Nagkulong muna ako dito sa kwarto at nag iisip. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng mga sinasabi niya o isa itong patibong. Kailangan kong mag ingat. Mukha naman siyang nagsisisi. Hindi naman niya siguro ako niloloko. Pero hindi ibig sabihin na napatawad ko na siya. Hindi pa rin nagbabago ang isip ko. Gusto ko pa rin mapawalang bisa na ang kasal namin para malaya na ako. Pakiramdam ko nakatali pa rin ako sa kanya. Nagpasya akong lumabas at maglakad lakad muna sa dalampasigan para makapag isip isip. Sa paglalakad ko hindi ko namalayan na ang layo na pala ng narating ko kaya naisipan ko nang bumalik. Sa paglalakad ko ay may kaluskos akong narinig. Tumayo ang mga balahibo ko sa takot. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o titignan ko kung ano yung kumakaluskos. Pero sa huli ay tumakbo pa r

