Pagkatapos ng kantang iyon, mabilis akong sinundan ng tatlo. Tinakpan ako sa ulo ni Sol ng coat na suot niya habang sila Red ay nakaalalay sa akin habang naglalakad kami. Nakita nilang miserable pa ako. Kaya imbes mapansin ako ng mga waiters at ibang staff, dinala na lang nila ako sa dressing room ng banda namin. Duon ako tumabi sa lagayan ng tissue at nag-iiyak. "Nasasaktan ka ba kasi hindi na mapipigilan ang kasal ni Chad?" iyon ang konklusyon ni Red. Kahit sino naman talagang makakita sa akin, ganoon ang iisipin. Umiiyak ako dahil ikinasal na si Chad sa fiancee niya. Ang hindi alam ng lahat, ang best friend ko pa rin ang laman ng puso ko. Siniko ni Sol si Red. "Gago. Naaalala lang niyan 'yung kasal ni Tristan last month." Sol always understands everyone. Alam kong siya lang din nama

