Pagkatapos naming mag usap ng butler ay napapaisip ako kung ano nga ba ang gagawin ko. Kung sakaling may aamin sa aming tatlo tungkol sa nangyari ay dapat handa ako sa lahat ng consequence. Dapat mas maging maingat ako sa bawat hakbang ko. Sisiguruhin kong lalabas pa rin ako ng buhay kung sakali. Hindi kasi ako mapalagay sa bahay na ito. Tila ba may kakaiba. Parang mabigat ang pagpasok ko dito sa bahay na ito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Parang anytime may panganib na nakaabang sa akin. Naisip kong tawagan si Marc para magrescue sa akin kung sakaling nangangailangan ako ng tulong. Minemorize ko din ang number ni Miss Kim at ni Marc para nakahanda ako. " Keith okay ka lang ba. Mukhang kanina ka pa di mapakali."hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa kwarto

