Pagdating sa unit ko ay agad ulit akong naligo at nagsimula ng mag ayos ng sarili, Suot ko ang binili kong black fitted dress na nakapagpalitaw ng magandang kurba ng katawan ko. Maputi naman ako at 5,3 ang tangkad kaya Hindi halata na 21 years old lang ako,
Naglagay lang ako ng Simpleng make up at pangmalakasan na redpink na lipstick.
Lahat naman ng shade ay bagay sa labi ko, Pero pag rampahan at bar talaga ang pinupuntahan ay mas maganda na medyo cherry lips ang datingan.
Kahit na 21yrs old lang ako ay madalas na talaga ako sa Bar kahit nung nasa highschool palang ako at Minor pa ay nakakalampas ako sa guard ng mga bar na pinupuntahan ko dahil muka nga akong matured dahil sa height ko.
Paraan kolang naman ang pagbabar para makalimot ng problema or pang tanggal stress narin.Sobrang busy kasi ng mga parents ko at wala na silang time para samin kaya nagagawa ko lahat ng gusto ko ng di nila nalalaman.
Pero kahit laman ako ng mga Bar ay hindi kopa naman naiibuka ang Perlas ng silanganan kaya nga ako iniwan ng Walanghiyang ex ko.
At ngayon nga ay 5:30pm na at excited nako sa happy happy naming magkakaibigan.Nag 2inch heels lang ako para di ako masyadong mahirapan maglakad lalo na paglasing nako mamaya.Nag spray din ako ng Favorite kong Cherry blossom na Cologne.
Nang ready nako ay nag message nako sa mga kaibigan ko at nagsabi na On the way nako sa Location na sinend sakin ni ericka,dahil dun daw magkikita sa labas ng bar bago sabay sabay na papasok .Lumabas nako ng unit ko at at nagpahatid sa driver ko kung saang location kami pupunta.
Pero di kalayuan sa bar ay bumaba nako para di malaman ng driver na sa bar ang punta ko.
"Manong , Wag nyo napo ako sunduin mamaya, Papahatid nalang po ako sa kaibigan ko sa Condo ko"saad ko dito.
"Sige po Ms.Maxine ingat po kayo sa pag uwi mamaya"payo pa nito bago tuluyang nagmaneho paalis.
Ako naman ay lumakad na papunta sa Bar , di naman kalayuan to at mabuti nalang ay di gaano kataas ang suot kong heels kaya di masyado nangangalay ang paa ko sa paglalakad.
Pagdating ko ay nandun na ang iba kong kaibigan at nagkukwentuhan. Nakangiti naman nila akong binati at nag beso beso at akala mo'y miss na miss ang isat isa at ramdam ang excitement para sa gabing yun.
"You looked so gorgeous and stunning in your dress baby"usal ni Mark na matagal ng nanliligaw sakin at humawak pa sa bewang ko.
"I know Mark! But take your hands off please "ngiti ko dito sabay irap.
Hindi ko kasi talaga ito gusto dahil bukod sa Takaw gulo at napakayabang ay babaero pa, at feeling niya ay lahat ng babaeng matitipuhan niya ay patay na patay din sa kaniya.
But not me. He's not even my Type .So childish and immature, I like a guy na mas matanda at matured mag isip para ang kaartehan kolang ang iintindihin at ayoko na ako pa ang mag aadjust para sa lalaki.
"Oh baby Kelan mo ba kasi ako sasagutin? It's almost a weeks when i starting to pursued you? "tanong nito na lalong ikinaasar ko.
"Looked Mark! In the first place Hindi ako pumayag na ligawan mo pero ikaw tong mapilit, And also i said that you are not my type Mark! So please stop and We continue to be friends!"mahabang paliwanag ko na may halong pagkairita sa boses.
Tinukso naman siya ng mga kaibigan niya at parang napahiya to sa mga sinabi ko , Kaya't medyo lumayo nako sa kanya at tumabi sa mga kaibigan kong babae para makaiwas narin sa mga panunukso nila. Hindi pwedeng masira ang gabi ko ng dahil lang sa kanila Dahil sobrang na eexcite pa naman ako.
Ilang minuto lang ang inantay namin at nagdatingan na ang iba pa naming kasama. Katuwaan sa pagpasok sa bar at nagsasayawan pa kahit na hindi pa naman kami nakakainom. Ganyan kami sa excited.
Sa second floor kami nakapwesto dahil halos puno na ang first floor sa dami ng tao. Ibat ibang uri , Edad, Kulay at nationality ang nasa loob ng bar. Maraming gwapo , maraming manyak at marami ding parang hinatak lang at napilitan,Pero kami ay Parang pinakawalan sa hawla na akala mo ay ngayon lang nakatungtong sa ganong klase ng lugar.
Naka order narin kami ng Wine na pang malakasan.At sumasabay ang mga katawan sa tugtog ng music.
"Cheers Guyss! Let's enjoy this Night dahil parang ito na ang farewell natin sa bar, hindi natin alam kung kelan ulit mauulit dahil Magiging busy na tayo sa buhay sa College! Cheers"sigaw ni Ericka at ikinampay ang basonsa ere.
"Cheers sa bagong Journey natin sa college"habol kopa
"Cheers"sigaw ng lahat at sabay sabay uminom at bumalik sa kasiyahan.
Kaniya kaniya silang partner at ilan lang sa amin ang single at kami kami ang magkakawentuhan.
Lumipas ang 1 oras at nakakaramdam nako ng bahagyang pagkahilo dahil sa tapang ng wine na iniinom ko.Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta sa restroom para mag retouch at umihi narin.
May sumabay naman sakin na dalawang kong kaibigan na kapwa nahihilo narin.Pagdating sa restroom ay umihi muna ako at saka pumunta sa harap ng salamin para mag retouch. Ang pamumula ng pisngi ko ay natural dahil sa tamanng alak sa katawan ko at kusa itong nag bablush.
Pagtapos namin ay bumalik narin kami agad sa mga kasamahan ko at muling uminom. Mabilis lumipas ang oras at 10:30 pm na agad, Malakas narin ang tama ng alak sa katawan ko.
Naisipan kong magsayaw sa gitna at humalo sa karamihan. Gusto kong sulitin ang Gabi na yun dahil diko na alam kung kelan ang susunod.
Sumasabay ang katawan ko sa indayog ng tugtog habang nakapikit at iginigiling ang katawan.
Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa bewang ko mula sa likod at napamulat ako at hinarap ang may ari ng kamay.
"Y_you? The Hot guy earlier in the shop!"gulat na saad ko habang matamang nakatitig sa napaka gwapo nitong muka.
Naka Formal attire to at halatang nakainom din ng alak dahil sa namumungay nitong mga mata na nakatitig sakin....
At nagkataon na nagpalit ulit ng tugtog at naging sweet dance na naman Kaya't kanya kanyang dikit ng katawan ang magkakapartner habang ako ay nakatitig parin sa lalaking kaharap ko na nakahawak parin ang malaking kamay sa maliit na bewang ko.
"Shall we dance?"Matipunong boses ang lumabas sa mapula nitong labi.
"Ye_Yes "kahit nagtataka ay pumayag ako .
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dun at Bakit ako ang nilapitan niya para maisayaw. Nagkataon lang ba or Destined talaga na magkita ulit kami.
Hindi korin alam kung bakit ang lakas ng dating niya sakin at para akong nagagayuma sa bawal salitang lumalabas sa labi Niya. At Lahat ng standard ng lalaking gusto ko ay tingin ko'y sinalo niya lahat. Kaya siguro Wala akong palag nung yayain niya kong magsayaw.
Nakatitig lang ito sakin at Magkadikit ang mga katawan namin. Sakop na sakop ng dalawa niyang kamay ang bewang ko.At Nag iinit ang buong katawan ko sa paraan ng pagkakatitig niya sakin.
"Kilala moba ko?"titig na tanong ko dito habang naka pulupot ang kamay ko sa leeg nito.
"No"maikling sagot naman nito.
"Then why did you choose me to dance with?"takang tanong ko.
"I don't Know either, or maybe you looked stunning in my eyes"seryosong saad nito na dahilan para lalong mamula ang muka ko sa pinag halong gawa ng alak at kilig.
Napangiti naman ako ng tipid para hindi halata na kinikilig ako.
"By the Way I'm Darren"pakilala nito sakin.
"Maxine"pakilala ko naman sa sarili ko.
"Lovely name like you"saad nito at matamis na ngumiti.
Napayuko naman ako at pinipigilan ang kilig na nararamdaman.