Celestine’s POV “Mahal! The food is ready!” Rinig kong sigaw ni Xyler ibaba. Kaagad akong dumungaw sa railings ng loft namin atsaka siya tinignan sa baba. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko siyang nakaapron atsaka naglapag ng dalawang plato sa ibabaw ng aming mesa. “Pababa na ako! Saglit lang po!” Kaagad kong inayos ang kama namin atsaka pinusod ang aking mahabang buhok pagkatapos. Nang kuntento na ako sa ayos ng aming sanctuary ika nga ni Xyler, ay kaagad na rin akong bumaba. Nakatalikod siya sa akin at naglalagay na ng mga kubyertos at baso sa mesa. Niyakap ko siya mula sa likuran atsaka inamoy ang kanyang pabango. “Hmm! Bango mo naman! Di ka pa naliligo niyan ha?” Kaagad niya akong hinarap na may ngiti sa kanyang mga labi. Sobrang gwapo naman ng first boyfriend ko! Syemp

