"I mean she'll be my wife... Soon." Nabunutan naman ako ng tinik doon,Kelvskie!
Natawa itong lalaki na nasa harap namin. Naka tuxedo rin siya. Naramdaman kong hinapit ni Kelvin ang bewang ko.
"Kayden, Kelvin's bro." Nag-aalinlangan man ay nakipag kamay na rin ako sakanya. Ah kaya pala hindi sila mag kamukha chos,wait!???Kayden??. In fairness pareho silang gwapo.
"Carla." Ngumiti siya sa'kin at kinalas ang kamay ko nang samaan siya ng tingin ng kapatid niya. Ang seloso naman ng gwapo kong boyfriend.
"Lets go, everyone's waiting for you kuya." Bakit ba sila english ng english! Mag kuya nga sila.
"Captain Inigo." Kilala ko si Captain Inigo dahil isa rin ito sa pinakitaan ko sa pag dedemo.
"Miss Castillo." Bati nito sakin nang magkita kami. Nasa 40's na ito may asawa at anak na but somehow naghuhumiyaw ang kagwapuhan nito. Kung wala nga akong gwapong bebe ay baka ginawa ko pa siyang sugar dadssyy.
"Nice meeting you again po." Nahihiyang sabi ko. Kapag kasi maganda ka dapat mahiya karin para mas maging maganda ka. Hehe.
"Captain Gonzales." Nag tanongan ang dalawa. May mga babae akong nakikita. Yung iba rito ay mga flight attendants na nakasama ko rin kanina aa eroplano.
"Maam girlfriend ka pala ni Captain Gonzales?" Hindi makapaniwalang sabi sa’kin netong fa na may kulot na buhok at ‘di hamak na mas maganda ako.
"Yeah." Pag-eenglish ko.
"Bagay po kayo." Sabi naman ng besprend niya. Ngumiti ako sakanilang dalawa.
"Tao kami." Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Kelvskie sa gilid ko.
"Excuse us ladies." Hinawakan na ako ni Kelvskie nag wave pa ako sa mga babaeng esksaherada kanina, umupo kami sa isang mahabang lamesa kasama yung mga directors sa airlines at yung ibang captain na may matatas na rango.
Nakakahiya dahil puro lalaki ang mga kasama ko pero dahil nga maganda ako wala na akong hiya.
Napanguso ako nang makita ang mga pagkain namin. Walang kanin!
May soup na kulay pula naalala ko pa nun sabi ni Mama na dapat wag kumain ng mga may ibang kulay na pagkain dahil baka hindi na ako makakabalik pa. Kaso nasa Paris naman ako kaya eto kakain ako kung totoo man iyon edi habang buhay ako rito kyaah! Bet ko.
May steak na may mga kung ano-anong dahon sa gilid. Mas lalo akong napanguso nang makita ang mga tinapay. Hindi naman ako mabubusog nito eh. Ang kokonti ng servings huhu. Pero dahil nga maganda ako hindi na ako umangal.
"Son?" Biglang napatayo si Kelvskie at nagmano sa matandang kakarating lang.
"Chief..."Nasabi nilang lahat, tumayo sila kaya tumayo na rin ako at yumuko gaya gaya ako eh bakit ba,ganyan daw pag maganda ka.
"Sit." Tipid nitong sabi kaya umupo rin naman kami. Pati si Kayden ay nakipag mano dun. Parang kilala ko ‘to ang lalaking to!
Omooo! Ito yung sugar dadsy ko!
Char! Ikaw naman kinabahan ka agad.
Daddy pala siya nina Kaydenskie at Kelvskie. Shocking! Sabi na nga bang sila yung may ari ng Philippine airlines hmp! In fairness.
"Carla, hija." Nagmano na rin ako sakanya, kilala niya ako ah? Hmm stalker ko ba to si Chief? Beyen!
"Hello po." Ngiti ko sakanya.
"You're beautiful as what Kelvin said." Napatingin ako sa boyfriend kong gwapong gwapo. Ngumiti siya sakin.
Naks kinekwento niya pala ako sa family niya!
"Salamat po." Hindi ko alam kung nakakaintindi siya ng tagalog. Pero bahala na siya,siya na mag adjust sa magandang tulad ko.
Nag chikan sila about sa business. Busy sila don, ako naman ay busy sa pag pili ng kutsarang gagamitin. Ang dami kasi nila. Huhu.
At para saan ‘tong kutsilyo at itong malaking tinidor na may dalawang spike lang? Huhu.
"Are you ok?" Bulong sa'kin ni Kelvin. Mas napanguso ako mukha ba akong si ok?
"Sino naman si ok? Kabit mo yun no?" Hindi ko inaasahang matawa siya tanong ko.
"Say ahhh."Humiwa siya ng steak at balak na isubo sakin. Sinunod ko naman siya. Sinubuan niya ako ng steak na maalat. Hmp nasobrahan sa asin.
Pero kasi nga maganda ako kinain ko parin yun. Nakangiti lang si Kelvskie sakin.
Biglang natahimik ang mga kasama namin kaya kapwa kaming napatingin sakanila. Lahat sila nakamaang na nakatingin sa'min.
"Hehe." Nasabi ko lamang.
Ilang minuto pa ang lumipas ay patuloy parin sila sa pag chichikahan. Hanggang sa maging kami na ang topic.
"When is the wedding?" Natatawang ani Captain Inigo na kay Kelvskie ang paningin.
"Kailan niya ba gusto?" Namamanghang tumingin sakin si Kelvin. Napangiti ako dahil minsan lang siya magtagalog at kapag ganun nag jojoke ang loko.
Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"She should finish her course first." Bumaling na siya sa harap. Tama siya kailangan ko pang tapusin ang kursong ito.
"What course are you taking ba, hija?" Tanong ni dadsy. Conyo ah!
"Tourism po." Namamanghang napatango silang lahat.
"Mag f-flight attendant ka?" Tanong naman ni Kayden.
"Hindi mag t-tour guide." Malakas silang nagtawanan hala benta ang joke ng magandang tulad ko.
"She's so funny." Maluhang- luha na sabi ni Captain Inigo, napangiwi ako. Tawang tawa siya sakin.
Nang matapos ang dinner ay nangako akong babalik ako rito sa Paris para makita uli si Kayden at Dadsy kahit halata namang niloloko ko lang sila. Taga rito pala yung dalawang yun. Pero minsan ay umuuwi rin ng Pilipinas pero wala naman na akong pake.
"They like you." Wika ni Kelvskie nang pabik na kami sa room namin. Ay dapat lang!
"Hala baka agawin nila ako sayo!" Nangangambang sabi ko. Sabi na nga bang crush nila ako eh!
"You want to take a ride?" Napatigil ako nang marinig iyon. Napatitig ako sakanya. Napahawak ako sa noo ko nang pitikin niya iyon.
"You're imagining things love." Ihh bakit ba.
Pagka dating namin sa room pinabihis niya ako ng damit. Syempre siya parin ang bumili nun. Jeans at staka polo na long sleeve hmp.
Sinuot ko yung step in na binili niya sa Louis Vuitton. Naka white na tshirt lang siya at jeans at sapatos. Hawak kamay parin kaming lumabas.
Nagulat ako sa tuwa nang makita ang dalawang bisekletang nasa tapat ng hotel.
"We'll use this." Napatalon ako sa tuwa matagal na akong hindi nakapag bike. Buti pa rito makakapag bike ako.
Kapwa kaming nag bisikleta, nakasunod lang ako sakanya. Hindi magkamayaw ang tuwa sa’kin.
"This is Seine river, love" Sabi niya nang mapadaan kami sa isang ilog na may mga lamp post ang ganda dun. Hindi masyadong lively pero ang ganda ng samyo ng hangin.
Tumigil kami saglit para tanawin ang Notre dame na noon lang ay pinag aaralan lang namin sa grade 10 pero ngayon nakikita ko na.
"Asan yung hunchback?" Nakangiwing tanong ko habang naka pamewang pa.
"Lol." Tipid na sabi nitong boyfriend kong gwapo.
Hindi ko alam kung paano ang pronunciation niyon pero dahil maganda ako alam ko ang spelling nun.
Louvre museum, doon ay natatawa akong nagpaikot ikot sa mga kalapati. Hindi kami nakapasok sa loob dahil wala lang feel ko lang bakit ba.
Nakasunod naman sakin si Kelvskie sinabihan ko pa siyang picturan ako habang hinahabol ang mga kalapati hindi naman siya umangal.
Huli namin pinuntahan yung Eiffel tower maganda pala iyon sa malapitan. Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak sa tuwa dahil minsan ko lang yun makita.
Ilang beses akong nagpa-picture dun kasama yung gwapo kong boyfriend. Marami pa sana kaming gustong puntahan kaso ay limitado ang oras namin. May flight pa kami bukas.
Sinandal niya ako sa railings ng terrace namin nang makabalik kami sa hotel. Tanaw ko parin ang tower.
Pinasuot niya sa'kin ang nabili niyang bracelet na may palawit ng eiffel tower.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sobra akong nagpapasalamat na nakilala ko ang lalaking to.
Uminom kami ng champagne habang naliligo sa jacuzzi at sabay na pinagmasdan ang maganda syudad ng Paris.
Huhu aalis na ako bukas rito.
"Isasama mo pa ba ako bukas?" Nakanguso kong sabi sakanya habang nakasandal sa dibdib niya.
"Yeah, we’ll go to Greece tommorow." Mas napanguso ako.
"Pwede naman akong manatili rito."
"Really, Carla?" Masungit na aniya. Kaboses niya yung, Talaga Sharmaine?? Hehehe.
"Baka kung ano ang sasabihin ni-"
"Don't f*****g mind them... I promise to you that I'll give you the world I can give." Humarap ako sakanya at hinalikan siya sa labi.
"I love you." Wika ko.
"Umay..." Sinamaan ko siya ng tingin. Siya naman tawang-tawa.