TINAPUNAN ko ng matamlay na tingin ang sarili kong repleksyon sa wide mirror ng comfort room. I looked pale. Tila walang buhay. My eyes look so tired, ni hindi makuha ng mga ito na magkunwaring masigla.
I wiped my face with the back of my palm to erase the trace of my tears on my cheeks. Pero kahit ilang beses kong alisin ang bakas no’n ay halata pa rin ang pag-iyak ko. Pagkatapos kong makatanggap ng hindi magagandang salita kay Joross, agad ko na siyang iniwan sa office. Ramdam ko kasi kanina ang bigat ng nagbabadyang luha ko, para akong nilamon ng kahihiyan.
Hearing those words is supposedly nothing for me, dahil sanay na ako sa mga katrabaho kong ganoon din ang tingin sa akin. Pero iba pala ‘yong dagok at talas ng mga salitang iyon kapag sa kaniya nanggaling.
Marumi ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
Ilang beses pa akong nagpakawala ng malalim na hininga at inayos na rin ang sarili. Naglagay lamang ako ng pulbos gamit ang libreng face powder ng comfort room. Gamit lang ang aking mga daliri ay sinuklay ko nang maayos ang buhok ko pagkatapos ay ipinusod iyon.
Nang maihanda ko na muli ang aking sarili ay nagpasya na akong lumabas ng comfort room, ngunit hindi agad ako nakatuloy nang may nakasalubong ako.
“Wow! The little gold digger is here!”
Kusang umatras ang mga paa ko nang makilala ang babae. Sapat na siguro ang mga natanggap kong masasakit na salita kanina, kapag hinayaan ko pa ang babaeng ito na lait-laitin din ako, baka hindi ko na kayanin.
Sinubukan kong iwasan si Tanya, ngunit sinadya niyang humarang sa dapat na daraanan ko. She’s one of the company’s asset. Hindi katulad ko na hamak na sekretarya lamang. May malaking share ang ama niya company, kaya naman hindi rin basta-basta ang kaniyang pangalan. Kaya lang, hindi ko alam kung saan ba nanggaling ang pagkulo ng dugo niya sa akin gayong wala naman akong nagawang mali sa kaniya.
“Excuse me,” magalang kong sambit ngunit nginisian niya lamang ako.
She pouted her mouth. “Wala na bang pumapatol sa’yo kaya ang pagbili ng kahit na mumurahing damit, hindi mo kaya? Hindi mo afford?”
Hindi ako nakaimik. Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko naiwasang ikumpara ang suot ko sa suot niyang mamahaling blouse. Sobrang layo ng kaibahan namin. Gusto kong mainggit. Gusto kong ipagmalaki na mayroon din ako no’n . . . noon. I had branded bags, jewelries, luxurious clothes. Mayroon akong lahat no’n. Nasa akin ang lahat ng mga iyon . . . noon.
Saglit kong ikinuyom ang aking kamao at saka iniwas ang paningin sa kaniya. “Nagtitipid kasi ako. Wala namang masama, Ma’am Tanya kung nagre-repeat ako ng damit, ‘di po ba?”
“I really don’t know kung bakit may mga lalaki pa ring nagkaka-interes sa’yo. So cheap, so boring.” She laughed as if she is belittling me. Umiling-iling siya at maarteng ipinalakpak ang kaniyang mga kamay. “Tell me, anong pang-aakit ang ginagawa mo kay Sir Paolo? How about kay Chairman Rafaelo?”
Napabuntonghininga na lamang ako. Iyon na naman? Wala na bang bagong issue?
Ilang beses ko nang inulit sa kanila na walang namamagitan sa amin ni sir. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan ba nagmula ang tsismis na iyon. Hindi ko nilalandi si Sir Paolo, at kailanman ay hindi ako nagplano. He is like a brother to me, at para ko ng ama si Chairman Rafaelo. Hanggang doon lang ‘yon!
Gusto ko pa sanang muling linawin sa kaniya ang bagay na iyon kahit na imposibleng maniwala siya. Kaya lang ay tumiklop ang aking dila nang may muling pumasok sa comfort room.
Upang makaiwas sa panibagong iskandalo, ginamit ko na lamang na pagkakataon iyon upang makalabas.
“Mauuna na ako, ma’am,” tanging paalam ko kay Tanya.
Nang makalayo ako ay roon lamang ako nakahinga nang maluwag. The reason why I do not usually defend myself from the people who are judging me is that, ayaw ko nang palakihin pa ang gulo. Kilala ko naman ang sarili ko. I knew myself better than them. In fact, I am not a good person, pero pinagsisihan ko hanggang ngayon ang mga pagkakamaling nagawa ko.
I will forever regret the chances I had before na sinayang ko lamang.
Wala na akong sinayang pang oras para makabalik sa floor namin. I came back to my table at napansin kong may nakapatong na isang folder doon kaya naman napasulyap ako sa glass window ng office ni Sir Paolo. Nasa loob na siya, palagay ko ay kararating niya pa lamang.
I prepared his schedule. I am certain na iyon ang unang itatanong niya sa akin.
At ilang sandali lang, mahinang tumunog ang intercom.
‘Trishia, can you come in?’
I bit my bottom lip. Kinuha ko na rin ang folder na iniwan niya kanina. Nagmartsa ako papalapit sa office niya at dalawang beses na kumatok sa pinto bago binuksan iyon. Nakatanggap naman kaagad ako muka sa kaniya ng matamis na ngiti at inalok pa sa akin ang bakanteng single sofa. Kaya lang, naestatwa ako. Tila nagkaroon na naman ng malalaking tipak ang puso ko nang makitang naroon pa rin si Joross.
I thought nakaalis na siya. Hinintay niya pala si Sir Paolo.
Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Ang atensiyon niya ay hindi niya inalis sa dokumentong kaniyang binabasa.
“Dumating na ba si dad?” Sir Paolo asked me. Nakurot ko ang aking hintuturo nang matagal bago ako nakasagot.
“H-hindi pa, sir. Mamayang gabi raw ang lapag ng plane,” nangangapa kong sagot.
He gave me a nod. Inalok niya muli akong umupo kaya nawalan ako ng choice kundi ang maupo sa tapat ni Joross. Wala siyang idea sa kung anong relasyon ang mayroon kami ng business partner niya.
Pasimple kong binalingan ng tingin si Joross. May binabasa siyang mga dokumento. Base sa pagsasalubong ng kaniyang mga kilay at pagkunot ng noo niya, para bang nayayamot siya sa kung ano mang nakasulat doon.
“What happened to your eyes?” biglang baling sa akin ni Sir Paolo kasabay ng pag-abot niya sa akin ng isang folder. “Are you okay?”
Kumuha siya ng isang chair para makaupo sa tabi ko. Bahagya niya akong sinuri. Naalala kong namumula nga pala at namumugto ang mga mata ko dahil sa aking pag-iyak kanina.
Agad akong umiwas.
“O-okay lang, sir. A-allergy lang siguro. Marami kasing alikabok sa byahe,” dahilan ko.
I heard Sir Paolo’s chuckles. “I always tell you to wear some eye protection. Lagi mong nakakalimutan. Para ka tuloy umiyak.”
Lumalim ang aking paghinga nang maramdaman kong pinanonood kami ni Joross. Nang tingnan ko siya, nasalubong ko nang panandalian ang mariing titig niya. Alam niyang umiyak ako. Siguro ay tuwang tuwa siya ngayon. Para tuloy gusto ko na lang muling bumalik sa comfort room.
Inilihis ko ang aking isip palayo kay Joross. Ayaw kong hulaan ang tumatakbo ngayon sa utak niya.
Itinuon ko ang aking atensiyon sa mga sunod na sinabi ni Sir Paolo. He is discussing about our department’s plans, at mga ilang names ng tao na kailangan naming kilalanin. Siguradong magiging busy sa susunod na mga linggo.
“Jandrix Alexei Cuevas, the son of Thomes Cuevas, the founder of Cuevas industry. This businessman has earned his Master of Entrepreneurship from his prestigious university. Last year, business magazines and news predicted that their company would be one of the higher income producing huge funds; at tama nga sila. Masyadong malaki ang kumpaniyang hawak niya ngayon,” dire-diretsong pahayag ni Sir Paolo pero nahihirapan akong ipasok lahat iyon sa isip ko. “Multiple businesses were also named to him. His profile says it all.”
Sinilip kong muli ang folder na tangan ko. Business profile iyon ng taong binabanggit ni sir. Iyon din ang isa sa mga file na hiningi ni Joross kanina. Base sa mga naka-record na data roon ay malaki nga ang pangalan ni Mr. Cuevas pagdating sa larangan ng negosyo.
Bigla ko tuloy naalala noong panahong ipinagmamalaki ni Joross sa akin ang kaniyang mga nakokolektang achievement. Maliit man o malaki. Kumikislap sa saya ang kaniyang mga mata noon sa akin sa tuwing magkukwento siya. Ngumingiti pa siya noon. Ngayon kasi, parang imposible na.
“Is it possible to meet him next week?”
Napa-angat ako ng tingin nang magtanong si Joross ngunit kaagad ko ring iniwas nang masalubong ko ang kaniyang mga mata. Si Sir Paolo ang tinanong niya ngunit ako ang tinitingnan niya. I got nervous again. Araw-araw ko na yatang mararamdaman ito.
“We are too busy in that time. We still have a bunch of pending clients and projects,” Sir Paolo reminded us. Tahimik ko iyong sinang-ayunan. “But, we will try to ask for an appointment that would be best in the week after next. Do you have my schedule, Trishia?”
I cleared my throat. “A-Ano ulit ‘yon, Sir Paolo?”
“My schedule for today, do you have it?” ulit niya.
I chewed the inside of cheek. Sa pagkabalisa ko ay hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya, at tanging pangalan ko lamang ang naintindihan ko. I know that Joross is still looking at me. Hindi ko magawang maging komportable.
Hindi ko ipinahalata sa kanila ang panginginig ang aking mga daliri habang aligaga kong binubuklat ang maliit kong notebook kung saan naroon ang kopya ko ng schedule ni Sir Paolo ngayong araw.
Nakakainis lang, hindi ko iyon nahanap kaagad.
“Sir Paolo, you have a lunch meeting with Mr. Zegarra, while your appointment with Ms. Estades is scheduled at 2pm. You will also be attending to this business openning you mentioned yesterday,” malinaw kong saad.
“Copy that.”
“Bukas na rin pala ‘yong out of town business ninyo ni Mr. Janolo,” dagdag ko.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga at marahang minasahe ang kaniyang sentido.
Bago matapos ang pag-uusap namin ni Sir Paolo ay pina-cancel niya muna sa akin ang isa niyang appointment at ipinalit doon ang dinner meeting niya with his ex-wife. Nakakatuwa si sir. Although mukha siyang playboy, at nasa hitsura niya ang pagiging babaero, iisang babae lang talaga ang nais niyang kasamahin sa buhay. ‘Yong ex-wife niya.
Tumayo na ako. Magpapaalam na sana ako para tapusin ang ilan ko pang tatrabahuhin pero narinig kong nagsalita si Joross. His voice really has the power to stop my heart from beating.
“Kailan ako magkakaroon ng secretary, Mr. Ruiz?” rinig kong tanong niya, at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
“The recruitment is still on-going. In fact, ngayon ‘yong job interview. Would you like to meet them? Puwedeng ikaw na ang pumili. We can ask Trishia to assisst you.”
“Sir Paolo,” pareklamong sambit ko. Plano ko pa sanang magsalita ngunit muli akong naunahan ni Joross.
“I want her.”
Bumilog ang aking mga mata at pabiglang nilingon ko siya. What did he say? Nahirapan akong basahin ang ipinapakitang emosyon ng kaniyang mga mata. Blanko ngunit malalim ang ibig sabihin, seryoso ngunit nakikita ko sa kaniyang namumulang labi na nais nitong ngumisi.
“Si Trishia?” Sir Paolo looked at me. Umiling ako.
“Yeah. I want Ms. Mercandes,” ulit pa ni Joross.
“But she’s under mine, Mr. Benavides.”
“Wala namang masama kung ipapagamit mo siya sa akin, Ruiz. I want to know how good her service is.”
“S-Sir . . . ”
“Obviously, it’s very good,” agad na putol sa akin ni Sir Paolo.
“Allow me to experience it then. Siya ang magiging secretary ko.”
Doon ay parang mauubusan ako ng hininga oras-mismo dahil kahit anong gawin ko ay parang wala akong makuhang hangin upang pakalmahin ang aking sarili. Lalo naman akong nanlambot at nanlamig nang tuluyang ngumisi si Joross. Sumandal siya sa sofa, at pinasadahan ako ng tingin.
Sobrang delikado no’n. Tila ba may binubuo siyang plano.
“I will have her. I want to know what she’s giving you. I will have her service,” mariin at makahulugan niyang saad.