Nakita ko ang sugat niya sa pulsuhan. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Siya ang pinakamalakas na babaeng nakilala ko. Hindi siya basta-basta nagpapatalo sa kahit na ano. Kahit sa problema. Kung ang pag-aaway man ng parents niya ang dahilan, alam kong hindi niya tatapusin ang buhay niya para lang hindi na siya maapektuhan. I kissed her forehead. Kung anuman 'yung dinadamdam niya, sana matapos na. Ayoko siyang nakikitang ganito. Mabilis akong ngumiti nang makita kong nakadilat na ang mga mata niya. "Kianne. Hi." Imbes na ngumiti, umiyak siya at tinalikuran niya ako. Pinakalma ko siya at niyakap. "Kianne. Andito ako. 'Wag ka ng umiyak." "Umalis ka na. Gusto kong mapag-isa!" "Kahit ano'ng gawin mo d'yan, hindi kita iiwan. Okay? Wala kang magagawa." Tumahimik siya

