Chapter 14

1068 Words
" Kawawa naman si Keith. Bigyan mo pa rin siya ng mamanahin dahil naging mabuti naman siyang anak para sa atin. Kahit na di siya makasal kay Vince Zymon."pagtatanggol ko " Iyon lang ang alam kong nakakabuti sa kanya." " Pero nagsisikap siya na makagawa ng paraan para mabayaran ang utang mo kay Zymon." " Mom dad Im here." masayang pagdating ni Keith sa bahay. Nagtinginan kaming mag asawa para sabihin sa isat isa na manahimik kaming dalawa. Einjelikeith POV "Mom dad Im here." masayang bati ko dahil may good news ako. " May good news po ako daddy." " What is it baby." Lumambing muna ako sa kanila bago ko sasabihin ang good news ko. "Mommy nauuhaw na ako." nagpapababy pa ako sa mommy ko. " Ano ba ang gusto mo." " Juice na lang po mommy." " Manang magdala ka nga dito ng juice at cake na din." " I love you mommy." " Mommy mo lang talaga. Bakit ba lagi na lang akong wala." pagtatampo ni daddy. " Syempre naman daddy love na love ko din kayo. I love you daddy." sabay yakap ko sa kanya. " Nga pala di ba sabi mo may good news ka." tanong ni daddy sa akin "Malapit ko na kasing mabuo yung utang niyo dad kaya naman hindi matutuloy ang kasal. Ayoko ko kasing magpakasal doon sa mayabang na yon." nagpout pa ako ng sinabi ko yun " Bakit ba kasi ayaw mo magpakasal sa kanya." tanong ni dad sa akin. " Sobrang mayabang kasi niya dad tsaka hindi ko siya mahal." " Matututunan mo din siyang mahalin. And this is for your own good."pamimilit sa akin ni dad " Paanong nakakabuti sa akin dad. Kung ang yaman niya lang ang sinasabi niyo para makakabuti para sa akin. Well kaya ko ding gawin yung mga naabot niya." " Keith! Bakit ganyan ka sumagot sa daddy mo?" suway sa akin ni mommy. " Well mom, hindi ko po kayo maintindihan. Kung iniisip niyo kung ano ang nakakabuti para sa akin. Salamat pero mas makakabuti siguro sa akin kung susuportahan niyo ako sa desisyon ko tungkol sa bagay na iyan. Hindi biro ang magpakasal mom." Umalis na ako sa harap nila at nagtungo ako sa kwarto ko. Ang sakit lang para sa akin na ipupush nila akong magpakasal sa ayaw ko at di ko naman mahal. Iyong alam kong may iba pa namang paraan para makabayad ng utang pero ako pa ang naisip nilang ipambayad. Ang sakit sakit lang. Umiiyak ako ngayon dito sa kama ko na nakadapa. Biglang may pumasok at alam kong si mommy iyon dahil kilala ko ang yapak ni mommy. " Baby bakit ganoon ka naman makipag-usap sa daddy mo." masuyong sabi ni mommy. " Bakit kasi ako pa ang naisip niyong ipambayad mom? Ang dami pa namang paraan para makabayad sa kanya. Ang sakit sakit lang para sa akin mom." umiiyak kong sabi. " Intindihin mo na lang ang daddy mo, madami lang siyang iniisip." patatanggol ni mommy kay daddy. " Ano pa ba ang iniisip niya mom. Inako ko na lahat ang utang niya. At ako na ang gumagawa para makabayad siya. Tapos ako pa ang mali para sa inyo.?" nagtatampo kong sabi habang umiiyak. " Kakausapin ko ang daddy mo tungkol dito, pero you need to say sorry to your dad okay." Tumango na lang ako saka siya umalis. Iyak pa rin ako ng iyak. Naisip kong pumunta sa bahay nila Marc kaya ngayon para makapaglabas nang sama ng loob. Nandito na ako ngayon sa bahay niya. " Nandiyan ba si Marc."tanong ko sa maid niya. " Naku ma'am wala po siya. Nagpaalam po siya na sa condo po siya matutulog ngayong gabi." " Sige thank you." Papuntan na ako ngayon sa condo niya. Naisip ko munang dumaan sa convenient store para bumili ng maiinom. Gusto ko kasing malasing ngayon. Nandito na ako ngayon sa pintuan niya. Dahil alam ko naman ang passcode niya ay pumasok na ako. Pero ang akala ko masusurprise ko siya pero ako pala ang nasurprise. Grabe di ko akalain na ganito ang makikita ko, ang mga damit na nakakalat sa sahig habang may umuungol ang babae ay nakapatong sa bestfriend ko. " Ahhhhh! mga walang hiya!, mga bastos!" sigaw ko. " Keith teka/Sino siya." sabay silang nagsalita. Pinagbabato ko sila hanggang sa dumako ang paningin ko sa hubad na katawan nila ay bigla akong nahiya at lumabas. Pinagpapawisan ako ng malamig. Lumabas na sila saka ako pumasok. Inihatid niya siguro iyong babae sa labas. Pagkabalik niya ay nakaready na ang pamalo ko sa kanya. " Bakit ka ba nandito, at sinira mo pa ang sexy time ko.* sabay kamot niya sa ulo niya* bitin tuloy ako." reklamo niya. " Bitin ka! Gusto mo ikaw ang ibitin ko diyan.!" banta ko sa kanya. " Ako dapat ang magalit hindi ikaw. Ako na nga itong nabadtrip tapos ikaw pa ang galit." " Hindi ka talaga titigil." at ipinalo ko sa kanya ang hawak kong meter stick. " Aray aray masakit tama na." pag aawat niya sa akin. " Umayos ka kung hindi. Hindi lang meter stick ang ipapalo ko sayo kundi baseball bat na sa susunod." banta ko ulit sa kanya. " Bakit ka nga ba nandito." tanong niya ulit sa akin. " May problema kasi ako kaya alam kong ikaw lang ang makikinig sa akin." sabay bukas ko ng inumin at ibinigay ko ang isa kay Marc. " Kaya ba nagbaon ka pa ng inumin para maglasing ka dito sa condo ko?" pagalit ang boses niya. " Bakit ka nagagalit diyan." tanong ko sa kanya. " Dahil sinira mo yung moment ko. Alam mo bang malapit na kami sa c****x. Dapat man lang sana pinatapos mo kami."reklamo niya " Ah ganun. Gusto mong makatikim." " Ang sakit na nga ng puson ko dahil sa bitin ako at tapos palaluin mo pa ako. Ang daya mo talaga." " Tumigil ka na nga sa kamanyakan mo. Naririndi na ako sayo." " Ikaw naman kasi." " Aalis na nga lang ako. Bahala ka nga sa buhay mo. Akala ko pa naman makikinig ka sa problema ko." patayo na sana ako pero pinigilan niya ako. " Eto naman di mabiro. Ano ba kasi ang problema mo." " Si mommy at daddy kasi, pinipilit nilang magpakasal na lang daw ako kay Zymon." " Tapos." " Bukas magbabayad na ako kay Zymon tapos aalis na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD