MALALIM na ang gabi nang makauwi ako sa bahay. Naabutan kong mahimbing nang natutulog si Migo sa silid namin. Inayos ko muna ang fan bago ko siya nilapitan at tinabihan. Sinikap kong hindi siya magising nang sa gayon ay hindi ko siya maabala sa pagtulog.
Marahan kong sinuklay ang kaniyang malagong buhok at saka hinagkan. Bigla kong naalala ‘yong pag-iyak niya kanina. I am still mad at myself, at nadagdagan pa ‘yon ni Joross.
He’s with Viviana, and I cannot imagine kung ano ang ginagawa nila. Iisipin ko pa lang na nasa iisang kwarto sila, para nang binibiyak ang dibdib ko, para nang binubugbog ang katawan ko.
The moment I chose to leave him was the moment I forbade myself from holding him. But it hurts a lot, and my heart is screaming, complaining about the pain it feels. Deserve ko naman. Dapat lang ito sa akin. Kulang pa ito.
Kinaumagahan ay si Saren muli ang nadatnan ko sa labas. Inaayos na niya ang kaniyang bagong nabiling mga produkto na ilalako naman niya online.
“Wala pa si Viviana? Hindi pa umuuwi?” usisa ko nang makitang sarado pa rin ang silid nito.
“Siguradong nakakuha ‘yon ng lalaki. Wala ring message sa akin, e,” aniya. “Nakita mo ba kagabi?”
“O-oo,” sagot ko naman at nag-iwas ng tingin.
“Hayaan mo na. Alam mo naman ‘yon, kapag ganitong late siya ng uwi, may morning session pa. Makikita mo mamaya, rereklamo-reklamo ‘yon na masakit ang katawan.”
Hindi ko nagustuhan ang birong iyon ni Saren kaya naman tumahimik na lamang ako. Viviana is not yet home. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na baka magkasama pa rin sila ni Joross.
I sighed hopelessly.
After preparing myself to work, I did not stay longer in the apartment, and that was to avoid Viviana. Ayaw kong dumating siya na nasa bahay pa ako at ayaw kong marinig ang kung ano mang kwentong bitbit niya patungkol sa tinrabaho niya kagabi. Alam ko na naman ‘yon. I just don’t want to picture it in my mind. Ayaw kong ma-imagine ‘yon.
Maaga akong dumating sa RFH. Iilan pa lang ang mga nakakasabay kong maglakad papasok. Sinadya ko rin talaga na agahan para maihanda ko rin ang sarili ko. I will admit that I am getting nervous now. Sa banta pa lang sa akin ni Joross kagabi na tatanggalan niya ako ng trabaho, ramdam ko nang mas mahihirapan ako.
“Trishia Mercandes, good morning.”
Napapas ang malalim kong iniisip nang marinig ko ang aking pangalan. Napatingala ako sa lalaking tumabi sa akin habang hinihintay ko ang pagbukas ng elevator. Umawang ang bibig ko at napangiti nang agad ko siyang nakilala.
“Adam,” bati ko sa kaniya at mahinang tinapik ang maskuladong baraso niya. “Nakabalik na pala kayo? How’s the out of town project ng team ninyo? Success naman?”
Nagkibit-balikat siya. “Siguro, success? Sa guwapo kong ‘to. Wala pa akong mintis na project.”
I laughed at him.
Bago lang siyang employee ng company. Siguro ay wala pang one year. Kakilala siya ni Melon, but I’m not friends with him. Medyo feeling close lang siya kaya kami nagkakaroon ng interaction.
“You’re absent yesterday. May nangyari ba?” usisa niya.
I gave him a nod. “May maliit na problem lang pero okay na.”
“May asawa ka na ba talaga?” Bigla ang tanong niyang iyon kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ko matantya ang seryosong tingin niya pero naroon ang pagdududa. “May kilala ako, may gusto sa’yo. Gusto mong makilala?”
Tumawa na lang ulit ako at umiling. “May asawa na nga ako. Huwag mo na akong ireto sa kung sino.”
Napakamot siya sa ulo. “Wala ka kasing singsing.”
I looked down to check my ring finger. It’s empty. There’s no ring to it like what he has said. Napapansin niya pala.
“Hindi mo rin gamit ang last name ng asawa mo,” dagdag niya pa.
“Kasal na ako, kaso . . .”
Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko nang magbukas na ang elevator na hinihintay namin. Nasa loob no’n ang tatlong babaeng employee rin ng company mula sa department namin. Ngumiti ako sa kanila pero hindi ako nakatanggap ng ganti.
Nagtaka ako kung bakit bakas sa kanilang mga mata ang pagka-taranta. Unti-unti akong dinalaw ng kaba nang mapansin kong may tinatanaw sila sa bandang likuran namin ni Adam.
“G-Good morning po, Sir Joross.”
Tila nagkaroon ng malalim na hukay sa aking tiyan nang marinig ko ang greetings nila. Wala sa oras akong napalingon. Para naman akong tinakasan ng ulirat nang masalubong ko ang seryosong mga mata ni Joross. He’s behind us and staring at me. Medyo may distansiya man ngunit sapat upang marinig niya kaming nag-uusap.
I did not notice him. Kanina pa ba siya?
“Good morning,” he greeted them back with his authoritative voice.
Binasa ko ang aking labi nang lagpasan niya ako. Hindi niya suot ang kaniyang office suit bagkus ay hawak niya iyon. Naka-sukbit naman sa balikat niya ang lalagyan ng kaniyang laptop kaya’t medyo nagugusot no’n ang kaniyang kwelyo. But it did not diminish his respectable look. Mukha pa rin siyang kagalang-galang na businessman.
Hindi halata sa hitsura niya na nagpaalam siya kagabi sa asawa niya na mambababae siya.
I mentally slap myself. Wala dapat akong pakialam doon.
Nauna siyang pumasok sa elevator that’s why nawalan kami ng idea ng katabi kong si Adam kung sasabay ba kami sa kaniya o maghihintay na lang ulit. But then, narinig kong muli ang masungit niyang boses.
“Trishia, come in.”
I bit the inside of my bottom lip. Tiningnan ko muna si Adam upang sana pakiusapan na sumabay na rin sa amin. Kaya lang, nginitian niya lang ako at tinanguan, at sinabing mauna na ako.
Kumakalampag man sa nerbyos ang dibdib ko, pinilit ko ang aking mga paa na humakbang papasok sa elevator kung saan naroroon si Joross at hinihintay yata ako. I followed him inside. Ako na ang pumindot ng button. Nawalan na ako ng pakialam kung nakita niya ba ang panginginig ng aking daliri.
Humigpit ang kapit ko sa aking handbag nang unti-unting magsarado ang door. Nahirapan akong huminga. Wala pang tatlong segundo ko siyang katabi ay nilamig na ako at agad na naintimida sa kaniyang madilim na presensiya.
“I still don’t have much knowledge of how our department runs. I need guidance. I left some papers on your table yesterday; give me an overview of them.”
I swallowed hardly. Masyado akong humanga sa magandang pagkakabigkas niya ng mga salitang kumawala sa bibig niya. His tone is calm and professional, walang pang-aamok o panininghal. Kahit papaano, nakahinga ako nang maluwag.
“O-okay,” untag ng napudpod kong dila.
Kinuha ko sa bag ko ang maliit kong notebook upang i-note iyon. Pasimple kong sinilip ang suot kong wrist watch upang i-check ang oras. Ang aga naman niya yatang dumating. Si Viviana kaya, nakauwi na? Nag-enjoy ba sila? Nagustuhan niya?
“Where’s your ring?”
“A-ano?” I stared up at him, but I did not expect na nakatingin na pala siya sa akin. His eyes are staring at me intently as if they are waiting for my answer, but there is danger written on them.
Patago akong bumuntonghininga. Narinig niya nga ang pinag-uusapan namin ni Adam.
Malinaw ko namang narinig ang itinanong niya sa akin, hindi lang agad na-absorb at na-process ng utak ko.
“You threw it away, Trishia?”
Mabilis ko iyong itinanggi. “Isinanla ko muna.”
Binigyan niya ako ng mapanghusgang mga ngisi. “Really?”
Pinag-isipan ko kung sasabihin ko ba sa kaniya ang dahilan kung bakit nagawa kong isanla muna iyon. Kapos na kapos ako sa pera. Noong mga time na kailangang kailangan ko, all my things na puwede kong ibenta o isanla ay pinakawalan ko, and that includes my wedding ring.
I tried to explain it to him, but the elevator opened. Nauna na siya sa aking lumabas. Nagmukha na naman akong pera sa paningin niya.
Dinoble ko ang bilis ng aking paghakbang upang mahabol siya. I want him to know na may dahilan ako kaya nagawa ko iyon.
“I-ipinambili ko ng gamot ni Papa,” I said to him while we were walking towards his office. “Hinuhulugan ko naman buwan-buwan. Kapag . . . kapag nabuo ko na ‘yong pera, tutubusin ko na. Isasauli ko ‘yon sa’yo, Joross.”
“At bakit mo isasauli sa akin?!”
Bigla ang pagtigil niya sa paglalakad at bigla rin ang pagharap niya sa akin kaya naman hindi ko sinasadya na mapabangga sa matipunong dibdib niya. Inalalayan niya ang baraso ko pero agad akong umiwas dahil sa mga employee na napatingin sa amin.
Iginala ko ang aking paningin. Nasa amin na ang atensiyon ng halos lahat. Namataan ko si Melon na kararating lang din. Bakas sa kaniyang mukha ang kaba sa pag-aakalang pinagagalitan ako ni Joross.
Ramdam kong bumigat ang paghinga ni Joross, tanda na tinatantya niya ang kaniyang disgusto at yamot. Sinabi ko lang naman na isasauli ko iyon sa kaniya, at siya na ang magtago. Hindi na naman kami nagsasama. There is no reason for me to wear or even keep it.
Pati ba naman iyon, ikagagalit niya?
Muli ko siyang sinundan nang talikuran niya ako at magdire-diretso siya papasok sa kaniyang office. He did not close the door kaya naman mabilis akong nakapasok. Ako na mismo ang nagsara niyon.
“Trishia, if you are thinking that I would file an annulment, don’t expect too much,” he snarled at me after he put down his things violently. “Sabihin mo sa lalaki mo, hindi kita hihiwalayan.”
Lumakas ang kalabog sa aking dibdib. Wala na akong masyadong maintindihan sa sinasabi niya.
Nilapitan ko na siya matapos kong ilapag ang aking bag sa sinabi niyang table ko. Hindi naman niya ako tinapunan ng tingin, bagkus ay pabalang na inabot niya sa akin ang kaniyang neck tie upang iutos sa akin na ikabit sa kaniya iyon.
I have no choice but to take his necktie and put it in his collar. Sobrang lapit ko sa kaniya kaya naman sobra rin ang kaguluhang nangyayari sa loob ng chest ko, parang bombang sasabog. From his annoyed facial expression, ramdam ko ang pagkasira ng araw niya.
Pero may gusto lamang akong linawin.
“Wala akong lalaki, Joross,” lakas-loob kong untag sa kaniya.
He chuckled devilishly. “Bukod sa pinsan ko . . . kay Damon, sino pa ang naging lalaki mo?”
I was left stunned when I heard that. It’s like I tasted the bitterness of his words. Walang kinalaman ang pinsan niyang si Damon. Kung ano man ang mayroon kami noon, natapos na ‘yon lahat simula noong pakasalan ko siya.
Again, hindi ko masisisi si Joross kung patuloy niyang iisipin na ganoon nga. In the first place, ako ang nagsabi noon sa kaniya na niloloko ko siya.
Ang hirap bawiin ng mga salita, lalo na kung nakasakit ang mga ito.
Ipinagpatuloy ko ang pagsasaayos ng tie niya. “Kung maghihiwalay tayo, you will be free. Magagawa mo ang gusto mo, katulad noong kagabi.”
“Did you really believe that I slept with someone else last night?” Nasilaw ako sa nang masalubong ko ang kaniyang nakakaintimidang mga mata. “I still have respect for our marriage. Nirerespeto pa rin kita bilang asawa ko.”
I looked away. Sinikap kong makakuha ng hangin upang pakalmahin ang aking sarili.
Minadali kong tapusin ang tie niya sapagkat nanlalamig na ang aking mga daliri. Binitawan ko na iyon pero pinigilan niya ako. Pinisil niya ang kamay ko at pinanatili sa chest niya.
“Hangga’t may nararamdaman ako sa’yo, hangga’t may galit dito, hindi tayo maghihiwalay. Do you understand?” mahigpit niyang banta.
Hindi na ako naka-imik pa.