The Time Traveller 2

2417 Words
TIME AND SPACE CHADRON'S POV Ito na sinasabi ko. Kailangan kong adjust frequency ng detector damn ang sakit kasi sa tenga. Warning! Warning! PORTALS HAD BEEN DETECTED Oo na ito na, ito na. Mapatay na nga muna itong detector at napakasakit sa tenga. "Bry! gising! Vangeline!" Ang tindi naman ng mga 'to. Di nagising sa ingay ng detector. Tok-tok "Gumising na kayo dyan" "Bakit?" Hindi ata talaga nila nadinig yung ingay. "May emergency tayo" sagot ko sa kanya. Binuksan nya na pinto at sabog na sabog pa mukha nya sa tulog. "Center of city, malaki radius ng mga portals worst thing is 3am palang ng umaga." pagpapaliwanag ko sa kanya. "Worst thing talaga kasi ang sakit gumising ng 3am din" Kung sabagay, anyways... "Mag asikaso na kayo at dumiretso kayo sa lab para magamit natin gears natin" utos ko sa kanya. "At si Vangeline pakigising" dagdag ko pa. Dumiretso ako sa laboratory at inihanda mga isusuot nila. Naka fit sa measurement naman nila yung jet pack and armor suit kaya also adjustable din naman mga yon so there is no problem. "Nandito na kami Chad" sabi sa'kin ni Bryson habang naglalakad papalapit sa armor suit nya. Mga sabog pa talaga itong dalawa at kahit ako din naman pero kailangan kahit naghahawaan na kami ng pag hikab. "Isuot nyo na yan para maka alis na tayo." utos ko sa kanila. "Saan ulit tayo?" tanong ni Vangeline habang nagkakamot ng ulo na kanina lang eh fresh from the bath pa tapos ngayon stress from the acads na. "Center of the city" sagot ko. "Woaah babe! hot mo sa armor suit mo ah" puri ni Vangeline kay Bryson. I'm pretty sure flat na naman sasabihin nito ni Bry. "Woaah Van mas flat ka tignan sa armor suit mo ah" Sabi ko nga. "Aba bwisit ka ah" inis na pagkakasabi naman ni Vangeline kay Bryson. Kung mag-usap dalawang ito akala mo mag gagala lang kami. Jet suit activated "Wow! ang cool nito Chad ah" sabi ni Bryson sa akin "Boses lang yan na dinagdag ko Bry, nothing more special." sabi ko sa kanya. "Ang cool pa din" Para pa din syang bata pero wala akong magagawa at mas masaya sya kasama pag ganyan sya. "Let's go guys." 3:20am Location: Center of Mandaluyong "What the f*ck?" Ayun na lang nabanggit ko pagkatapos kong personally makita ang portals. Sobrang kakaiba na akala mo sa mga palabas lang makikita. Kahit ako di ko alam kung ano ito pero doon ako mas natutuwa. Sa mga bagay na hindi ko pa alam. "Chad!" sumigaw si Bryson habang nakaturo sa malaking Arcane na nanggaling mula sa portal. "Chad, ayan yung identified na Arcane." pagpapa alala ni Vangeline. Yep, ito nga iyon base sa report at images na binigay ni Vangeline sa akin. Tinawag nila itong... Wholer. Wholer, classified as rank A arcane "Chad, may assistant din pala itong suit mo?" tanong ni Bryson. "Nag dagdag ako ng feature na yan para mas madalian tayong makakuha ng information" pagpapaliwanag ko. Pero anong gagawin namin? paano namin papabagsakin yung ganito kalaki? 310ft tall and 200ft length. Whale-like Arcane. "Chad, paano natin aatakihin yan?" tanong ni Vangeline sa akin. "Ganito lang" sagit ni Bryson at agad na ginamit ang electric bullet sa modifed na sniper. Kayang mag penetrate ng sniper na yun pero hindi ko sigurado sa Arcane. BHWOOOOOO Malakas na ingay ang nadinig namin pagkatapos tumagos ng bala sa katawan ng Wholer. Pero... "Chad, papalapit sa atin ibang Arcane." saad sa akin ni Vangeline. May mga tao pa sa paligid namin at kailangan muna nilang maka alis. "Bry, pumunta ka sa itaas ng building at atakihin mo lang yung Wholer" utos ko sa kanya at agad na dumiretso sa rooftop ng isang building. "Vangeline sa ibaba tayo, kailangan muna natin ma resc-". Teka... Nawala sila sa radar ko. Nagloloko ba radar ko? N-nawala lahat ng tao na nasa paligid namin kanina. But still... "Vangeline, chance" sinenyasan ko syang mag support sa likod ko at ako mag front. Bumaba kami at naka locate kami sa malawak na parking lot kung saan nagkalat ang mga mahihinang classified na Arcane. Sunod sunod ang mga bumabagsak na katawan ng Arcane. So ganito sila ka fragile kahit hindi pa refined itong invention ko. "Vangeline, snipe that rank B Arcane at my 11 o' clock" "Roger" BANG! Surprisingly na malinaw mata ni Vangeline, despite the fact na di pa gaanong lumilitaw ang araw. "9 o' clock, 6 o' clock..." Sunod-sunod na bumabagsak ang mga rank B Arcane dahil sa accuracy ni Vangeline. Habang ako ay pinapabagsak ang mga rank D arcane. "Chad, di pa din bumabagsak" saad sa akin ni Bryson gamit ang jumpsuit communication namin. "Ready to fire type 3 electric artillery, Bry." "Roger" Kailangan ko check muna isang body ng arcane para malaman kung bakit effective sa kanila electricity. "Vangeline, cover me" utos ko sa kanya at tumango lang sya. Kumalma ang paligid dahil siguro sa naubos na lahat ng rank B at rank D na arcane. Lumapit ako sa isang ng rank D at minadaling analyze biological formation nito. Unidentified crystal So may core sila na nagsisilbing heart. Wala din silang intelligence at halos wala silang strategy sa pag atake. "Bry, meron silang core na nagsisilbing heart nila. Once na may nakita kang ganun. sirain mo agad." Let's have some feast with this big fish. BRYSON'S POV "Roger" sagot ko sa utos ni Chadron sa akin. naka set up na lahat at kailangan ko na lang mahanap core na sinasabi ni Chad. Core images Ang cool nitong suit, nakakapag share din ng information kaagad kaso... Inaantok pa ako. Sana lang matapos na kaagad lahat ng ito para makapag pahinga pa ako. 2020 na pero wala pa din ganap sa gobyerno natin. Wala na akong masabi. "Bry, gumagalaw na ang target" Tama nga si Chad, gumagalaw na ulit target ko. Bakit kasi ako naka-assign sa higanteng arcane na 'to? Wait, may core sya. "Chad, yung core nya nasa buntot." May ambag na ulit ako, nays. "Good job, get ready to fire." utos ni Chad sa akin. Di ko alam pero tunog sundalo talaga si Chad ngayon. Anyways... Target locked Nice, kanina ko pa hinihintay yan eh. Pipinutin ko na lang itong trigger at... Trigger on Firing in 3... 2... 1... Blast off "Woaaaah!" Sh*t alam kong mini artillery ito pero ang cool. Padiretso na iyon sa buntot ng Wholer siguro magiging okay naman na lah- Whoooooshhh What the... Ano yung binuga nung Arcane? apoy? asul na apoy? "Chad? nakita mo?" tanong ko habang nagtataka ako. "Yep, and malaking problema yon" sagot nya sa akin. "Bakit?" Di ko alam ano nangyari talaga. "May ability yung Wholer but worst thing pa is may awareness sya." paliwanag nya. "Retreat, Bry dahil delikado sitwasyon mo dyaan." dagdag pa nito. Papalipad na ako ulit para makapunta kila Chadron pero biglang bumuka bibig ng Wholer. Alam ko yun. Magbubuga ulit sya ng apoy. "Bry! activate mo shield mo at umalis ka na dyan!" Alam ko, wait lang! time freeze muna. Shield activated Bry dali, di ka pa pwede mamatay dito. Sh*t ramdam ko ng lalabas na yung apoy. Jet activated Nays! WHOOOOSHHH "Chad!!" sigaw ko sa kabilang linya. "Babe! asan ka na?" nadinig ko si Vangeline. "Nahagip ako, buti na lang may resistance itong suit mo Chad" "Kailangan natin mag regroup, Bry" sabi ni Chad. "Ito na malapit na ako" Natanaw ko na sila pero masama kutob ko. "Bry, sinusundan ka ng Wholer" sabi sa akin ni Chad. "Chad, tulong!" "No worries, Bry" sagot nito sa'kin na kinagaan ng loob ko. VANGELINE'S POV Nasa worst case scenario na kami but at least isang arcane na lang natitira. "Vangeline, target location:Tail" utos sa akin ni Chad. Wala naman akong problema sa pag-handle ng ganitong situation dahil sanay na din naman. "Chad, target locked" "Fire!" Pagkasabi palang ni Chad ay agad kong hinila ang trigger. Bang! Sanay na ako sa ganitong pamamaril dahil na din sa kinalakihan ko. Ang kaso lang... WHOOOSH Bumuga ulit ng apoy itong Wholer kaya hindi maabog ng artillery at bala namin ang core nya. "Formation: Blind spot" utos ni Chad sa amin. Alam kong di pa kabisado ni babe lahat ng data kaya aalalayan ko sya. "Babe, distract mo lang sya" "B-bakit naging tank ako?" sagot niya sa'kin. "P-pero sige" dagdag nito. Nakita kong pumwesto si Chad paibabaw sa Wholer kaya mas mabuting sa ilalim mag snipe. "Chad, synchronization ready" sabi ko kay Chad. "Fire in 3..." "2..." "1..." Bang Saba'y namin pinakawala ang bala namin para kahit na masalag ulit nya ang bala ng isa. May isa pang tatama sa kanya. WHOOOOSH Bumagsak ang katawan ng Wholer. Tumama bala namin sa core nya. Mabuti naman dahil gusto ko ng maligo ulit. "Target down" sabi sa amin ni Chad. "P-patay na ba?" tanong ni Bry sa amin. "Yes babe, and I will hit you later" sagot ko sa kanya. "Kadiri kang flat ka kahit kailan" Di naman talaga ako flat, honestly C cup ako. Sadyang mas malaki lang gusto ng abnormal na 'to. "Di ako flat but you may check it later, baby~" "Yuck!" Sagot nya sakin pagkatapos ko syang bigyan ng chance? "Anong yuck!?" pagtatampo ko sa kanya. "Bumalik na muna tayo" sabi sa amin ni Chad. "Bry, mag retrieve ka ng isang corpse para sa sample natin later." dagdag pa nito. "Need help baby?" "No need, baka di kayanin ng suit mo magdagdag ng weight" Inaasar nya na naman ako kahit di naman ako ganun, lagi na lang. "Hoy! FYI, I'm sexy." banat ko dito. "Sexy mo mukha mo." balik nya sa akin. Bumalik kami ng may dala-dalang isang sample at kinolekta ko na din ang ibang core ng rank B na napatay ko. 6:00am Location: Keisler's Condo. CHADRON'S POV Natapos din sa wakas but as usual nasa laboratory na naman ako and it excites me because of... "Delivery po" Nadinig ko boses ni Bryson and I'm pretty sure that is the thing that excites me. "Come in" sabi ko sa kanya. "Ito na po ang order nyo, special fried arcane rank D with shining shimmering crystal cores of rank B." paliwanag nya sa akin habang naka ngiti ng nakakaloko. "Wow, well then thank you Mr.Keisler." sagot ko sa kanya. "Ang sungit mo na naman, Chad. Diba sa ganito ka sumasaya?" Alam na alam nya kung ano ang mga gusto ko. Siya din kasi tumulong sa akin dati kaya kilalang kilala nya na talaga ako. "Yes and gagawa tayo ng new product gamit itong mga 'to." pagpapaliwanag ko. "Di ko maiintindihan yan kaya aasikasuhin ko na lang materials na kakailanganin mo." Di sya mabilis maka-gets ng mga complicated stuffs pag hindi related sa pera or business but still the reason kaya kami nagkakasundo dahil nagagamit nya pera nya sa mas magandang bagay. "Thank you then, Mr.Keisler." "The Businessman." Dagdag nito. Nakakatuwa sya sa pagiging ganyan nya na napaka-straightforward. Ring Ring Ring "Sige na muna, Chad. Aasikasuhin ko na muna itong tumatawag sa akin." pagpapaalam nya sa akin. "Do it then." sagot ko. Lumabas na sya ng pinto at pumasok naman bigla si Vangeline. "Chad, mag scout muna ako sa location." Kukuha ulit sya ng datas sa portal and arcanes para makahanap kami ng solusyon kung papaano mapigilan lumitaw ang mga portals at maligtas pa namin itong mundo. Big talk hehe. "Go ahead and mag report ka sa akin after." sagot ko sa kanya at kumaripas sya ng takbo habang suot-suot ang armor suit na gawa ko. Napa sandal ako sa kinauupan ko at napa isip ako kung papaano namin maaayos lahat ng ito. Naiisip ko na lang na baka nasa isang fantasy world na kami but the thing is mahirap paniwalaan pa din dahil alam kong may science behind everything. Inilagay ko ang isang rank B core sa tablet appraisal ko. "Ignus, appraisal." saad ko sa A.I. ko. Analyzing... ... ... ... Components unidentified... Classification: core rank B. So di kaya ng current technology ko ma-identify mga bagay na ito. Nag proceed ako sa corpse ng rank D arcane at iniligay sa chamber. "Ignus, appraisal." Analyzing... ... ... ... Components: Absorbed. Huh!? absorbed? Classification: Rank D Arcane. "Ignus, what do you mean absorbed?" Answer: Sir, the components had been absorbed and enable to identify similar components. "Ignus, appraisal on rank B core." Analyzing... ... ... ... Components: Magic affinity Classification: Rank B Identification: Black Core May nadagdag sa appraisal pero anong magic affinity? "Ignus, define magic affinity." A manifestation of own power to convert into anything. "Convert into anything? like?" Sir, like this... This can't be real. Human form manifestation acquired. Adjustment of appearance... Complete. Magic circulation... Complete. Magic affinity identity: Space and Time "Sir, I, Ignus whom you named and bestowed this form will serve you." Hindi ko pa din maintindihan ang nangyari but ang nasa harapan ko ngayon na lalaki ay ang aking A.I. "O-okay, you may adjust your language and comprehension for your own improvement." utos ko sa kanya. Adjustment completed. Instantly? So nagkaron ng own consciousness at will itong A.I. ko? "Masusunod po, sir Chad." Sagot nito sa akin at nagawa nya sinabi ko. "Explain in detail the possibility of your evolution." utos ko sa kanya. "Sir, hindi po ako mag evolve. You created me po up until this very moment." "Then explain how did I created you." Sobrang nacu-curious ako sa nangyayari pero kailangan kong kumalma. "Sir, I absorbed the magic affinity of rand D arcane dahil sa appraisal ability ko, na-consume ko din ang invisible particle which is magic dahilan para ma-create nyo ako." "Basically, nag combine kayo" tanong ko sa kanya. "Yes, sir." So yung intelligence ng A.I. ko nagawang maintindihan ang magic affinity na nasa rand D arcane kaya nagkaroon sya ng ability na ma-manipulate ang magic at ma-convert into anything. "Nabanggit mo kanina magic affinity mo." "Yes po sir-" "You may remove the formality, Ignus" utos ko sa kanya. "Understood. Ang magic affinity ko ay..." "Manipulation of space and time." Basically, that's some kind of cheat ability. "You are now in the team. Starting from now on you will be my assistant." Sinabi ko sa kanya iyon lahat ng mahinahon at madami na naman akong naisip na posibilidad. "As usual Chad, I will assist you.". Ignus joined the team. ARP'S POV "Woof, so sinulat ko na sa papel lahat." Aggro - To tank and to get the opponent's attention. A.I. - Artificial Intelligence "Woof, konti lang din dahil pinaliwanag ni Ignus yung iba grr. Anyway, read well guys. Woof, sana'y tumalino kayo lalo." "Bye, woof!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD