" Hindi ako pipirma." " May bigay ka ng rason kung bakit hindi ka pipirma. Wala ka naman alalahanin sa mga gastusin sa pagpapawalang bisa ng kasal natin. Pumirma ka lang at tapos na tayo." " Gusto kong ayusin ang relasyon natin dalawa." " Relasyon? hindi ba't may GIRLFRIEND ka na.?"madiin kong sabi. " Hindi ba naipaliwanag ko na kanina. Hindi mo pa rin ba naiintindihan." " Anong katibayan mo para maniwala ako sayo." " Kailangan pa ba ng katibayan para maniwala ka?" " Sa tingin mo ba ganoon ako kadaling makumbinsi." tiningnan ko ang mga mata niya para makita ko kung nagsisinungaling siya. " Nakita mo naman kung paano ko pakitunguhan ang mga anak natin. Sa mga sandaling iyon wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama kayo araw araw. Sa mga sandaling iyon, nasabi ko sa sarili ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


