Kabanata 12

2210 Words
NAG-UUNAHAN ang aking mga paa sa paghakbang patungo sa opisina ni Joross. Naroon daw si Sir Paolo, at maging si Chairman Rafaelo. I am late already. Ang bali-balita ng aking mga katrabaho ay nagkaroon na naman daw ng matinding sagutan ang mag-ama. I knocked twice before I opened the door. Naabutan ko sila sa visitor’s lobby ng office. Ang nadatnan ko roon ay ang seryoso nilang pag-uusap tatlo. Tahimik akong pumasok at maingat na kumilos. Naramdaman ko agad ang paglapat ng tingin sa akin ni Joross kaya naman napansin din ako ni Sir Paolo at ni Chairman. “I have talked with them already. Nakahingi na rin ako ng pasensiya para sa naging delay natin,” pakinig kong pahayag ni Chairman. “Ang pinag-iisipan ko na lamang ngayon ay kung sino ang puwedeng humarap sa kanila sa susunod na pagkakataon.” Kumuha ako ng isang monoblock at itinabi iyon kay Sir Paolo upang makaupo ako sa gilid niya. Pansin kong hindi pang-office ang suot niya. Siguro ay dahil naka-leave siya. Ang hula ko ay napilitan lang siyang dumaan dito. Halata ko iyon sa mabigat na ekspresyon ng mukha niya at sa madalang niyang pagkibo. Hinanda ko ang maliit kong notebook incase na mayroon siyang ipa-note sa akin. Kaharap namin si Chairman, habang si Joross naman ay nasa kabilang tabi. I noticed him. Hanggang ngayon pala ay nakatingin pa rin siya sa akin. “Since Paolo cannot attend to that meeting, would you mind me asking you, Mr. Benavides, na ikaw na muna ang bahala?” diretsahang tanong sa kaniya ni Chairman. Doon lamang ulit bumalik ang atensiyon niya sa kanilang pinag-uusapan. “It’s fine with me, Sir Rafaelo, since I have talked with them already.” I saw him nod, then he forced a sigh. “The good thing is that they agreed to reschedule the meeting. Together with that is the agreement signing.” “Did they mention to you about the contract?” “Yes,” he responded confidently. Pinagsalikop niya pa ang kaniyang mga daliri. “If you are worrying that they would switch to another company because of the delays, I suggest you to stop overthinking it anymore. Maayos ko silang nakausap.” My chest filled with amusement the way he communicate professionally with the chairman. Wala akong maramdamang pag-aalinlangan o pag-alala sa malalim niyang boses. Tila ba siguradong sigurado siya bawat salitang kaniyang binibitiwan. Hindi naging matagal ang kanilang pag-uusap. Pagkatapos maayos ng concern ni Chairman ay natapos na rin. Paalis na kami at kaming dalawa na ni Sir Paolo ang nag-uusap about sa new schedule niya next week nang marinig naming ulit na nagsalita si Joross. “Maiiwan sa akin si Ms. Mercandes,” aniya dahilan para agad akong mapalingon sa kaniya. I gave him a questioning look, but he just shrugged, indicating that he would not give me a clue why I needed to stay in his office. Napansin ko ang pagkatigil ni Sir Paolo, nagkaroon ng pagtataka sa kaniyang mga mata. Nakagat ko naman ang aking ibabang labi nang masalubong ko ang malalim at concern na tingin sa akin ni Chairman. “O-okay, S-sir Joross,” I said and I almost lost my voice. Pasimple kong tinanguan si Chairman upang tanggalin ang kaniyang pag-aalala. Unlike Sir Paolo, he knew my true relationship with Joross. Maubos-ubos ang aking hininga nang maiwan nila ako sa opisina. Ang pakiramdam ko ay para akong nawalan ng mga kakampi at naiwan ako sa teritoryo ng kalaban. I was pinching my right thumb when I followed Joross on his desk. Hinubad niya ang kaniyang suit at isinampay lang basta iyon sa hanger stand. My eyes also witnessed how he sexily loosened his tie as he sat on his swivel chair. Ang kaniyang matipunong pangangatawan ay bumabakat sa suot-suot niyang inner polo. “Have a seat,” alok niya sa nakahandang chair sa gilid ng kaniyang desk. He was not looking at me, kaya hindi niya nakita ang pagdadalawang isip ko. “How was your sleep last night?” Medyo natigilan ako. Bigla kasi niyang natanong iyon, at nang aking maalala na nakatulugan ko siya kagabi ay dinagit ako ng hiya. “A-ayos naman. I’m sorry kung naputol ang pag-uusap natin. Inantok na kasi ako, at gabing gabi na—” His little chuckles cut me off. “Sleepyhead,” panunukso niya. Nagawa kong tingnan siya nang matagal. It was strange that he’s not in a bad mood today, pero hindi ko na kukuwestyonin iyon. Baka mamaya, magbuga na naman siya ng init ng ulo. Siguro, talagang maganda lang ang gising niya ngayon. I cleared my throat. “B-bakit mo ako pinaiwan? May ipapagawa ka ba?” Siya naman ngayon ang tumitig sa akin nang matagal. His gaze became mysterious. They were full of something I cannot describe as he looked at me like he was familiarizing his eyes with every feature of my face. Tila may hinahanap at tinatandaan siya. Hindi naman ito ang unang beses niyang tiningnan niya ako nang ganito but it still makes goosebumps rise all over skin. Baka may dumi sa mukha ko? Hinawi ko ang nakawalang hibla ng aking buhok, at dahil nakatingin siya ay naging maliit ang aking pagkilos. “You’re not using make-ups now.” He noticed. “Aren’t you into cosmetics?” Mabilis na bumaba ang lebel ng kumpyansa ko. Iyon pala ang dahilan kung bakit titig na titig siya sa akin. I used to wear expensive make-up products before. Mahilig ako roon. Siguro ay nasanay siyang makulay ako sa kaniyang paningin, but now, siguradong naninibago siya sapagkat namumutla ako. I looked plain and boring. Paano ko ba aaminin na wala akong pambili? Ni-bumili nga ng mumurahing lipstick ay nahihirapan na akong gawin. I’d rather buy Migo’s needs. “N-nakalimutan ko lang maglagay,” dahilan ko na lang. He tilted his head. “but . . . it’s better without it, Trishia.” I understood what he mean and I can feel my cheeks burning again because of his words, pero hindi ko na pinatagal pa ang epektong iyon. “May ipapagawa ka ba o wala?” diretsang ulit ko sa aking tanong kanina. He sighed and he rubbed his eyebrows. Tila ang tanong kong iyon ay walang kasagutan. Nag-iisip pa siya at naghahanap ng ipagagawa. Ang ibig sabihin lang ay wala siyang nakahandang ipatatrabaho sa akin. Ilang sandali lang, may inilapag siyang ilang mga papel sa harap ko. “I want you to retype these top letters,” aniya. “Wala ka ng kailangang baguhin. Uulitin mo lang.” “Are you serious?” “Yep.” He nodded at me. “Here’s my laptop. You can use it.” Hindi ko ipinahalata sa kaniya ang malalim kong paghinga upang hindi ko masira ang magandang timpla niya. I know I have no choice but follow his orders. Bibilisan ko na lang para matapos ko agad at maiwan na siya. “May password ang laptop mo,” I informed him. Hindi siya kumibo, pero inabot niya sa akin ang kaniyang kamay. “Use my middle finger,” utos niya. Hindi ko alam kung bakit nahirapan akong sundin iyon at pigil-hininga ko pang inabot ang mahahabang daliri niya. Kapirasong pagdasto lamang ng balat ko sa kaniya ay bolta-boltaheng kuryente na ang naramdaman ko. Iyon ang tila ba nagbigay ng saglit na siklab sa akin, lalo na sa puso ko. It was beating so hard and heavy again. Para bang may mga naghahabulan dito. And I hate my mind for asking myself, bakit ang gitnang daliri niya pa ang napili niyang bigyan ng access sa lock ng laptop niya? Bakit ‘yon pang ginagamit niya sa tuwing . . . I shook my dirty thoughts. Agad kong pinagalitan ang aking sarili. “Are you okay, Trishia?” “Ha?” “You’re turning red,” pagpansin niya sa akin sabay ngisi. Mabilis kong iniwas sa kaniya ang aking mukha. Pakiramdam ko nga ay tuluyan na itong nag-init at namula. Kailan pa ako natutong mag-isip nang marumi? Kailan pa dumumi ang utak ko? It’s just his finger! I closed my eyes firmly. “M-may kukunin lang ako sa desk ko. Babalik naman ako.” Tumayo na agad ako at hindi na hinintay pa ang pagpayag niya. Hindi naman niya ako pinigilan kaya’t nagdire-diretso na akong lumabas mula sa kaniyang opisina. Humawak ako sa aking dibdib para pahupain ang kanina pang malakas na pagtatambol dito. Simula nang ako na lamang ang naiwan sa kaniya ay hindi na tumigil sa pag-iingay ang puso ko. Ang totoo niyan ay wala akong kukunin o babalikan. Sinadya ko lang talagang itakas ang sarili ko upang kumuha ng hangin. I can’t stand his presence. It is hard to be near him. Dumiretso ako sa comfort room upang ayusin ang sarili. Pero ilang sandali lang ay naulinigan ko ang boses ni Ma’am Tanya. I know what will happen kung maaabutan niya ako rito. Kaya upang maiwasan siya, nagtago na lang ako sa isa sa mga cubicle. “E, hindi ka naman tinanggihan ngayon?” Mayroon siyang kausap. Then I heard her irritating laughter. “Kaya naman niya ako tinanggihan last time, it’s because he’s busy. Conflict ang schedule namin. But later, we will have a lunch date.” “Lunch date or lunch meeting? May I remind you that Mr. Benavides shows no interest in you.” “Greza, alam mo namang nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, hindi ba?” pakinig kong sabi ni Tanya. Sumikip ang aking dibdib. Hindi lingid sa isipan ko na mayroon siyang paghanga kay Joross. And with her beauty and influence in business, maraming mga lalaking tumitingin sa kaniya at hindi imposibleng pansinin at gustuhin din siya ni Joross. Iniisip ko pa lang na puwedeng mangyari iyon, nabibigatan na ako. Natatawa tuloy ako. Nagawa ko siyang iwan, pero hindi ko sigurado kung kaya ko ba siyang tuluyang pakawalan. Bagsak ang aking mga balikat na bumalik sa office niya. He is still in his seat, but he is busier this time. Nang makalapit ako sa aking puwesto ay nakita kong may nakalapag na roon na strawberry drink. Strawberry again. “It’s yours,” tukoy niya sa inumin. Tila binawasan no’n ang bigat ng loob ko. “T-thank you, Joross.” I spent almost half of my day with him. Hindi kami nag-uusap pero paminsan-minsan ko siyang nasusulyapan. Sadya man o hindi sadya. I finished my tasks. I-o-off ko na sana ang laptop niya nang may nag-pop-up na notification doon. Nakita kong tungkol iyon sa lunch meeting nila ni Ma’am Tanya. Tumunog din ang phone niya. “I have an appointment outside the company.” I heard his sigh. “You can take your lunch now.” Hindi ako nakaimik nang tumayo siya at kumilos. Tama ang dinig ko kanina. Magkikita sila ni Tanya. At hindi ko alam kung bakit parang naiinggit ako. Ayaw ko siyang umalis. Gusto ko siyang pigilan, pero hindi ko naman ‘yon magagawa. “‘Yong pre-opening ng restaurant mo, tomorrow night ‘yon, hindi ba?” Tumayo na rin ako. “Yes.” He didn’t look at me. “and I cannot accompany you there since I have an important meeting at that time.” Pinroseso pa ng aking isip ang kaniyang sinabi. Ang ibig sabihin niya ay ako lamang ang makakapunta roon dahil hindi niya ako masasamahan. Ngayon pa lang ay nagkaroon na ako ng bagabag at iisipin. Paano ako haharap kay Ma’am Thereese ngayong alam ko nang hindi lang siya basta manager ng restaurant? “N-nando’n ang mother mo, hindi ba?” nangangapa kong tanong muli. His brows arched. “Kapag may ginawa siya sa’yong hindi maganda, isumbong mo sa akin.” “B-bakit naman —” “But don’t worry, magkakasundo kayo. You two have something in common.” “T-talaga?” Ngumisi siya ngunit may halo na ‘yong sarkasmo. “You both left me, para sa ibang lalaki.” Naudlot ang ngiting sisilay sana sa aking mga labi. Tanging pagsunod lamang ng tingin ang nagawa ko hanggang makabalabas siya ng opisina. Tila nakatikim na naman ako ng dagok mula sa galit niya at mga hinanakit. Iyon ang alam niya. Ang sabi ko noon, ayos lang sa akin na iyon ang alam niya—na iniwan ko siya dahil sa ibang lalaki. Pero ang hirap din pala. Sobrang pait. Tama si Saren, e. Dapat nag-u-unti-unti ako, mas magalit man siya sa akin. Nag-init ang sulok ng aking mga mata kasabay ng pagbigat ng aking ulo. Bumuntonghininga ako at dala ng emosyon ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na sinusundan at hinahabol siya. Then I saw him waiting in front of the elevator. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya. “Joross,” halos mapaos ako. Inabot ko ang baraso niya dahilan para makuha ko ang buong atensiyon niya. Nahuli niya ang panliligid ng aking mga luha. “What the hell? What the f uck is wrong, Trishia?!” I panicked. Nanginig ang mga tuhod ko. “H-hindi ako nanlalalaki. H-hindi ako sumama sa iba. W-wala akong lalaki. W-wala, Joross. Kahit . . . kahit noong nagsasama pa tayo? W-wala. W-wala talaga. Wala talaga.” Maraming beses akong umiling. Paulit-ulit ko iyong inamin sa kaniya habang nagmamakaawa ang puso ko na paniwalaan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD