa loob nito. Mas nalasing pa siya sa amoy nito kaysa sa amoy ng alak. Hindi niya napigilan sarili niya at kumain nang isa. “Gawd, ang sherep nito.” Naubos niya yung isa… at isa pa, sabay sarado nung box para basahin kung ano ulit yung nakasulat sa ribbon.   “D-debawve and galyas? WTF, pano ‘to itranslate sa tagalog?”            "/Dəbov e n Gal le./"     Naramdaman niyang lumubog yung inuupuan niya at nakaamoy siya nang mint na humahalo sa cacao. Parang nakakabaliw at gusto niya ulit kumagat. “Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Akala ko ba may access ka na?” Niliitan niya yung mata niya, pero ang nakikita lang niya ay malabong tao. Hindi naman ‘to si Boone o kahit sino sa mga kaibigan niya. Sino ‘tong lalake na ‘to na gusto niyang kagatin? Nakasuot nang suit, nakabrush-up ang buhok, at may mamahaling bracelet na kahit siya ay di niya kayang bilhin?   Tinaas nung lalake yung kamay niya sabay pitik. Agad-agad, dalawang waiter ang tumayo sa tabi niya at naghintay nang utos.   “Pakilinis ito at siguraduhing makakauwi nang ligtas ang mga kaibigan niya sa bahay.” Malalim ang boses niya at commanding, pero magalang.   Tumango at sumunod agad yung mga waiter. Sa ilang sandal lang, malinis na agad yung table, walang bahid ng kalasingan ni Dash at mga kaibigan niya. Lahat nang kaibigan niya ay dinala sa taxi. Natatanging amoy ng alak sa katawan ni Dash ang nag-iisang patunay na naglasing sila.   Nakaupo parin yung lalake sa tabi niya, pero si Dash ay kanina pa tulog sa mga braso niya.   Hinimas niya yung namumulang pisngi ni Dash, hinawakan yung medyo nakabukas na bibig at huminto sa bandang leeg.   “Kailangan mo nang tulong boss?” tanong nung isang waiter na bumalik. Umiling lang siya. “Paano po siya?” turo nang waiter kay Dash.     “Dadalhin ko siya kung saan siya nararapat.” Binuksan niya yung isang butones ni Dash at sinara yung box nang chocolates, sabay dila sa sarili niyang hinlalaki.         “Sa VVIP.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD