Nang mahatid ako ni Moymoy sa Piercel Airport agad akong sinalubong ng mga katulong namin. "Magandang Umaga Miss Yoowi, Ako si Lucia Ang Personal Assistant niyo" Pakilala ng isang babae na hindi kalayuan ang edad saakin. "Dito po ang daan" giniya ako ng mga katulong, bitbit na ng iba ang mga gamit ko na kinuha nila sa ibang sasakyan maliban sa sinakyan ko kanina na puro tama na ng bala ang sasakyan. "Tumawag ba si Papa?" Tanong ko, Umiling naman si Lucia. "Kumain na ho ba kayo?" Umiling ako bilang sagot Hindi ko alam kung makakakain pa ba ako matapos ang mga nasaksihan ko Sa Private Plane nalang po kayo kumain" sabi ni Lucia, Tumango naman ako. "Lucia, Pag tumawag si Papa Sabihin mo agad saakin" sabi ko tumango naman ito. Nakarating kami sa Hinandang Private plane ni Papa, Inalala

