Yung itsura ng nakikita ko ngayon palang sa tv mo lng siya makikita. Para kasi itong templo ng sinaunang tao. Punong puno na ito ng lumot at mga d**o.
" Ang ganda dito. Hindi ka ba nauubusan ng suprises dito sa isla mo. Sobrang lawak naman kasi dito sa isla mo. Parang nagugustuhan ko na dito."
" So gusto mo bang dito tayo tumira pagkatapos ng wedding."
"Tungkol sa wedding, pwede bang ipospone mo muna. Hindi pa kasi talaga ako ready ng pumasok sa ganyan. Tsaka bakit ka ba kasi nagmamadali na magpakasal. Hindi ba pwedeng ligawan mo muna ako para naman mas maganda ang pakiramdam at mas excited ako sa kasal kung pareho nating mararamdam na mahal natin ang isat-isa"
" Ok pero huwag na huwag kang magpapaligaw sa iba."
" Oo naman, tsaka kahit na pagiging fiance mo na lang muna ako please lang. Kahit iyon na lang muna sana ang i-anounce mo sa mga tao."
" Ayaw mo bang maging asawa ko. Madami nagkakandarapa na maging asawa ako tapos ikaw ganyan ka."
" Umiral na naman ang kayabangan mo. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ang mayabang at masungit."
" Eh sa ganito talaga ako. Kaya wala ka nang magagawa pa.
Pagkatapos naming naglibot ay umuwi na din kami. Ang dami kong nalaman sa islang ito. At kinumbinsi ko din siya na buksan ito sa madaming tao para naman malaman din nila ang history tungkol sa islang to. At hindi lang history ang malalaman nila kundi makikita din nila ang napagandang tanawin dito sa islang to.
" Salamat."
" Salamat saan.?" tanong ko
" Dahil sayo magkakaroon ulit ako ng isang magandang business. At sigurado akong magiging successful ito dahil sayo."
" Business lang talaga ang nasa isip mo. Tsk. Iyan na lang ba ang nakakapagpasaya sayo."
" Hindi naman."
" Nga pala, ano ang ipapangalan mo dito sa isla mo."
" Wala pa akong naiisip. Ikaw ba, may gusto ka ba."
" Ano kaya nababagay, dahil sa madaming sekreto ang islang to. What if, The secret Island or Strange Island dahil naging private property mo kaya walang nakakaalam sa history niya. Ano sa tingin mo."
" Pwede naman."
" Mag-isip pa tayo."sabi ko
Nandito kami ngayon sa garden at pinaplano naming dalawa ang gagawin namin sa islang to. Ang dami din naming napagtalunan tulad ng theme color at kung ilang cottage ang ipapatayo at pati na din ang cottage dahil gusto niya daw ilagay ay kubo na lang daw. Biruin mo kubo lang daw ang ilalagay namin, What if matutulog ang mga turista, kaya cottage ang naisip ko. Pinagtalunan din namin ang concept ng Isla. At madami pang iba.
" Dapat mo talaga akong pakasalan." biglang singit niya sa ginagawa naming pagpaplano.
" Anong sinasabi mo diyan."
" Ang sabi ko, dapat mo talaga akong pakasalan."
" Baka ibig mong sabihin magpasakal." inis na sabi ko.
" Okay lang na masakal basta ikaw. Ikaw naman ang laging nasusunod. Tulad nitong ginagawa natin. Sino ba ang madaming nasunod na idea dito. Diba ikaw?" turo niya sa akin.
" Talagang sasakalin talaga kita." sigaw ko.
Tumayo na ako sa inuupuan ko para sakalin siya pero kumaripas naman siya ng tayo at nagtatakbo kaya hinabol ko siya. Tawa kami ng tawa. Para kaming mga bata na naghahabulan. Nang mapagod kami ay humiga kami sa damuhan.
" Namiss ko tuloy noong mga bata pa tayo." sabi ko
" Bakit bigla mo naman naisip."hinihingal niyang sagot.
" Kasi noong mga bata tayo lagi akong taya." pagrereklamo ko
" Kasi mahina ka."
" Nga pala pwede bang humingi ng favor."
" Ano naman yon."
" Pahiram ng cellphone ko."nagpuppy eyes pa ako para maconvince ko siya.
"Bakit magsusumbong ka!" biglang seryoso ang mukha niya. Saka siya bumangon.
" Teka sandali lang. Hindi naman ako magsusumbong ehh."
" Ano din ang gagawin mo." seryosong tanong niya sabay nakapameywang pa siya.
" May titignan lang akong email galing abroad."
" Nag aaply ka ba ng trabaho sa abroad."
" Parang ganoon na nga. Pag naibalik ko na ang company ng daddy ko saka ako aalis para ipagpatuloy ang buhay ko doon."
" Paano kung di ko ibabalik ang company ng dad mo anong gagawin mo."
" Gagawa ako ng paraan. Ayoko naman magpakasal dahil lang sa utang ng dad ko. Di naman ako papayag na pambayad utang lang ako. May sarili din ako buhay. Kaya sana naman irespeto mo naman ako. Kung kinakailangan bigyan mo ako ng deadline kung kailan ko babayaran ang utang ng dad ko, gagawin ko. On time magbabayad ako." mahabang paliwanag ko.
" Okay two weeks. Ibigay mo sa akin lahat ng utang sa akin ng dad ko."
" Deal, magkano ba lahat."
" 850 milyon."
" 850 milyon?! Ganun kalaki." gulat na gulat ako sa sinabi niya. Tsaka two weeks lang ang palugit ko.
" Kung hindi ako umabot, anong gagawin mo."
" Mapipilitan kang magpakasal sa akin."
Ayoko namang magpakasal sa taong di ko naman mahal.
" Okay bukas pwede na ba akong umuwi para makapagtrabaho ako ng husto para mabayaran ko ang utang ko sayo."
" Sige."
_____________________
Nandito kami sa garden ni mommy, kasalukuyan kaming nagtsatsaa.
" Oh anak saan kayo galing ni Ronie at grabe three days kayong nawala."
" Si Ronie nga pala, hindi po talaga Ronie ang pangalan niya kundi." *biglang dumating si dad at humigop si mom ng tsaa* " siya si Vince Zymon." Iniluwa ni mommy sa mukha ni daddy ang tsaang nahigod niya.
"Ano?!" Gulat na gulat si mommy na parang natatakot.
" Kakaligo ko lang honey naman."
" That's not a big deal honey. Honey did you here what she say.?" natatarantang sabi ni mommy.
" Vince Zymon sabi niya. Wait what Vince Zymon. You mean si Ronie at si Vince Zymon ay iisa."sabay pinagdikit pa niya ang dalawang daliri niya.
" Yes dad! What's wrong with him."