┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
-Continuation...
Kasama sina Hugo, Nato, at Ozias na nagmamadali silang nagtungo sa hospital na pag-aari nila Julian Howard. Halos wala nang sinayang na oras ang isang King Venum, at everything felt urgent, but at the same time... surreal.
Excited ang lahat, pero iba ang bigat ng nararamdaman ni Marcus. Habang sakay sila ng sasakyan, basa pa rin ang mga mata niya, hindi pa rin niya mapigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha kahit ilang beses niya itong pinupunasan. Hawak ng isang kamay niya ang kamay ng kaniyang asawa nang mahigpit, as if natatakot siyang mawala ito, habang ang isa niyang kamay ay dahan-dahang humahaplos sa tiyan ni Althea, parang duon na umiikot ang buong mundo niya ngayon.
Si Ozias ang nagmamaneho, focused pero ramdam ang tension sa bawat galaw niya sa manibela. Naiwan naman sa hacienda sina Lyka at Janine habang binabantayan ang dalawang anak nina Marcus na naiwan.
Tahimik ang loob ng sasakyan. Not the awkward kind of silence, but the heavy, overwhelming kind. 'Yung tipong kahit walang nagsasalita, pakiramdam nila ay ang ingay ng paligid, pero tanging ugong ng aircon sa loob ng sasakyan lamang ang naririnig nila, steady and cold, paminsan-minsan ay nasisingitan ng mahihinang pagsinghot ni Marcus habang pinipigilan niya ang sarili niyang tuluyang bumigay.
Walang nagsasalita, pero ramdam na ramdam nila ang emosyon na bumabalot ngayon kay Marcus. Kay tagal nilang hinintay ang sandaling ito. Ilang taon ang lumipas... ilang beses silang umasa at nagdarasal na sana ay mabuntis muli si Althea. Ilang taon ang lumipas, at akala nila ay hindi na masusundan pa si Mathayus, pero heto ngayon at may dalawang guhit.
Patuloy ang pagtulo ng luha nina Althea at Marcus, pareho silang hindi makapaniwala sa nangyayari. Si Althea, hawak ang tiyan niya, still trying to process na may buhay na nabubuo sa loob niya. Si Marcus naman ay hindi pa rin makapagsalita, overwhelmed sa halo-halong emosyon.
Ang matapang na King Venum... ang lalaking kinatatakutan ng maraming organisasyon, ang hindi natitinag sa kahit anong gulo o labanan... ngayon ay tahimik na lumuluha.
"Sobrang saya ko. Sobrang saya ko dahil natupad na muli ang isa sa pangarap ko... ang muli kang mabuntis." Bulong niya ng binasag niya ang namamayaning katahimikan sa loob ng sasakyan. Pagkatapos ay sunod-sunod na halik ang ginawa niya sa mukha ng kaniyang asawa.
Hindi nagtagal ay nakarating sila sa hospital, at agad na sinalubong sila ng mga nurse at pinaupo si Althea sa wheelchair. Ganuon nila ituring ang lahat ng mga kaibigan ng mag-asawang Julian and Nimfa Howard.
Agad siyang dinala sa loob ng isang silid at inasikaso agad sila ng mga nurse. Inihiga si Althea sa isang kama at itinaas ang suot nitong blouse at pinahubad ang suot nitong pants. Pero bago ang lahat ay kinuhanan din siya ng dugo upang iyon ang gamitin nila para malaman kung buntis nga ba ito.
Fifteen minutes lang ang hinintay nila at dumating na rin ang babaeng doktor, at agad na nilapitan si Althea. Nakangiti ito, at agad na tinignan ang resulta ng blood test na ibinigay agad sa kanya ng nurse. Binasa niya ang resulta, at binasa rin niya ang impormasyong inilagay ni Althea kung ilang linggo na siyang hindi nagkakaroon. Pagkatapos ay napangiti ito at tumingin sa mga lalaking nakaupo sa sofa, at saka nilapitan si Marcus.
"Congratulations, buntis nga ang iyong asawa Mr. Dux." Nakangiting sabi nito kaya napasalikop ng dalawang palad si Marcus at saka inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Nakatingin siya kay Althea na nakahiga sa kama, pero tinawag siya ng doktor at pinatayo sa tabi ng kaniyang asawa.
"Seven weeks ng buntis ang iyong asawa, kaya panunuorin natin ang flicker ng heartbeat bata sa pamamagitan ng transvaginal ultrasound, pero hindi pa natin malalaman kung ano ang gender ng anak ninyo. Masyado pa itong maliit sa ngayon, pero kapag tumuntong na sa ika-apat na buwan pataas, duon na natin malalaman kung ano ang kasarian ng anak ninyo." Sabi ng doktora kay Marcus. Tango naman ng tango si Marcus, hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi.
Itinaas ng doktora ang dalawang binti ni Althea habang may takip na kumot sa kalahati ng katawan nito, at napatitig siya sa tiyan nito na parang bloated, kaya napakunot ang noo ng doktora at hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Marcus.
"Bakit ho, doc?" Tanong niya. Nag-aalala dahil sa pagkunot ng noo ng doktora.
"Sigurado ka ba na almost two months ka pa lang na hindi nagkakaroon?" Tanong ng doktora kay Althea. Sigurado si Althea ng tumango. Sinabi niya sa doktora na binibilang lagi niya ang bawat linggo na hindi pa siya nagkakaroon. Napatango naman ito at saka ngumiti.
"Medyo bloated ka kasi, or baka naparami lang siguro ang kain mo. Simulan ko na ha?" Sagot nito sabay pwesto niya sa pagitan ng hita ni Althea. Hinila naman ng nurse ang kurtina na tumatabing sa sa kama upang hindi makita nila Hugo ang gagawin ng doktora.
Tahimik ang buong silid habang dahan-dahang iginiya ng doktora ang probe, nakatutok ang mga mata niya sa monitor. Ilang segundo ang lumipas bago may lumitaw na imahe... isang maliit na bilog, halos hindi pa maaninag kung hindi tititigan nang mabuti.
"And there..." Mahinang sabi ng doktora, bahagyang lumapit sa screen at itinuro kay Marcus at Althea ang monitor.
"Do you see that?"
Bahagyang kumunot ang noo ni Althea, pilit inuunawa ang nasa monitor habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ni Marcus. Napatingin pa siya kay Marcus, at maging si Marcus, kunot na kunot ang noo habang nakatitig sa monitor.
"That flicker... that's the heartbeat." Itinuro ng doktora ang maliit na kumikislap na parte sa loob ng sac, kaya parang biglang huminto ang mundo ng mag-asawang Dux.
"Marcus... oh my God..." Halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang boses niya. Mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak ni Marcus sa kamay niya, hindi inaalis ang tingin sa screen.
"I see it... buntis ka nga mahal ko." Mahina niyang sagot, bakas ang hindi maipaliwanag na emosyon sa boses niya. Hindi naman nagsasalita na ang doktor, at sa halip ay bahagya nitong in-adjust ang probe, parang may hinahanap pa. Kumunot ang noo niya, mas lumapit ang mukha niya sa monitor. Titig na titig kaya nagtataka naman sila Marcus at Althea.
"Wait..." Wala sa loob na sabi ng doktora habang igigiya ang probe.
Muling gumalaw ang imahe. Isang panibagong bilog... at sa loob nito ay isa pang flicker kaya biglang napahinto ang doktora. Tinitigan ang monitor saka tumingin sa mag-asawa.
"There's another one." Excited nitong sabi, kaya halos lumuwa ang mga mata ni Marcus sa narinig niya.
"T-twins?" Nanginginig ang boses na tanong ni Althea, ngunit muling natahimik ang doktora at muling kumunot ang noo nito habang nakatitig sa monito. Muli niyang inikot nang bahagya ang probe na tila ba may pilit siyang inaaninaw, mas naging seryoso ang mukha niya ng may makita siyang isa pa. Isa pang maliit na sac. Isa pang pumipintig na buhay, at hindi lang dalawa kung hindi tatlo na.
"Oh my God... three. Triplets ang anak ninyo." Wika niya, at maririnig sa boses niya ang sobrang excitement, at maging si Nato at Hugo na nakaupo lang sa sofa ay nasa tabi na agad ni Marcus, nakatitig sa monitor ng marinig nila ang triplets na sinabi ng doktor. Hindi naman makapaniwala si Marcus na triplets ang ipinagbubuntis ng kaniyang asawa. Pero muli silang natigilan ng magsalita muli ang doktora.
"Wait... isa pang sac. Oh my God, quadruplets ang ipinagbubuntis mo."
Tuluyan nang natahimik ang buong silid. Ilang segundo ring walang nagsalita, parang lahat ay sinusubukang iproseso ang narinig nila mula sa doktora.
Dahan-dahang bumaling ang doktora kina Althea at Marcus, bakas ang gulat sa mukha nito ngunit may halong ngiti. Maging siya ay hindi makapaniwala na apat ang dinadala ng pasyente niya sa sinapupunan nito.
"You're not having twins... you're having quadruplets." Sabi pa ng doktora.
Walang lumabas na kahit na anong salita sa bibig ni Marcus, maging kay Nato at kay Hugo. Awang lang ang labi nila, nakatitig sa monitor kahit hindi nila 'yon nauunawaan.
Napahawak naman si Althea sa tiyan niya, parang hindi niya alam kung iiyak ba siya o magdiriwang dahil sa narinig niyang 'yon. Parang hindi pa rin pumapasok sa utak niya na magkakaroon sila ni Marcus ng quadruplets. Akala niya ay isang sanggol lang ang nasa sinapupunan niya, pero hindi... apat na sanggol, apat na sanggol ang iluluwal niya sa tamang panahon, at ngayon pa lang ay hindi na niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa narinig nilang 'yon mula sa doktora. Ibinuka niya ang bibig niya, pakiramdam niya ay nanunuyot ang lalamunan niya, ngunit nagawa pa rin niyang magsalita kahit halos kapusin na yata siya ng hininga dahil sa balitang 'yon.
"F-four? Q-quadruplets ang i-ipinagbubuntis ko?" Nauutal niyang sabi. Napatingin siya kay Marcus, nangingilid ang luha niya ngunit may ngiti sa labi. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ng kaniyang asawa, pero parang natutulala lang ang kaniyang asawa, na parang tumigil saglit ang mundo nito.
Napatingin din sa kanya si Marcus, hindi pa rin ito makapagsalita... parang umiikot pa ang mundo niya na kulang na lang ay himatayin siya dahil sa mga narinig nila. Ngunit nang tuluyan niyang maunawaan ang lahat, napahawak siya sa kanyang dibdib sabay yuko ng ulo niya. Tumutulo ang kaniyang mga luha, kaya tinapik siya sa balikat ni Hugo at ni Nato.
"Four..." Bulong niya, sabay punas ng kaniyang mga luha, at pagkatapos... isang mataas na talon at malakas na sigaw ang umalingawngaw sa bawat sulok ng silid na 'yon.
"Woohoo! Quadruplets! Quadruplets ang ipinagbubuntis ng asawa ko!" Malakas niyang sigaw. Maging sila Hugo at Nato ay tumatalon na rin at sumusuntok pa sa hangin ang dalawa na akala mo ay sila ang mga tatay.
"Holy fuuuuck!" Mura ni Hugo, at niyakap pa niya ang pinsan niyang si Marcus. Tawa naman ng tawa ang doktora sa kanila dahil nakikita nila na halos hindi magkandaugaga ang mga ito sa labis na kaligayahan nila.
"Shiiit bro. Quadruplets. Ang galing mo, natumbok mo ang tamang posisyon. Apat na baby agad sa isang buntisan lang. Tang-na, woohoo!" Malakas na sabi naman ni Nato, kaya ang dalawang nurse sa loob ay hindi mapakali sa loob na tila ba gustong matawa, pero hindi naman sila makatawa.
"Shiiit, shiiit, shiiit! Apat agad ang nadale ko. Magiging kuya na ulit si Ellizar, at hindi na bunso si Mathayus. Woohoo!" Muling sigaw. ni Marcus na hindi na kayang itago pa ang labis na katuwaan niya sa kanilang nalaman, at saka sila nagyakap tatlo habang tumatalon-talon pa sila na parang mga bata, kaya si Althea ay iyak na ng iyak habang nakatingin sa kanyang asawa na nag-uumapaw ang labis na kaligayahan.
"Babe, apat daw babe." Wika ni Marcus at niyakap niya ang asawa niya na nakaupo na sa gilid ng kama. Tango naman ng tango si Althea habang walang patid ang kaniyang mga luha.
"I love you, baby. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya... sobra. Woo! Hindi ko alam kung paano ko itatago ang kaligayahan ko." Malakas na pagkakasabi ni Marcus sa labis na kasiyahan niya, habang paulit-ulit na hinahaplos ang kamay ni Althea, na para bang kailangan niyang hawakan ito para lang makasigurong totoo ang lahat ng nangyayari at hindi lang ito isang panaginip lang.
Napangiti si Althea sa reaksyon niya, lumuluha pa rin habang pinagmamasdan ang lalaking bihirang magpakita ng ganitong klase nang emosyon. Ramdam niya ang kaligayahan ng kaniyang asawa.
"Doc, may itatanong ako sa inyo." Seryosong sabi ni Marcus, pero may bahid pa rin ng saya ang boses niya kaya napatingin agad ang doktora sa kanya.
"Yes?" Mahinahong tugon nito.
"Kapag ba naglilihi ang buntis... kailangan ba talagang maibigay lahat ng gusto niyang kainin? O kahit ano mang hilingin niya?" Tanong niya, sabay sulyap kay Althea, at saka tumingin kay Nato at kay Hugo habang ang laki ng pagkakangisi niya.
Bahagyang ngumiti ang doktora, halatang natutuwa sa pagiging attentive ni Marcus bilang asawa.
"Yes, lalo na sa kalagayan ng asawa mo." Sagot nito habang muling sumulyap sa monitor, na para bang pinapaalala sa kanila ang apat na maliliit na buhay na ipinakita sa kanila.
"Quadruplets ang dinadala niya, so mas mataas ang demand ng katawan niya... physically and emotionally. Kapag naglilihi ang buntis, hindi lang 'yan simpleng cravings, minsan, way din 'yan ng katawan niya para ipahiwatig kung ano ang kailangan niya. So as much as possible, ibigay ninyo kung ano ang kaya ninyong ibigay... lalo na kung makakatulong iyon sa comfort at emotional state niya." Sabi ng doktora. Napatango naman si Marcus at mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng kaniyang asawa.
"Paano doc kung hindi maibigay ang gusto niya?" Tanong ni Marcus, muli pa itong sumulyap kay Hugo at kay Nato ng makahulugan.
"Kapag hindi kasi naibibigay ang gusto ng isang buntis, pwedeng maapektuhan ang mood niya at duon nagsisimula ang pagiging emotional niya, kaya madaling ma-stress. At sa sitwasyon niya ngayon, hindi natin gusto ang stress. Kailangan relaxed siya hangga't maaari. At isa pa... dapat ay pag-ingatan ninyo ang pagbubuntis niya. Quadruplets are considered high-risk, so kailangan mas tutok tayo. Kapag medyo lumaki na ang tiyan niya, I would recommend check-ups every two weeks. Kailangan nating masubaybayan nang maayos ang development ng bawat baby sa sinapupunan niya. Also... kailangan niya ng sapat na pahinga. Hindi pwedeng mapagod, iwasan ang stress, at siguraduhin na well-supported siya palagi." Sagot ng doktor, kaya ang laki-laki ng pagkakangisi ni Marcus.
"Hugo, Nato... You heard the doctor. No stress. Dapat ay ibigay ang lahat ng gustong kainin ng naglilihi. Kaya make sure na lahat ng 'yan ay makakarating sa kanilang lahat. Maging sa mga asawa ninyo. It's payback time." Nakangising sabi ni Marcus, kaya lihim na natatawa si Althea. Kunot naman ang noo ng doktora dahil sa tinuran ni Marcus, pero hindi na siya nagsalita pa o nagtanong, at niresetahan na lamang niya ng mga vitamins ang asawa ni Marcus.
"Patay na!" Sabay na bulong ng dalawa, kaya tumatawa na si Althea sa narinig niya na binulong ng dalawa. Alam kasi ng mga ito na si Marcus ang naglilihi at hindi siya.
"Anyway... kapag tumuntong na ng apat na buwan ang ipinagbubuntis niya, maaari na nating malaman kung ano ang kasarian ng quadruplets ninyo." Sabi pa ng doktor, kaya ngayon pa lang ay sobrang excited na si Marcus at si Althea, maging ang kaniyang pinsan na si Hugo at ang matalik nitong kaibigan na si Nato.
"Yes! Ito ang matagal ko ng hinihintay." Sabi ni Marcus, bakas ang labis na kaligayahan sa mukha nito. At isang halik ang iginawad niya sa labi ng kaniyang asawa.
"I love you babe..."
"I love you too." Bulong na sagot ni Althea.