Napatili si Tanya pagkagising niya kinaumagahan nang makita sa harap ng salamin ang namumulang malaking pimple sa may tungki ng kaniyang ilong.Tila ito isang nahihinog na kamatis na tumubo sa kaniyaang ilong.
Nagkukumahog na pumasok naman si Aleng Rhoda sa kwarto ng anak ng marling ang tili nito.
"Anong nangyari?"may pag-aalalang tanong nito sa anak.
"Inay,"nagpapadyak at mangiyakngiyak na itinuro nito ang namumulang ilong."Oh!"
"Dyaskeng bata ka."pinandilatan ito ng mga mata ni Aleng Rhoda."Akala ko kung ano ng nagyari sayo,dahil lang sa pimple na iyan para ka ng baka na kinakatay."
"Tingnan nyo naman ang pangit ko na."
"Ako nga ấy tigil-tigilan mo sa kaartehan mo Tanya,kaysa yang pimple ang atupagin mo ay lumabas ka na at tulungan mo akong ilagay sa basket ang mga mais at ihahatid natin sa hacienda.""
"Ano ho?tutungo tayo sa hacienda."
"Oh,bakit anong nakakagulat doon?"
"Ka-kayo na lang ho Inay.hi-hindi ako pwede."
"At bakit?"nakakunot-noong taning nito."Hindi ko kakayanin na bibitin ang mga basket."
"Pero Inay"aniyang nagrereklamo habang isinisilid ang mga mais sa basket.
"At bakit nga,huh?"Anong dahilan at hindi mo ako masasamahan."
Ano ba ang magandang idadahilan niga sa kaniyang Inay kung bakit ayaw niyang sumama.Paano na lang kung magtagpo ang mga landas nila ni Tyrone at makita nito ang kaniyang hitsura..oh no!hindi niga gustong makita si Tyrone na parang may hinog na kamatis na nakapatong sa tungki ng kaniyang ilong.Baka mapagkamalan pa siya nitong si Rudolp the red nose reindeer.
"May menstruation ho ako,ma-masakit ang aking puson,"
"Ako ba ay niloloko mo huh,Tanya!katatapos lang ng iyong menstruation noong isang araw."
Napangiwi si Tanya buking kaagad ng kaniyang ina ang ginawa niyang palusot rito.
Hindi ang maipinta ang mucka ni Tanya habang bitbit ang dalawang basket na mais sa magkabilang kamay. Panay ang dasal na sana ay huwag pagtagpuin ang landas nila ni Tryrone ng araw na iyun.Kahit pa nga gustong-gusto niya itong makita ay pass na muna ngayong araw dahil hindi bale ng hindi sila magkita nito basta huwag lang talaga ngayon na hindi kaaya-aya ang kaniyang hitsura.
Kainis naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng tubuan ay bakit sa tungki pa talaga ng kaniyang ilong.
"Maiwan muna kita rito at pupuntahan ko lang si Aleng Maring sa may kambingan,huwag kang aalis rito at iwanan iyang mga mais dahil tiyak na sisibain yan kapag may galang kambing."bilin ni Alemg Rhoda.
Tumango naman si Tanya.
Mas pabor nga iyun sa kaniya dahil wala naman talaga siyang balak na sumama sa ina kundi lamang siya pinilit at ginawang taga-bitbit ng mais.
Naupo na lamang siya sa may ilalim ng malaking punong mangga habang hinihintay ang kaniyang ina.Isinandal niya ang kaniyang likod sa trunk ng puno habang nakatanaw sa malaking mansion.Balang araw ay matutupad rin ang kaniyang pangarap na magkaroon din ng mansion kahit hindi kasing laki ng Mansion ni Don Ramon basta magkatotoo lang ang kaniyang nais,wala namang imposible basta ginusto mo ang isang bagay at pinagsumikapan.
Saka hindi ba hindi naman lahat ng milyonaryo at may sinabi sa buhay ay ipinaganak na talagang may gintong kutsara sa bibig dahil yung iba naman ay nagsumikap para marating ang tuktok ng tagumpay kaya hindi naman malayong mangyari din iyun sa kaniya kung talagang pagsusumikapan niya at maging positibo lamang sa lahat ng bagay.
Medyo nakaramdam na ng kaunting pagkainip si Tanya sa kaniyang ina dahil kahit anino nito ay hindi pa lamang niya natatanaw gayung ang sabi nito ay hindi ito magtatagal.Naku naman talaga!tiyak na napalaban naa naman ito ng pakikipagtsismisan kay Aleng Maring at nakalimutan na ata nitong naghihintay siya.
"Hey!why are you here?"tanong ni Tyrone ng makitang kampanteng naksandal sa puno si Tanya.
Napaigtad si Tanya ng marinig ang pamilyar na tinig.
Kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyun.
Awtomatikong natakpan kaagad ni Tanya ang kaniyang ilong.Ano ba naman yan!yung ayaw niyang magkrus ang landas nila ngayong araw ay hindi pa nangyari dahil heto at nasa harapan niya ang lalakeng iniiwasan.
"May itinatago ka ba sa mukha mo?'napakunot-noong tanong nito ng makita kung paano na lang takpan ni Tanya ang mukha.
Umiling si Tanya.
Wala siyang balak na ipakita sa lalake ang nakakainis niyang pimple na walang pakundangang tumubo sa tungki ng kaniyang ilong.Kung hindi ba naman lapastangan at basta na lamang tumubo at hindi man lang nagtago.
Pupuwede naman sa hindi nakikita.Ang lapad-lapad ng likod niya o di kaya sa binti basta dun sana sa parteng kayang itago.
"I said,anong ginagawa mo rito?"
"Ah..eh...hinihintay ko ang Inay,pinuntahan lamang si Aleng Maring."natatarantang sagot ni Tanya.
"Teka nga lang nga,bakit ba nakatakip ka sa mukha mo?may itinatago ka ba?"may kuryusidad na tanong nito kay Tanya.
Para namang walang narinig at patay malisya na hindi pinansin ni tanya ang pagtatanong ni Tyrone kung bakit tinatakpan niya ang mukha..
"Si..sige..pupuntahan ko na ang Inay."nagmamadaling tinalikuran ni Tanya ang lalake para matigil na ito sa pagtatanong.
Subalit nakakatatlong hakbang pa lamang siya at hindi pa man lamang nakakalayo ng muli itong magsalita.
"Sayo ba itong mga dala?"tanong nito sabay turo sa dalawang basket.
Naku!patay na!Oo nga pala!may dala nga pala siyang basket at kamuntik pa tuloy niyang makalimutan dahil sa kagustuhan na makaiwas siya kay Tyrone.Tiyak na malilintikan siya sa kaniyang ina kung naiwanan niya ang mga mais dahil tiyak na pagpipiyestahan na ito ng mga alagang hayop sa hacienda na minsan ay nakakawala sa kulungan.
"Ah,oo nga pala kamuntik ko ng makalimutan."aniya.
Natatarantang binalikan niya ang dalawang basket na mais.
Kaagad na dinampot iyun kaya naman nawala są isipan nito ang itinatagong pimple kay Tyrone na ayaw niyang makita ng lalake.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Tyrone.
Anong nakakatawa?
"Teka!yan ba ang tinatakpan mo kanina?"anito sabay turo sa kaniyang ilong."anong nangyari diyan?"
At ayun na nga!hindi nakaligtas kay Tyrone ang malaki at namumula niyang pimple sa may tungki ng kaniyang ilong.Walanghiya naman oh!Bigla tuloy ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Tanya sa matinding hiya dahil nakita ni TYRone ang pinakaiingatan niya na ayaw ipakita.At huli na para itago pa niya ito dahil nalantad na sa lalake.Gustong magpapadyak ni Tanya sa inis dahil sa hiyang nararamdaman