Hazel Sa loob ng abalang emergency room ng ospital, naging isang nakakabinging tunog sa akin ang mga boses ng nars at doktor, pati narin ang malakas na yabag ng mga tao sa paligid ko. Pero sa gitna ng lahat ng ito, nanatili akong nakatayo sa gilid, nanginginig ang mga kamay ko, at nakapako sa kinatatayuan ko. Napabalik lang ako sa presensya ko nang may magsalitang doktor. "Sinong nanditong pamilya ng pasyente?" Lumapit ako, "Ako po, doc. Anak niya po ako." Tumango ang doktor at linapitan ako. "Malubha ang kondisyon ng nanay mo," sabi ng doktor, kalmado pero may kabigatan ang kanyang tinig. "May matinding pinsala siya sa ulo at maraming sugat. Kailangan namin siyang i-stabilize at dalhin sa operating room agad." Kaagad akong napatingin kay mommy. Nanghihina ako sa estado niya ngay

