Chapter 3 -Lagot Ka Marcus- 🤣

2046 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Babe, ready ka na ba?" Tanong ni Marcus sa kanyang asawa. May lakad sila ngayon. Birthday ng tiyahin ni Marcus na si Aida Sheng, ang ina ni Pearl Sheng, at ang ina ni Pearl ang namamahala ng malaking farm ni Marcus sa Tarlac. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang mag-celebrate ng kaarawan ang tiyahin ni Marcus, kaya agad niyang tinawagan ang ilang tauhan niya sa farm, at ang pinsan niyang si Pearl bago pa man ang araw na ito, upang siguraduhin na mabibigyan ng isang malaking birthday party ang kaniyang tiyahin. Isang malaking birthday party na maraming imbitadong panauhin, pero pribado. Si Aida Sheng ay ang kapatid ng kaniyang ina, at may dalawa itong anak na si Pearl at si Rochelle, ang dalawang pinsang babae ni Marcus sa mother side. "Wait lang babe, hinahanda ko pa ang mga gamit nila Ellizar at ni Mathayus." Sagot ni Althea. Dadalhin kasi nila ang dalawang anak nila sa malaking mansyon ng ama ni Marcus, at duon muna ang mga ito habang sila naman ay nanduon sa Tarlac. May pasok ang mga anak nila at hindi pwedeng magpaliban sa klase. Pagdating sa pag-aaral ni Ellizar at Mathayus, sobrang higpit ni Marcus, at maging si Althea ay hindi nababali ang salitang binitawan na ni Marcus. "Bro, tara na. Naghihintay na ang lahat sa atin. Pupunta pa tayo sa bahay ng ama mo para ihatid ang mga bata. Naka ready na rin ang helicopter sa helipad ng estate ng iyong ama." Sabi ni Nato. Ang karamihan ng mga tauhan ni Marcus na pinamumunuan ni Ozias ay nauna na sa Tarlac. ╰┈➤ Lumipas pa ang ilang oras at lumalapag na ang helicopter sa helipad ng farm ni Marcus sa Tarlac. Ang ilang mga tauhan niya na nauna na duon ay naghihintay lang sa pagdating nila. Ang ilan sa mga high-ranking members niya ay sa gabi pa makakarating dahil sa mga trabahong hindi nila basta maiwanan. May mga ilang inimbitahan din si Marcus katulad ng magkapatid na Kayden at Caleb. Ilang mga Hendrickson, ang magkakaibigang bilyonaryo at ilan pang mahahalagang tao. "Kuya Marcus! Oh my god, nandito na kayo ni Ate Althea." Malakas na sigaw ni Pearl. Ang pinsan ni Marcus sa mother side niya. "Kuya Marcus, naaalala mo pa ba ako?" Sabi naman ng isa pang babae na pilit na inaalala ni Marcus ang mukha nito. Matagal din kasi siyang hindi nakakadalaw sa Tarlac kaya hindi niya masyadong nakikilala ang mga taong bumabati sa kanya. "Rochelle? Rochelle Ellaine? Ang kapatid ni Pearl?" Gulat na wika niya. Pumalakpak naman ang kapatid ni Pearl, tuwang-tuwa dahil hindi nakakalimutan ni Marcus ang pangalan niya. "Tumpak! Ang gwapo mo Kuya Marcus. Naaalala mo ba si Monique Lira Aragon? 'Yung kaibigan ni ate." Sabi nito. Natatawa naman si Pearl, habang si Althea naman ay biglang tumaas ang isang kilay. "Monique? Uhm... nope." Sagot nito sabay ngisi sa kaniyang asawa. Ngisi na kita ang lahat ng ngipin na akala mo ba ay guilty. "Monique Lira, ha. Hmn... mukha yatang mag eenjoy ako sa lugar na ito." Sabi ni Althea kaya napapakamot ng ulo si Marcus. "Monique Lira Aragon... naghahanap yata ito ng sakit ng katawan" Muli pang sabi ni Althea kaya humahagalpak na ng tawa si Nato. Si Monique ay isa sa best friend ni Pearl, at malaki ang pagkakagusto nito kay Marcus mula pa nuon, pero kaylanman ay hindi ito pinapansin ni Marcus. Ni hindi nga nito masyadong maalala ang pangalan nito, maging ang hitsura nito. "Hindi ko 'yon kilala, mahal ko." Depensa agad ni Marcus. Pero bago pa man makasagot si Althea, isang matinis na boses agad ang narinig nila. "Oh my god.... Marcus baby, nandito ka nga!" Malakas na sabi ng isang babae habang mabilis itong tumatakbo papalapit sa kanila. Naka-open arms pa ito at handa ng yumakap kay Marcus. Pero bago pa man sumayad ang dulo ng daliri niya sa balat ni Marcus... lumapat na agad ang palad ni Althea sa mukha ng babae. Sakop na sakop ng palad niya ang magandang mukha ni Monique. Lalo tuloy humahagalpak ng malakas na tawa si Nato at Hugo sa nakikita nila. "Oh my gosh, please get your hands off my beautiful face." Sabi nito. "Ate Althea. Ito nga pala si Monique, kaibigan ko. Monique, siya naman si Ate Althea, ang asawa ni Kuya Marcus." Sabi ni Pearl. Hindi niya mapigilan ang pagtawa niya. Alam na alam niya kung gaano kalaki ang pagkagusto ng kaniyang kaibigan kay Marcus. "Oh... ikaw pala ang ipinagpalit niya sa akin." Sabi nito, sabay irap kay Althea. Biglang tumikwas ang isang kilay ng asawa ni Marcus at nilingon agad ang kaniyang asawa. "Teka lang. Anong ipinalit? Ayusin mo 'yang sinasabi mo, amazona ang asawa ko. Malalagot tayong dalawa sa kalokohan mo, Monique." Natatarantang sabi ni Marcus, at panay ang sulyap niya sa kaniyang asawa na naglalagblab na ang mga mata. "Oh? Akala ko ba ay hindi mo kilala ang Monique na tinutukoy ng pinsan mo? Ngayon ay parang pinoprotektahan mo pa ito." Sabi ni Althea. Ramdam ni Marcus sa tinig ng kaniyang asawa na nagseselos ito. "Hindi talaga niya ako makakalimutan noh! May mga memories kaya kaming dalawa. Baby Marcus, sobra kitang namiss. Miss mo rin ba ako?" Sabi pa ni Monique na tila ba iniinis pa lalo si Althea, at lalapit sana ito kay Marcus, pero agad na sumenyas ang isang kamay ni Althea, kaya awtomatikong naglapitan ang mga tauhan ng Venum. "Yes, madam!" Sabay-sabay na sabi ng mga tauhan ni Marcus, at sa unahan nila ay ang gwapong-gwapo na si Ozias. "Subukan mong lumapit sa asawa ko at tatapyasin ko talaga ang magkabilang tainga mo. Nakikita mo ba ang mga lalaking 'yan? Ipapatapon kita sa balon na puno ng malalaking bayawak, kasama ang asawa ko." Inis na sabi ni Althea. Bigla namang napaubo si Marcus at agad na nagtago sa likuran ni Nato, kaya gulat na gulat ito sa ginawang 'yon ng kaniyang best friend. "Babe naman. Pakialam ko naman sa babaeng 'yan. Bakit nadadamay ako? Hindi ko nga siya matandaan, saka walang nakaraan, promise." Depensa ni Marcus. Halos magliyab na ang mga mata ni Althea dahil sa selos sa babaeng nakatayo sa harapan niya. Maganda ito, maputi, matangkad. "Pasensya ka na Ate Althea ha. Palabiro lang talaga itong si Monique. Nang-aasar lang 'yan. Ganyan talaga 'yan kahit sa amin na mga kaibigan niya." Pakli naman ni Pearl at hinihila na niya ang kaibigan palayo. Pero muntikan ng bumagsak si Pearl ng bigla niyang mabangga ang isang matipunong katawan. Naging mabilis ang kilos ng lalaki at nasalo agad niya ng isang kamay ang balingkinitang katawan ni Pearl. "Matuto kang tumingin sa nilalakaran mo." Matigas na pagkakasabi ni Kayden. Galit ito, at binitawan agad niya ang dalaga. Halos pumuso naman ang mga mata ni Pearl habang titig na titig lang siya sa gwapong mukha ni Kayden na kararating lang kasama si Caleb at ang asawa ni Janine na si Maguz. "Hoy bruha, ano nangyayari sa'yo?" Boses ng isang babae na papalapit sa kinatatayuan ni Pearl at Monique. Si Sunshine De Castro, ang isa sa kaibigan niya. Kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Airah Belle Lavigne at si Natasha Valeria. "Wow, ang gagwapo ng mga lalaking 'yon." Bulong ni Aira. "Huy, ano na ang nangyari sa'yo? Para kang namatanda diyan." Sabi pa muli ni Sunshine, sabay yugyog niya sa kaibigan nila. "Ha? W-wala. Tara, ipapakilala ko kayo sa asawa ni Kuya Marcus. Hindi kasi 'yon madalas magpunta dito. At kapag nandito 'yon, busy naman kayo." Sabi niya. Tuwang-tuwa naman ang lahat maliban lang kay Monique. In love talaga ito kay Marcus, pero matagal na naman niyang tanggap na may asawa na ito. "Ate Althea, ito nga pala si Sunshine De castro, ito namang isa ay si Natasha Valeria, at ang isa namang ito ay si Airah Belle Lavigne. Itong isa naman... ay wag na, naipakilala ko na siya sa'yo kanina. Baka umusok na naman ang ilong mo. Palabiro lang talaga 'yan." Pagpapakilala ni Pearl sa mga kaibigan niya. "Nagagalak akong makilala kayo." Nakangiting sabi ni Althea, pero kapag napapasulyap siya kay Monique ay tinataasan niya ito ng kilay. "Airah Belle Lavigne? Parang singer lang ang datingan ha. Parang minekus-mekus lang ang pangalan." Wika ni Kayden, kaya ang lakas ng pagkakatawa ni Marcus sa narinig niyang 'yon. Humahalakhak talaga na parang nang-aasar pa. Tahimik naman si Althea at nakataas ang isang kilay nito habang nakatitig kay Monique. "Excuse me! Maganda ang pangalan ko!" Nakairap na sagot ni Airah, pagkatapos ay nagbubulungan na sila at tinititigan ang mga gwapo at maskuladong lalaki sa likuran ni Ozias. Natatawa naman si Ozias. Ang limang lalaki na tauhan ng Venum na nasa likuran ni Ozias ay mga kaibigan niya. Kumaway ang isang tauhan kay Natasha, sabay dila ng pang-ilalim na labi nito kaya kilig na kilig si Natasha. Panay pa ang kurot niya sa tagiliran ni Pearl. Ang ilan pang gwapo at maskuladong lalaki na kaibigan ni Ozias, ay panay na ang pagpapapansin sa mga kaibigan ni Pearl. "Mahal, tara sa loob, maraming pagkain. Nagugutom na ako." Sabi ni Marcus. Nakangisi at naka peace sign pa. Tinaasan siya ng kilay ng kaniyang asawa, at saka pairap na naglakad palayo. Tawa naman ng tawa si Nato dahil mayayari ngayon ang kaniyang best friend. "Mahal! Jusko naman, mahal! Huwag ka ngang magpapaniwala sa babaeng 'yon. Mahal, ikaw lang ang nakakakilala ng hitsura ni Upo, maniwala ka sa akin. Iyong-iyo si Upo." Malakas na sabi ni Marcus, kaya humahagalpak na ng tawanan ang mga bumubuo ng Venum, lalong-lalo na si Nato at si Josh. "Mahal naman. Maniwala ka sa akin. Pearl, humanda talaga sa akin 'yan kaibigan mo kapag ang asawa ko ay naghurumentado. Lagot talaga siya sa akin." Malakas na sabi ni Marcus. "Ihahanda ko na ba ang dating kwarto natin?" Malakas na sabi ni Monique, kaya muling umugong ang malakas na tawanan nila Nato. Pero si Althea ay biglang napahinto at parang nagmukha na itong impaktita sa sobrang pagliliyab ng mga mata niya. Bigla tuloy napaurong si Marcus sa paglapit, napalunok ng laway at niluwagan ang kuhelyo ng suot niyang polo, sabay lingon sa pinsan niyang si Pearl at kay Rochelle. "Umayos ka babae, ka! Pearl, iuwi mo na 'yan. kapag ako naputulan, putol din ang ulo niyan sa akin." Napipikon na si Marcus sa ginagawang pang-aasar ni Monique, kaya tawa na ng tawa si Pearl. "Tumigil ka na, bruha ka. Mainit na ang ulo ni Kuya Marcus." Bulong ni Pearl. Ang apat niyang kaibigan ay anak ng may ari ng mga resorts na hindi naman kalayuan sa malaking farm ni Marcus. Mayaman ang pamilya ng apat na kaibigan ni Pearl, at alam ni Pearl na wild ang mga ito, ibang-iba sa pagkatao niya. Pero maingat siya pagdating sa kanyang sarili, hindi siya nagpapadala sa pagiging wild ng mga kaibigan niya. Ibig sabihin... katulad din sila ng ibang mayayamang babae na pumapayag sa one night stand kapag gwapo ang lalaki, pero may proteksyon upang hindi sila mabuntis. At si Monique, binata pa lang si Marcus, kinababaliwan na niya ito. Pero hindi niya makuha-kuha dahil hindi siya pinapatulan nito dahil kaibigan siya ni Pearl. "Bakit mo ako tinititigan? Marumi ba ang mukha ko?" Pasupladong sabi ni Kayden. Bigla naman siyang pinalo ni Marcus sa balikat. "Gago, pinsan ko 'yan. Kapag iyan ginastusan ko at pina-ayusan ko, lintik ka Kayden, maglalaway ka sa pinsan ko. Tulo laway. As in, tulong tulo ang laway mo, pero ikaw naman ang tatarayan niyan. Sira ulo ka!" Inis na inis na sabi ni Marcus, sabay akbay niya kay Pearl at inilayo niya ito kay Kayden. Pagkatapos ay hinanap niya si Althea, at ng makita niya ito na galit na naglalakad papalayo... mabilis niyang binitawan ang pinsan niya at hinabol ang kaniyang asawa. "Babe, mahal ko. Inosente ako, mahal ko. Hintayin mo ako. Kung gusto mo ay luluhod pa ako sa harapan mo at saka... alam mo na 'yon." Malakas na sabi ni Marcus habang hinahabol na niya ang kanyang asawa. Tawa naman ng tawa si Nato. Tawang-tawa talaga ito sa nangyayari sa kanyang matalik na kaibigan. "Lagot ka sa asawa mo. Babaero ka kasi!" Malakas na pang-aasar ni Nato. "Gago! Baka lalong maniwala 'yan dahil sa'yo na nanggaling. Gago ka talaga!" Malakas na sigaw ni Marcus habang tumatakbo na ito upang habulin ang kaniyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD