Chapter 5 -Kamatis-

1755 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Masayang natapos kagabi ang kaarawan ng ina ni Pearl. May ilang araw pa silang mananatili sa hacienda farm, kung saan ay nais mag-relax ni Althea. Maaga pa lang ay naglilibot na si Marcus sakay ng kabayo, at kasama niya si Nato at si Ozias. Mabilis ang takbo ng sinasakyan nilang kabayo, tila ba sila nag-uunahan kung sino ang unang makakarating sa pupuntahan nila. Malawak ang lupain na 'yon, at malaki ang nasasakupan nito. "Whoa!" Malakas na sabi ni Marcus ng pinapatigil niya ang pagtakbo ng kabayo. Bahagya pa niyang hinila ang tali upang iparating sa kanyang kabayo na narating na nila ang lugar na pupuntahan nila. Humalinghing naman ang kabayo niya, at bahagya pang tumaas ang dalawang paa nito sa unahan, kaya ang isang kamay ni Marcus ay humimas sa katawan ng kabayo upang pakalmahin ito. "Easy now... easy..." Mahina niyang sabi habang hinihimas pa rin ng isang kamay niya ang katawan ng kabayo, hanggang sa unti-unti itong kumalma at tuluyang huminto. Sa likuran niya ay parating naman si Ozias at si Nato, kaya pinagtatawanan niya ang mga ito. "Ang babagal talaga ninyo." Sabi ni Marcus, habang bumababa na siya sa kanyang kabayo. Itinali niya ang lubid sa katawan ng malaking puno at saka siya nag-inat-inat. Dapat kasama niya ang kaniyang asawa, pero dahil masama ang pakiramdam ni Althea... hinayaan na lang muna niya itong matulog. "Ano ba kasi ang gagawin natin dito sa taniman ng mga gulay mo?" Tanong ni Nato. Itinali din nila ang kabayo nila sa puno, hindi naman malayo sa kabayo ni Marcus. "Gusto kong kumain ng kamatis, 'yung bagong pitas." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ni Nato. Tumingin pa siya sa kanyang orasang pambisig dahil napakaaga pa para sa pag-nguya ng kamatis. Alam naman niya na mahilig talaga si Marcus sa mga fresh vegetables, at ang kamatis ang number one sa listahan nito. Iyon nga ang madalas na nasa veggie salad ng kaniyang matalik na kaibigan, pero ngayon ay sobrang aga pa, at kape pa lang ang laman ng sikmura nila. "Sumunod kayo sa akin, maraming tanim na kamatis sa may dulo. Hindi pwede ang kabayo duon at baka masira ang mga pananim." Sabi ni Marcus. Napatingin pa sila sa isang ATV na nakaparada sa ilalim ng isang puno. Pero hindi na lang nila 'yon pinansin at nagsimula na silang maglakad. Masyado pang maaga, kaya wala pa talagang tao sa taniman ng gulay, lalo pa at hindi pa naman anihan, kaya talagang tahimik pa ang paligid, pero habang papalapit sila sa isang kubo na pahingahan ng mga trabahador ni Marcus... bigla silang napahinto. Naririnig nila ang ungol ng isang babae. Kumunot ang noo nila, nagkatinginan pa sila at mahinang tumawa. Agad namang tumingkayad si Marcus na tila ba isang magnanakaw na ayaw makagawa ng ingay at saka siya maingat na lumapit sa may bintana ng kubo. Dahil sa pag-uusyoso ni Marcus... nadamay na rin ang dalawang barako at ganuon na din ang ginawa nila. Tumingkayad at nag-uunahan pa sa paglapit kay Marcus na nakasilip na sa nakauwang na bintana. "Ohhhhh sige pa pogi... idiin mo pa... huwag kang titigil." Malakas na sabi ni Natasha Valeria na kaibigan ni Pearl. Nakatuwad ito habang binabayo ng kaibigan ni Ozias. Isang maskulado at gwapong lalaki na tauhan ng Venum. Bawat pag-ulos nito habang hawak ang baywang ng dalaga... nagngangalit ang mga ugat nito. "Aaaahhhh... akin ka na lang Natasha... ibabahay kita sa Manila." Umuungol na sabi ng kaibigan ni Ozias. Halos tumirik ang mga mata nito habang nakatingala sa kisame ng kubo. "Mas malaki ang alaga ko kaysa sa kanya." Mahinang bulong ni Marcus. "Mas magaling akong umiyot kaysa sa kanya." Sagot naman ni Nato. Natatawa naman si Ozias, at sa halip na magpatuloy sa panunuod ay umalis na ito at hinayaan ang dalawa sa paninilip. "Fuuuuckkk... ipuputok ko na." Sabi ng lalaki. "Sige lang Javier... pero huwag mong tatanggalin ang supot." Umuungol na sagot ni Natasha. "Gusto na kita, Natasha... akin ka na lang... ang sarap mo..." Umuungol pang sabi ng kaibigan ni Ozias. Rinig na rinig 'yon ni Ozias kaya kahit papalayo na siya ay natatawa pa rin siya. Umalis na rin agad si Marcus at si Nato, at nilapitan nila si Ozias na bumalik na sa mga kabayo. Magpapanggap sila na kararating lang nila upang hindi mahiya sa kanila ang kaibigan ni Pearl. "Ibang klase ang tauhan kong 'yon, naararo na agad ang kaibigan ni Pearl." Sabi ni Marcus. Tila ba proud pa dahil sa nakita nila. "Mas magaling pa rin akong umiyot kaysa sa kanya." Wika ni Nato, kaya tawa ng tawa si Ozias. Naglabas pa ito ng sigarilyo at saka sinindihan. Hinihintay na lang nila na bumukas ang pintuan ng kubo habang nasa ilalim sila ng puno upang magpanggap na walang silang nakita at wala silang narinig. Nang makita nila na bahagyang yumugyog ang pinto. Kunwaring itinatali ni Marcus ang kabayo niya, at iyon ang nakita ng kaibigan ni Ozias mula sa malayo. "Ozias, nandito pala kayo nila amo." Sabi nito. Tumango lang si Ozias at binitawan ang may sinding sigarilyo at saka sila nagsimulang maglakad. Agad namang isinara ng binata ang pintuan ng kubo, at hindi pinalabas ang babaeng kasama niya upang hindi makita ng mga ito. Si Marcus ang nangunguna, at ang laki ng pagkakangisi niya kay Javier. Maging si Nato ay nakangisi, kunwaring walang alam pero ang ngisi nila ay sapat na upang malaman ni Javier na alam ng mga ito na may kasama siyang babae sa loob, pero hindi hindi niya binubuksan ang pinto, nakatayo lang siya duon upang walang makapasok sa loob. "Ano ang ginagawa mo dito sa taniman ng gulay?" Tanong ni Marcus. "Nalasing ako boss kagabi kaya hindi ko na namalayan na dinala ko pala dito ang isang ATV. Dito na ako nakatulog sa kubo." Sabi niya. Tumango lang si Marcus at bahagyang sumilip sa nakasarang pinto, pero mas iniharang ni Javier ang maskulado niyang katawan upang walang makita ang mga ito. "Sige na. Pupunta kami duon sa dulo at mamimitas kami ng maraming kamatis. Gusto kong kumain ng maraming kamatis." Sabi ni Marcus. Bahagyang ngumiti si Javier, at saka niya nilingon ang kaibigan niyang si Ozias na tumango lang sa kanya. Pagkatapat sa kanya ni Ozias ay tinapik pa siya nito sa balikat. Hindi na nilingon pa nila Marcus ang tauhan niya, ang nais na lang niya ngayon ay ang makapitas ng maraming hinog na kamatis. Kagabi pa niya iniisip ang hinog na kamatis, kaya ngayon... kahit maaga pa ay talaga namang inaya pa niya si Nato at si Ozias para mamitas. May bonus pang live show na napanuod nila kanina lang. Pagkarating nila sa taniman ng kamatis... gulat na gulat si Marcus ng makita niya na puro hilaw ang kamatis na tanim. Kumunot ang kaniyang noo, at saka masamang tumingin kay Nato na para bang kasalanan ni Nato kung bakit hilaw pa ang mga kamatis. "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? May toyo ka ba?" Inis na sabi ni Nato. Natawa si Ozias, pero bigla siyang sinuntok ni Marcus sa sikmura. Hindi man malakas, pero sapat para mapaigik ito. "Walang nakakatawa. Gusto ko ng hinog na kamatis. Ilalagay ko 'yon sa agahan ko, kaya bakit walang hinog na kamatis dito?" Inis na inis niyang sabi. "Hindi pa naman yata anihan ng kamatis kaya wala pang hinog." Sabi ni Nato. Inis na hinablot ni Marcus ang sariling kilay, na tila ba duon niya ibinubuhos ang inis. Pero nakita sila ng isa sa kanyang trabahador na naglilibot at may hawak na basket na yari sa manipis na yantok. "Boss, bakit ho kayo nandito?" Tanong nito. "Bakit walang hinog na kamatis dito? Bakit puro ito hilaw?" Inis niyang sagot, kaya hindi na napigilan pa ni Nato ang hindi matawa. "Naku boss, puro pa ho talaga 'yan hilaw. Nanduon ho sa kabila ang mga hinog na. Mga bagong bunga lang ho iyan, pero duon sa kabilang taniman ng kamatis ay puro hinog na. Duon nga ho ako patungo ngayon." Sagot nito kaya namimilog ang mga mata ni Marcus. Tuwang-tuwa itong naglakad na nakasunod sa kanyang trabahador, at habang naglalakad sila ay sumisipol-sipol na ito. Masaya dahil makakain niya ang sariwang kamatis na gusto niya. Hindi naman nagtagal... nakita na nila ang isang malawak na taniman pa ng kamatis. At hitik na hitik ang mga ito sa hinog na bunga. Napatingin pa sa kanila ang mga trabahador nila na nagsisimula ng mamitas, kaya lahat sila ay napahinto sa kanilang ginagawa. "Bigyan ninyo ako ng lalagyanan, bilisan ninyo." Sabi niya. Mabilis namang kumilos ang mga trabahador niya at kani-kaniya ng abot ng plastic bag. Nagsimula siyang mamitas. Siya lang ang pumipili, at ayaw niyang pagalawin si Ozias at si Nato. Halos mapuno ang plastic bag ng hinog na kamatis, at pagkatapos ay nagmamadali na silang umalis at binalikan ang kabayo nila. Pagkabalik nila ng malaking bahay ay dumiretso na agad sila ng kusina. Tinawag pa niya si Nato at si Hugo upang tulungan siya sa gagawin sa kamatis. "Ano ba ang kailangan kong gawin diyan? Hindi ba at pinipiga lang naman 'yan?" Sabi ni Hugo. Naiinis dahil ginising siya para lang magpatulong sa kamatis. "Walang pipiga sa kamatis ko. Ang gusto ko, hihiwain 'yan sa gitna, at pagkatapos ay tatanggalan ninyo ng buto. Pero mag-iiwan kayo sa kamatis ng tig twenty seeds kada kamatis. Ganuon ang gusto ko. Tapos ay lalagyan ko 'yan ng maraming patis at paminta." Wika niya. Tila ba nanigas sa kinatatayuan si Nato at si Hugo. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. "Tarantado ka ba?!" Sabay pang sabi ng pinsan niya at matalik na kaibigan. "Kapag hindi ninyo 'yan ginawa... sasabihin ko sa mga asawa ninyo na nahuli ko kayo na sumisilip sa paliguan ng mga babae duon sa may mga kubo. Tignan ko lang kung hindi kayo matigang ng isang taon." Nanlaki naman agad ang mga mata nila. Galit na galit kay Marcus, dahil alam nila na kapag sinabi nito ay gagawin kahit na hindi naman iyon totoo. At alam nila na kapag galing kay Marcus, maniniwala naman agad ang mga asawa nila. "Tang-na ka!" Mura ni Hugo. "Nuong una ay naghahanap ka ng sinigang na manok sa sampalok na walang sampalok, tapos ngayon kamatis na mag-iiwan ng dalawampong buto? Gago ka. Pinagtitripan mo talaga kami." Inis na inis na sabi ni Hugo. Nakangisi lang si Marcus sa kanila. Hinihintay na kumilos ang dalawa. Pero wala na silang nagawa pa kung hindi ang sundin ito. "Twenty lang na buto ha." Sabi pa niya, nakangisi habang hinihiwa na ang kamatis na bagong hugas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD