Chapter 21

1208 Words
Nakita ko siyang nag evil smile kaya kinutuban ako. " Dahil sa pang iinsulto mo sa akin ay nagalit ako. At hindi naman kita kayang saktan kaya ang mga malalapit na lang sayo ang sinasaktan ko, ang galing ko di ba." " May hangganan din ang kayabangan mo." galit akong umalis sa harap niya kaya naman padabog kong isinara ang pinto. Inutusan ko ang mga maid niya na ilipat sa guest room ang mga gamit ko. Pagkalipat nila ay inayos naman nila kaagad. Noong natapos silang mag ayos ng gamit ko ay pinalabas ko na sila ay nilock ko ang pinto. Para hindi ako maistorbo ni Zymon. Naisipan kong tawagan ang namamahala ng kumpanya na si Miss Kim. " Hello ma'am, how may I help you." " May tutulungan tayong kumpanya. At inaasahan ko na magagawa mo ito. Aasahan kita." " Okay ma'am. Ipasa niyo na sa akin ang mga kailangan kong ayusin." " Okay, give me a minute para ipasa ang mga kailangan mo." Pagkatapos namin mag usap ay si Marc naman ang tatawagan ko. " Hello may good news ako sayo." " Siguruhin mo lang na matutuwa ako kundi lagot ka sa akin pag nagkita tayo." " Tutulungan ka ng aking kumpanya para maibalik ang lahat ng mga nawala sayo." " Iyong kumpanya niyo na kinuha ni Zymon.?" tanong niya. "Hindi iyon. Basta ibigay mo sa akin ang email ng kumpanya mo at mga kailangan ng kumpanya mo para matulungan ka." "Hindi ako nakikipaglari sayo Keith at lalong hindi biro ang mga nawala sa akin." " Alam ko. Kung gusto mo mag invest na lang ako sayo. Mas okay ba iyon." " Magkano naman." "How about 50 milyon. Okay na iyon." " 50 milyon! Si-sigurado ka. A-at sa-saan ka naman kukuha ng ganoon kalaking pera." nauutal niyang tugon. Siguro di siya makapaniwala sa sinabi ko " Malaki na ba iyon. Parang 50 thousand ko lang kasi ang 50 milyon." " Wow nahawa ka na yata sa asawa mong mayabang." " May kapalit ang offer ko sayo Marc." " Anong kapalit e di ba invest lang naman iyon. At kung pwede lakihan mo na ang offer mo sa akin."paghihirit niya " Hindi pwede dahil sa kailangan ko pang palakasin ang kumpanya ko." " Anong kumpanya ba iyang sinasabi mo." " Malalaman mo din soon. Bye." " Wait."sabi niya. " Ano na naman." "Meron na ba bukas ang pera." " Gusto mo ngayon na." " Talaga." " Oo naman. Suge aasikasuhin ko na." binaba ko na ang tawag sa akin. Tinawagan ko ulit si Miss Kim. " Miss Kim. Mag iinvest na lang tayo sa kanila ng 50 milyon. Kaya ihanda mo na ngayon din ang contract at ang pera dahil kailangan na mamaya." "Okay po ma'am." sabi niya at ibinaba ko na. Pagkatapos kong gawan ng solusyon ay naisip ko baka may butas sa kumpanya niya kaya siya nalulugi at doon nasisilip ni Zymon. Doon din siya gumagawa nang hakbang para pabagsakin si Marc. Lumabas ako sa kwarto at naisip kong pumunta sa bahay nila Marc at siguruhing hindi na siya masisilipan pa ni Zymon. " Saan ka pupunta." gulat akong tanong ni Zymon. " Vince Zymon Versosa na nagpanggap bilang si Ronie Versosa ewan ko kung Versosa ba talaga ang dapat na apelyido mo o Del Fuente dahil ikaw naman ang tunay na anak ng mga Del Fuente. Nga pala aayusin ko lang ang mga kalat mo kaya naman ayusin mo din ang pangalan mo para naman alam ko rin kung ano ang isusulat kong pangalan ko. Iyon na muna siguro ang pagtuunan mo ng pansin at huwag ako." nag smirk lang ako sa kanya at saka umalis. " Teka sandali lang." sigaw niya pero di ko siya nilingon. Kinuha ko ang kanyang sports car para mas mabilis na makakapunta sa pupuntahan ko. Habang nasa byahe ako ay tinawagan ko si Marc. " Nasaan ka." " Nasa kumpanya ko pa." " Pupuntahan kita." Pinatay ko na kaagad para naman hindi na siya makatanggi. Nandito na ako sa hallway ng kumpanya niya nang may tumawag sa akin sa likuran ko " Einjelikeith Versosa Del Fuente.!" Nilingon ko kung sino siya. Hindi ko alam na nakabuntot pala sa akin itong taong to. " At anong ginagawa mo dito."tanong ko " Bakit ka nandito. Di ba dapat aayusin naman natin ang honeymoon natin." " Honeymoon mo mukha mo. At anong sabi mo kanina Del Fuente. Hindi pa rin maalis alis ang pangalan iyan sa pangalan ko." " Wala kang magagawa dahil asawa mo na ako." "Asawa lang kita sa papel. Itatak mo iyan sa kokote mo. Kung meron ka naman nun." " Bakit ka nga ba nandito." " Para takpan ang butas kung saan ka sumisilip.At gagawin kong bakal para di mo na masira. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin. Kaya pwede umalis ka na." " Hindi ko na siya guguluhin at lulubayan ko na siya pero may kapalit." biglang offer niya sa akin. " At ano naman ang kapalit." nanliit ang mga mata ko sa kanya para tignan kung nagsasabi ba siya ng totoo. " Umuwi na tayo at saka ko sasabihin." " At paano kung ayoko." " Isang pitik ko lang, ordinaryong tao na bukas si Marc." " Sa tingin mo matatakot mo ako." " Gusto mo ng sample. Sige." kinuha niya ang celllhone niya sa bulsa niya at may tinawagan. " Ngayon na." simpleng sabi niya saka ibinaba. Maya maya pa ay bumaba si Marc na para aburido. " Marc anong nangyayari." instead na sagutin niya ako ay sinugod niya si Zymon at sinuntok niya ito, sugatan ngayon ang labi ni Zymon. Lumaban naman si Zymon at sinuntok niya din si Marc at pareho na silang duguan sa labi. Susuntukin sana ulit ni Marc si Zymon pero pinigilan ko siya. " Tama na.!" " Ikaw! anong kasalanan ko sayo para pabagsakin mo ako ng ganito. Wala akong na kasalanan ko sayo. Pwede ba sabihin mo sa akin ng harapan kung galit ka sa akin para alam ko kung ano ang gagawin ko. Sa pagkakaalam ko hindi naman kita binangga." " Wala ka ngang kasalanan. Pero si Keith meron." " Halika na dito. Huwag mo siyang pakinggan." " Kung galit ka kay Keith huwag mo akong idamay." " Sorry ah nadamay ka. Binalaan ko na kasi iyang kaibigan mo pero di marunong makinig." sabay turo niya sa akin. " Pwede ba huwag mong ipasa sa akin ang kasalanan mo. Ayusin mo ito. Kung ayaw mong ako ang aayos nito." " Aayusin ko pero this time malaki na ang kapalit. Kaya naman umuwi na tayo. Pangako bukas lahat ng nawala sa kanya ay babalik sa dati." kinuha niya ang kamay ko at hinila na palabas ng building. " Sabihin mo nga sa akin. Meron ka bang konsensya." tanong ko sa kanya habang tinatahak ang daan papunta sa kotse niya. Ang sports car na ginamit ko kanina ang sinakyan namin. Papunta na kami ngayon sa airport. " Ang akala ko uuwi na tayo bakit papunta airport itong dinadaan natin." Hindi pa rin niya ako kinikibo. Nanahimik na lang din ako dahil parang wala naman siyang balak na sagutin ako. Nakasakay na kami ng eroplano na at papunta kami ngayon sa New Zealand. Siguro doon niya gustong maghoneymoon kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD