Chapter 1
Kidnapped
"Saan ka Pupunta, Yoowi?" Julia Asked.
Kahit sa aking sarili ay hindi ko din alam kung saan ako patungo. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Pakiramdam ko ay may mangyayaring masama ngayon, pero hindi ko alam kung ano 'yun at hindi maisip.
"Uuwi na," sagot ko. Mas Mabuting umuwi na nga lang ako.
Ramdam na ramdam ko ang pag taas ng balahibo ko. why i have this feeling that there's something will happen?
"Sige, Ingat ka," Nakangiting sabi ni Julia. Tumalikod na ako sa kaniya at nag lakad papalayo.
Mag ta-taxi na lang ako. hindi ko na mahintay pa si Papa at kating-kati na akong umuwi.
Nag lalakad ako patungo sa sakayan. Naramdaman ko naman na may sumusunod sa 'kin. huminto ako sa pag lalakad at lumingon sa likod. nag palinga-lingang tumingin sa paligid. Walang tao sa dinadaanan ko, wala ding sasakyan.
Ilang puno pa ang dapat kong madaanan patungo sa sakayan. Malayo pa ang natatanaw kong Kabahayan.
Liblib ang daan dito patungo kanina sa pinuntahan naming Falls. Nag kayayaan kasi kami na maligo duon dahil kila Julia naman iyon at wala ng pasok. Fresh Graduate kami. Pinag-celebrate namin iyon, Kaninang naliligo kami sa Talon, Feeling ko ay may nakatingin sa 'kin at nag mamasid. Kanina pa nag aalala sila Julia sa 'kin dahil wala daw ako sa sarili. Kanina pa din kasi bumabagabag sa isipan ko ang masamang mangyayare.
Sana pala ay nag pahatid ako kay Julia. Hindi ko alam kung paano sumakay. Ang Sabi ni Papa ay susunduin niya daw ako mamayang ala singko. Alas tres pa lang ng hapon na pag desisyonan ko ng umuwi dahil hindi talaga ako mapakali at parang may masakit sa 'kin.
Pinag patuloy ko ang pag lalakad hanggang sa mas ramdam ko na ang sumusunod sa akin sa likod. nanginginig ang mga tuhod ko. Binilisan ko ang pag lalakad na halos patakbo na ang ginawa.
Ramdam ko ang tagaktak na pawis sa aking noo. Kinikilabutan ako. Hindi ko alam kung na engkanto na ba ako kanina sa talon at engkanto na ang humahabol sa 'kin. Sa Sobrang Takot ko ay Tumakbo na ako ng tuluyan.
Tila huminto sa pagtibok ang puso ko at hindi na makahinga.
Nahinto ako sa pag takbo nang may humarang sa Daan na Van. Bumukas ang Pinto ng Van. Mabilis ang pagbaba ng mga Lalaking nakaitim na mask. Bago pa ako makatakbo pabalik ay mabilis silang nakalapit sa akin. Tinakpan ang aking bibig at na amoy ko ang masang-sang na amoy sa panyong nakatakip sa aking ilong.
Bumigat ang talukap ng aking mga mata.
Everything went black.
"Ito pala si Mrs.Yula, Akala ko uugod-ugod na."
"Ang Ganda niya. Mukha siyang Anghel."
"Siya si Mrs.Yula? Sigurado kayo? Ganda niya. Mukhang walang asawa."
"Sobrang Ganda niya. Akala ko Kulubot-kulubot na ang mga balat at puti na ang kaniyang buhok."
Sa mga narinig ko. Dahan-dahan nagising ang aking sarili. Sino ang nag sasalita? Bakit puro Lalaki?
Minulat ko ang aking mga mata. Ang Anim na lalaki sa harap ko ay isa-isa kong tinignan. Na saan ako?
Automatic na bumilis ang pintig ng puso ko. Kinakabahan at natatakot.
"Sabihin mo kay Boss, Gising na siya," Bulong ng Lalaki sa isang Lalaki na malapit lang ang ulo na nakayuko sa akin.
"Na saan ako? Sino kayo?" Tanong ko. Nag katinginan naman ang lima.
"Leave us alone," Matigas na boses ng isang Lalaki. Kumunot ang noo ko dahil nakita ko ang ekspresyon ng limang Lalaki,. Ang iba ay Sumimangot at ang Dalawa naman ay nag tinginan sabay ngumisi.
Anim silang Lumabas ng Kwarto. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto na puting-puti lang iyon. Ang malambot na higaan na kulay puti lang na pinag uupuan ko ngayon ang bagay na nasa loob nitong kwarto.
"Damn!" Napatingin ako sa Lalaking nag mura. Nasa Pintuan siya at nakaharap sa 'kin. sobrang titig na titig pa ang malalim na mata.
Bumaba ang tingin ko sa aking mga binti at mabilis ko itong tinakpan.Ngayon ko lang naalala na nakamaikling dress pala ako.
Naiilang ako sa Titig niya.
"What are you doing here?" Pagalit niyang tanong kaya kumunot ang noo ko. Huh? Yan din ang tanong ko, Anong ginagawa ko dito?
"Excuse me? Nag lalakad lang ako kanina patungo sa sakayan ng bigla akong hinarang—" natigil ang sasabihin ko at nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko na 'yung anim na lalaking 'yun ang sakay ng Van na naka-itim na mask na dumukot sa 'kin.
"Oh my god!" Hindi makapaniwalang sabi ko at natakpan ang bibig sa na realize.
Dahan-dahan siyang lumapit patungo sa akin.
Nang nakalapit na sa akin ay huminto saka nag pamulsa at Nakita kong gumalaw ang kaniyang panga.
"Dammnit! Tan, Kim, Jung, Young, Park, Lee!" Lahat na ata ng Apelyido ng Korean Tinawag niya na. Galit ang ekspresyon ng mukha niya pero blanko pa din ang kaniyang mata na kapag tinitigan mo ay mapapaso ka.
Sa takot ko ay napayakap ako sa kumot. Akala mo sa ayos ko ngayon ay para akong pinag samantalahan.
"Boss." Pumasok naman ang Anim na lalaki. Nakatingin sila sa 'kin. Dahil natatakpan ako ng Lalaking na gwapong-gwapo sa suit niya, dumungaw ang anim na Lalaki sa akin.
"Anong nangyari boss?" Tanong ng isa at curious, halata sa mukha niya.
"Boss, May Asawa na 'yan," Sabi pa ng isa kaya lahat kami ay tumingin sa kaniya.
Ako ba ang tinutukoy niya? Wala akong asawa.
"Damnit! She's Not Mrs.Yula!" Galit na galit ang Lalaki ng sabihin niya iyon. Ang boses niya ay parang isang kulog. Nakakatakot.
Ang kilay niya ay Makapal, Ang Mata niya ay kulay Brown na Tila nang aakit, Ang kaniyang Labi ay Mapula-pula at parang marshmallow na kapag nakita mo ay parang sobrang lambot, Ang Kaniyang Panga ay Perpekto ang pag kakahugis. Ang Katawan niya ay Katamtaman ang Laki, Mahahalata mo na laging nagji-gym dahil Ang Braso niya ay Malaki. Magulo ang Buhok niya. Ang neck tie niya ay magulo din, Nakabukas ang dalawang botones ng kaniyang polo sa loob.
"Ano boss?" Hindi makapaniwalang tanong ng isa sa anim at nanlaki pa ang mata.
"Narinig niyo ko hindi ba? Mali ang Na Kidnap niyo! Mga Stupid!" Galit na sabi niya. Namutla naman ang anim na Lalaki.
"Anong gagawin natin, Boss? Papakawalan ba natin siya?" Tanong ng isang Lalaki na medyo nakalapit na.
"Tanga ka ba, Lee? Baka mag sumbong 'yan pag pinakawalan natin," Sabi ng Lalaking Blonde ang buhok.
"Tama si Young," pang sang-ayon ng Lalaking kulay Blue ang buhok.
"Boss, Anong ginawa niyo? Ni-r**e mo?" Tanong ng Lalaki na itim ang buhok. Siya lang ang itim ang buhok sa Kanila maliban dito sa boss daw nila.
"Gag*! Manahimik ka nga, Kim. Kung ano-anong iniisip mo," Ang Lalaking gray naman ang buhok ang nag salita at sinapok iyong Kim daw.
"Gusto ko ng umuwi." Nilingon ko ang Lalaking na sa Harapan ko na tinatawag nilang Boss. Nag iwas siya ng tingin at Buntong hininga. Tinalikuran niya kaming lahat at padabog ang mga yabang niya na lumabas.