5: Penfolds Ampoule

2855 Words
Ngayon lang ninerbyos nang ganito si Dash. Kahit nung nagte-take siya nang final exams sa university, peteks lang siya dahil alam niyang makakalusot siya kahit bumagsak siya. Ngayon, isang maling galaw lang niya, tiyak ang katapusan niya.   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  “Relax. Kung may pagdududa ka, wag ka na lang magsalita.” Sabi ni Dar na nakatayo sa harap niya. Parehas silang nakasuot nang suit. Inayos niya yung kwelyo ni Dash at kinalma yung balikat niyang nanginginig. “Ako naman yung nasa meeting at hindi ikaw. Wag kang nerbyoso.”  “Panong hindi? Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong nangyayari?”     Sinabi lang sa kanya ni Mew na dadalhin siya sa isang secret stockholder meeting. Hindi naman kailangan magdala nang host, pero payabangan naman ang game nang mga VVIP. Sa dalawang nakaraang araw, tine-train niya si Dash para sa proper etiquette, posture at kahit anong papasa para maging ‘VVIP host’.   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Kahit anong mangyari sa loob, hindi mo kailangang ipagsabi sa iba. Promise me.” Tumango si Dash. “Kelangan kong marinig.” “I promise.” “Good.” Tinapik niya yung nakastyle na buhok ni Dash at tinitigan siya. “Wag kang makikipag-usap sa mga host. Gumawa ka lang nang excuse na madali akong magselos. Maniniwala na sila nun.” Tumango ulit si Dash.   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Mula sa bulsa niya, humugot nang rectangular velvet box si Darian at binuksan ‘to. Nanlaki yung mga mata ni Dash nang makakita siya nang kumikinang na silver bracelet sa loob na may design na dalawang ulo nang leon bilang clasp.   “Isuot mo ‘to Tinatawag nila akong Helios, pero The Lion din ang tawag nila sakin. Malalaman nilang akin ka kapag meron ka nito.” Isinuot niya ito sa pulso ni Dash. “Pagtapos nang meeting, kelangan ko ba ‘tong ibalik sayo?” tanong ni Dash. Hindi niya maalis ang mata niya dito. Sobrang gandang tingnan sa OOTD niya. Napag-isip si Dar. Nung napagdesisyunan niyang barya lang at wala lang naman sa kanya ‘to, nagkibit-balikat siya. “Alright, sayo na. At may isa pa akong ibibigay sayo.”   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Excited na tumingin si Dash sa bulsa ni Dar in case na humugot ulit siya nang alahas. Maganda siguro kung singsing naman. Ngunit, yung plantsadong kwelyo niya ay hinila ni Dar at napasigaw siya nang bahagya dahil biglang kinagat at hinigop ni Darian yung leeg niya. “What the heck?!” sinubukan niyang magpumiglas pero nakakabit parin yung ipin ni Dar. “Aaaah! Stop. Aaaah…”   Isang malakas na tunog na parang plunger – tinanggal ni Dar yung bibig niya sa nakakaakit na leeg na ginusto niyang markahan nung una pa lang. Kinagat din niya yung kabila. TInignan niya yung nagsisimula nang mamula na leeg at naging proud sa kagagawan niya.   “The f**k?!” hinawakan ni Dash yung leeg niya at galit na pinahid sa damit ni Dar yung laway niya. “Ew!” Natawa lang si Dar. “Suspicious kasi kung wala kang kahit isang marka mula sakin. Ang cute mo talaga. Anyway, tara na, hindi tayo dapat ma-late kundi, magagalit siya.” “Sinong siya?” “Malalaman mo.”   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀     ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Sa matagal na panahon, ngayon lang nakalabas nang kwarto si Dash. Akala niya nasa art museum siya dahil puro painting yung dingding at may mga bust na nasa pedestals. Dinala siya sa secret elevator at sinundan sila nang dalawang lalake na malalaki ang katawan. Isa sa harap, isa sa likod.   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  “Boss Darian, dito po.” “Clove parin ba ‘to?” tanong ni Dash sa sarili niya pagtapos nang mahabang paglalakad. Mas dumami na yung mga tao simula sa kwartong pinagmulan nila. May mga bata pa nga. Yung ibang tao may mga bitbit na maleta. “Hindi. Ito ang kapatid nang Clove. Nouveau.” “Nouveau?! Yung high class na hotel?!” “Shhh.”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Napahanga na naman si Dash. Hindi naman siya mahirap, pero kahit ganun, pakiramdam niya out of place parin siya sa ganito kagarbong lugar. Ito ay likas na para lang sa pinakamayayaman. Yung tipong kayang bumili nang mga isla. Kahit mga magulang niya hindi pa nakakarating dito at siguradong hindi nila ‘to afford.   “Oh Helios my Helios! Akala ko di ka na pupunta eh!” isang lalaking may suot rin na suit ang lumapit sa kanila. May hawak siyang wine.   “Manahimik ka Hermes.” Sagot ni Darian. “Whoa! Ito ba yung dala mong host na hinimatay nung isang araw?” pagpapatuloy nung lalake habang pumapalibot sa kanila. “Not bad. Anong pangalan mo?” Tumango si Dar kay Dash. “D-Dash.” “Dash.” Mapang-usisa yung mga mata niya. “How come hindi pa kita nakikita dati? Kilala ko naman halos lahat nang VIP hosts.” “Hindi mo naman siguro kilala lahat, Hermes. Ang dami nila.” Sabi ni Dar. “Tumitingin ako sa listahan, di katulad mo. At madalas akong tumatambay sa VIP, halos araw-araw.” “Galing siyang Macau branch.” Sabi ni Dar. “Goodness, ang ganda naman nang taste nila dun! Kelangan bumisita!”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  “Hindi pa ba ako sapat?” tanong nung lalake sa tabi niya. “Masyado ka nang malagkit tumingin sa kanya, Mack.”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  “Sorry babe. Tumitingin lang.” sabi ni Mack aka Hermes. Kinalma niya yung lalakeng umiirap kay Dash. “Ah anyway, tara na. Ayaw niya nang late comers pero siya mismo late dumating. Talaga naman oh.” Akala ni Dash papasok sila sa isang magarbong handaan. Imbes na ganun, dinala sila sa isang katamtaman na kwarto na mayroong isang mahabang table sa gitna. Madilim dito at mukhang lugar nang sugalan. Sa paligid merong mga host na nakasandal sa pader, o kaya naglalaro nang billiards. Naexcite siya nung nakakita siya nang wine.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  “Pwede ba ako uminom?” bulong niya kay Dar. Umiling si Dar. Ayaw niyang malasing na naman si Dash dahil baka kung ano pa ang masabi. “Pero yan yung limited edition na Penfolds Ampoule!” pagmamakaawa ni Dash. “Whoa, marunong ka, Dash! Ang galing nitong pinili mo Dar. Sosyal ang panlasa niya.” Sinamahan sila muli ni Mack kasunod nung galit niyang escort. “Malala siya malasing.” Buntong hininga ni Dar, at naasar na panay ang sunod sa kanila ni Mack. Hindi tinawag na Hermes si Mack dahil wala lang. Isang matinding issue lang eh sapat na para sa kanya para maikalat sa buong VIP at VVIP. “Now, now. Wag mo naman siyang pagbawalan sa rare wines. Ito, cutie, sayo na ‘to dahil alam mo kung ano ‘to. Binili ko yan straight from Australia.” Inabot ni Mack yung baso kay Dash. Aktong kukunin na ni Dash, pero si Dar ang nakakuha nito at hinila siya papunta sa sulok. “Wag mo kaming sundan.” Banta niya kay Mack na nagtaas lang nang kamay at hindi pinansin ang pagkagalit ni Dar.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Tinulak niya si Dash sa pader at tinitigan siya nang matindi.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   “Ilang beses ko ba sasabihin sayo? Wag mo silang kakausapin.” “Gusto ko lang naman uminom, Dar. Ano bang masama kung kausapin ako nung… Hermes? Mukha naman siyang friendly.” “Oo. Sobrang friendly siya at hindi ko yun gusto.” Sinimanguatan siya ni Dash. “Bakit hindi? Wala naman akong sasabihin sa kanya, chill lang!” “Hindi pwede. Gusto mo nang wine? Ako lang pwedeng magbigay sayo nang wine.” Ininom ni Dar  yung nasa baso, pwersahang binuksan yung bibig ni Dash at inilipat ito.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Nashock si Dash. Narinig niyang sumipol si Mack.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Pinagpapalo niya yung dibdib ni Dar, pero naitransfer na lahat nang wine sa bibig niya. Ininom ni Dash nang labag sa kalooban niya, at nalasahan niya ang pait at tamis, ang exactong balanse na hinahanap niya sa isang alak.   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  Huminga siya nang malalim at pinunasan yung bibig niya. “Pag sinuway mo pa ako, maniwala ka sakin, makikipagsex ako sayo dito habang nanonood sila.” Bulong ni Dar na may pagbabanta, habang inaayos ang nagulong buhok ni Dash.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀     "Ah, gusto ko pa sanang panoorin kung pano mo disiplinahin yang lalake mo Helios, pero kelangan nang magsimula nung meeting.”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Parehas silang lumingon para tingnan yung bagong dating na umupo na sa gitna. Sobrang pamilyar kay Dash nung mukha. Agad, nanahimik yung buong kwarto at may mangilan-ngilan tulad ni Mack ang umupo para samahan siya. “Wag kang gagawa nang katangahan.” Bulong ni Dar, at siya rin, umupo sa tabi ni Mack.   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Hindi nakakilos si Dash. Kasama nung bagong dating ay mga bodyguard na pumalibot sa kwarto.   “Ganito ang level ni Dar?” bulong niya sa sarili niya habang tinitingnan yung nagsasalita. Parang ang seryoso nang ambiance nang kwarto at lahat eh nakapoker-face. Ni hindi naisip ni Dash na pag sinabing Clove stockholders eh kasama pati politiko. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit confident si Darian kapag usapang p*****n na. Ang mga back-up niya ay mga bigating pangalan sa bansa.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   “Gulat ka?” Yung galit na host ni Mack eh sumandal sa pader sa tabi niya. “Ang cool nila tingnan no?” inabutan niya nang wine glass si Dash. Tinignan niya ‘to at si Dar, sabay iling. “Um, no thanks. Ayaw ni Dar – I mean ni Helios na uminom ako.” “Malamang ayaw niya. Kilala si Helios bilang possessive. No wonder iniwan siya nung lalakeng yun.” “Lalakeng yun?” “Yung host bago ikaw. Yung ex niya.”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Napasimangot si Dash.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   “What? Wag mo sabihing hindi mo alam yung storya nun? Ikaw si Dash diba? Ako si Travis. Anyway, matagal pa ‘tong meeting na ‘to. Gusto mo maglaro?” Sumunod si Dash sa kanya sa isang billiards table at inabutan siya nang cue stick. “Gaano ka na katagal kay Dar?” tanong niya. “Umm… Less than a month.” “Ah, so bago ka pa lang. Tama si Mack. Hindi pa kita nakikita dito. Kilala namin lahat nang taga VIP na dinadala para maging VVIP." “Galing akong Macau.” “Ah. Yung bagong branch? Kaya pala.”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Nakahinga nang maluwag si Dash. Kung maniwala si Travis sa kasinungalingan niya, baka makalusot siya buong gabi. “Ikaw? Gaano ka na katagal dito?” “3 years sa VIP, at kaka-isang taon ko lang sa VVIP ngayong buwan.” “Um, ano bang pinag-uusapan nila?” Turo ni Dash sa mga nagmimeeting. “Host ni Hades.” “Hades?” Tinuro ni Travis yung stick niya sa nasa gitna. “Yung senador.” “Yung senador si Hades?” nagulat siya. “Yun nga ang sinabi ko.” Tinaasan siya nang kilay ni Travis. “Pero syempre alam mo yun? I mean, lahat nang VVIP host dapat alam who's who diba?" “Uhh, hindi talaga ako pamilyar sa mga VVIP dito sa totoo lang.” imbento ni Dash. “Well ok. Hades yung senador. Nagkascandal siya kasama ang isang actor at naging risk yun para sa Clove. Syempre ayaw nung iba na mangyari yun diba? Kundi mawawala ang mga investment nila. Tulad ni Helios na nagpasok nang kalahating million nung nakaraang buwan kahit absent siya. Sigurado akong ayaw niyang mawala yun. Same din kay Mack ko.”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Napanganga na lang si Dash. Kalahating milyon?!    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   “Nagulat nga ako ang bilis bumalik ni Helios. Akala ko magmamaktol pa siya nang matagal eh. Ang hirap kaya palitan ni Connor, pero mukhang napapasaya mo naman siya.” Tiningnan siya ni Travis mula ulo hanggang paa. “Um, oo. Syempre masaya siya sakin.” Pagsisinungaling ni Dash. “Nasan na ba yung Connor huh?” Napangisi si Travis. “Sinong may alam?” pinosisyon niya yung stick niya at tumira papuntang corner pocket. “Malaki ang posibiladad na patay na yun. Walang dapat bumali nang batas dito. Ang tanga niya para umalis.” Nagpalipitate si Dash. Kung magsalita si Travis parang normal lang yung may namamatay dito. Ganun din ba ang magiging kapalaran niya?    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  Natawa si Travis. “Namutla ka. Relax. As long as natutuwa si Helios sayo, hindi ka magiging tulad ni Connor. Yung mismong si Darian ang pumili sayo, ibig sabihin gusto ka niya. At sa totoo lang? Si Helios ang pinaka level-headed sa mga VVIP clients. Basta wag ka lang gagawa nang mga ayaw niya at ligtas ka. Nakakatakot na leon yan pag nagalit.” “Y-yeah? Gaano nakakatakot?” “Wala kang alam sa kanya no?” simangot ni Travis, ngayon nagsususpecha niya. “Hindi ah. Nagkagusto kami sa isa’t-isa sa Macau. Marami pa akong gustong diskubrehin kay Helios ko.” Sinabi niya sa makakaya ng confidence niya. Kibit-balikat lang si Travis. “Binali niya yung leeg nung isang VIP kasi nakikipaglandian kay Connor. Hindi naman niya kailangan nang bodyguard, kaya niya protektahan ang sarili niya.” Tumira ulit si Travis. “At may isang beses pa na may natanggal na VVIP nang pwersahan dahil binili lahat ni Helios yung stocks niya dahil lang ayaw niya kung pano yun tumingin kay Connor. Sobrang seloso nun, natatakot na ako para sa pwet mo.” Namali tuloy nang tira si Dash nung narinig yun. Natawa si Travis at natapos na yung laro nila nung tumira siya ulit. “Nanalo ako.” Ngisi ni Travis at inabot sa kanya yung baso ng wine. “Bilisan mo bago makita ni Dar.” Dali-dali, kinuha ni Dash at ininom sabay pahid nang bibig. “Ang sarap!”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Narinig nila yung tunog ng mga upuan at napansing tapos na yung meeting. Yung mga bodyguard nung senador pinalibutan ulit siya at mabilis na lumabas nang kwarto. Nabuhay muli yung mood nang kwarto. “Baaabe, tara na. O gusto mo pa ba maglaro?” tanong ni Mack kay Travis habang niyayakap niya ‘to mula sa likod.   Nilibot ni Dash yung mata niya para tingnan kung nasaan si Dar. Busy pa siyang kausap yung ibang VVIP habang may wine sa isang kamay.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    “Bakit siya umiinom, tapos ako hindi?” pagmamaktol niya. Kinuha niya yung baso ni Mack at uminom mula dito, para lang makontento yung craving niya sa alcohol. One in a million chance lang na makainom siya nang ganito ka-rare na inumin.    ⠀⠀⠀  ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  Yun nga lang, nakita ni Darian.   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    Inexcuse ni Dar yung sarili niya mula sa mga kausap niya, at sa susunod na segundo lang, sumugod kay Dash, yung hawak niyang wine glass ay nabasag sa kamay niya. Natakot si Mack at Travis at nagmadaling umalis dahil ayaw nilang mabuntunan nang galit ni Darian. Hinawakan niya sa leeg si Dash, magkalapit ang mga mukha nila sa isa’t-isa. “Binalaan na kita diba? Pag di mo ako sinunod, titirahin kita dito.” Sabi ni Dar. Yung ibang tao nagmadali na rin umalis dahil baka mapatay sila ni Dar. Kinaladkad niya si Dash sa leeg at bumalik sila sa kung saan sila nanggaling at hindi pinansin yung mga taga hotel na naiintriga sa komosyon nila.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   “Darian, kumalma ka! Gusto ko lang nang inumin!”   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    Sa ilang saglit lang, nakabalik na sila sa Clove at balik sa loob nang kwarto ni Dar. Tinapon niya si Dash sa kama at pumaibabaw dito. “Bakit ba ayaw mong makinig sakin ha?” nanlilisik yung mga mata ni Dar sa sobrang galit, pero dahil sa alak na nainom niya, or dahil wala na siyang pakialam, hindi na natatakot si Dash. “Ano? Babaliin mo rin yung leeg ko dahil lang uminom ako nang wine? Papatayin mo ako dahil nakipagusap ako kay Mack at Travis?” Huminga si Dar, nanlilisik parin ang mga mata, pero napapaisip.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   “Kailangan mo lang akong itago. Hindi mo ako boyfriend.”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Napakurap si Dar habang iniintindi yung sinabi ni Dash. “Itigil mo yung pagiging possessive mo sakin. Hindi ako si Connor.”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Nilukot ni Dar yung bed sheet. Ilang buwan na simula nung narinig niya yung pangalan na yan. Walang pwedeng magpa-alala sa kanya tungkol sa ex niya. Pinili ni Connor ang iwan ang karangyaan, ang VVIP at siya. Kahit sinong magbanggit nang pangalan niya ay mapaparusahan. Pero kahit ganun, imbes na sakalin niya si Dash,binitiwan niya yung hawak niya at rumolyo palihis sa kanya. Sinubuksan niyang ikalma yung sarili niya. Hinawakan ni Dash yung leeg niya at pinakiramdaman ito dahil akala niya katapusan na niya. Sobrang lakas ni Dar.   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   “Wag. Wag mo nang babanggitin yang pangalan na yan kahit kelan. Pinagbabawalan kita.” Sabi ni Darian pagtapos nang ilang minutong katahimikan. “Bakit? Mahal mo pa ba siya?”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Mahal pa nga ba niya?    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀     ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Ang rason kung bakit iniwan niya ang Clove nang ilang buwan eh para makalimutan yung ex niya at magreflect sa sarili niya. Pinalaki siya bilang isang taong dapat sinusunod, tinitingala, at nai-apply niya ‘to sa pakikipagrelasyon kay Connor na naging resulta nang pag-aaway. Nasuffocate si Connor at hindi naman makaadapt si Dar sa give and take relationship.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Inobserbahan ni Dash yung likod ni Darian. Natulala na lang kasi pagkatapos niyang magtanong.   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Impluwensya kaya nang alak o dahil curious lang siya? O dahil lang nakikita niya na kung gaano kagwapo ‘tong taong ‘to. Umupo siya nang maayos at hinawakan yung suot ni Dar. Nabigla siya at napatingin kay Dash. “Kung iniwan ka na niya eh di kalimutan mo siya. Anong purpose nang pagbabalik alala? Hindi ba kaya ka nga naghanap nang ibang host? Para mag move on?” Umusog siya papunta sa likod ni Dar at di niya pinigilan yung sarili niya at nilanghap ‘to. Bakit gustong-gusto niya yung amoy? Parang kasing rare nang wine na kakainom lang niya. “Magshower ka na. Sa tingin ko lasing ka na.” sabi ni Dar na gustong iwasan si Dash, pero nabigla siya nung hinila siya nito.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀     “Hindi ako malalasing sa tatlong basong wine. Matino pa ako.”    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀     Ang taas nang tension sa loob nung kwarto. Walang gumagalaw. Parehas humihinga nang malalim. Napalunok si Dar at hinaplos yung pulang marka nang kamay niya sa leeg ni Dash. Nagsisisi siya sa ginawa niya.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Dahandahan na paghaplos, at pagkatapos, binigyan niya nang magaan na halik yung Adam’s apple ni Dash.    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀     ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   Nawalan na siya nang control. Mula leeg, hinalikan niya ‘to papuntang pisngi, at napatigil sandali para titigan yung mga labing naghihintay sa kanya. ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀   “Kalimutan mo na si Connor.” Sabi ni Dash, sabay hila sa kwelyo ni Darian.    ⠀  ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  ⠀⠀⠀⠀⠀   ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  ⠀⠀⠀⠀⠀  Hindi na nakatiis si Dar. Nilamon niya ang mga naghihintay na labi ni Dash.          ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀    ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀      ⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD