Tristan's POV Ang dami kong nababasang comments na nagpapainit ng ulo ko. Kung hindi lang ako abala ngayon sa pakikipag-aareglo sa pamilya ni Helga, talagang susundan ko si Kianne sa Japan at makikipagbasag ulo ako sa Koreanong 'yon. Nakaharap kong muli ang iniwan kong bride at nasa mga mata ni Helga na hindi na siya apektado. May kasama na kasi siyang ibang lalaki. At natutuwa ako para sa kanya dahil sa wakas sinusubukan na niya ulet na tanggapin na hindi kami para sa isa't isa As usual, alam kong kayang kaya naman talaga ni Helga namakabingwit agad ng lalaking magmamahal sa kanya. Now, she's smiling from ear to ear. Nakahinga ako ng maluwag. Mas lalo pa ngang nagdiwang si Helga at ang pamilya niya nang maiabot ko na ang funded check na kabayaran sa danyos na nagawa kong pang-iiwan s

