Kianne's POV Nagising ako kinabuukasan na malapad ang pagkakangiti habang isa-isa kong pinupulot ang mga damit naming mag-asawa sa sahig. Last night was another amazing night to remember. Para akong bumalik sa mga panahong crush ko pa lang siya. Hindi ako makapaniwalang magkasama na kami ngayon, may sariling bahay, may negosyo at may anak. Araw-araw yata ay biyaya. Hindi ako makakapayag na may umagaw sa akin nito kahit pa nga si Helga. I was surprised to see my husband's phone light up, flashing the woman's name. Imbes na sagutin iyon, ginising ko na muna ang asawa ko at ibinigay iyon sa kanya. He saw the name and number of the person calling. Ibinaba niya ang cellphone niya saka ako ulit ikinulong sa bisig niya. "Bakit hindi mo sagutin?" tanong ko. I tried my hardest not to sound like

