Einjellikeith POV Nakalipas ang ilang linggo ay nagpatuloy pa rin ang pagtira niya sa bahay ko. Habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya. " Ma'am hindi daw po dito maglunch si sir." sabi ni manang Jen. Si manang Jen ay matagal na sa akin. Anim na taon na siyang nakatira sa akin kaya naman para ate na ang turing ko sa kanya. " Dadalhan ko na lang siya ng pagkain. Ipagbalot mo ako." utos ko. " Si ma'am nag aalala kay sir." panunukso niya sa akin. " Parang bibigyan lang ng pagkain, nag aalala na. Ikaw naman manang, huwag mo nga akong tuksuin." tapik ko sa braso niya. " Si ma'am nagsisinungaling pa, halata naman. Tignan mo po namumula na po kayo." turo niya sa pisngi ko. " Manang." suway ko. Hinawakan ko ang mga pisngi ko, ang init ng pisngi ko. Nandito na ako sa comp

