FEELINGS

4111 Words
Chapter four Late na ako ng five minutes ng pumasok sa loob ng first class namin. Paano kasi tumigil pa ako kanina, para ampatin ang luha na wala yatang balak maubos, iniisip ko kasi si inay mag isa lang sya sa bahay tapos masama pa pakiramdam nya. Alam ko may kutob ako na may problema si inay, pero di ko alam kung ano gagawin ko. Tapos dumagdag pa ang puso ko, pesti! Crush lang daw! Pero bakit? masakit. Sa pag eemote ko! na late tuloy ako. Agad akong nag sorry kay ma'am ng pumasok ng late, mabuti na lang mabait si ma'am Reyes. Binigyan nya ako ng test paper. Pre-test pala namin ngayon. Tahimik akong umupo sa upuan katabi si DA. Ipinatong ko sa hita ko ang bag ko, inilagay ko naman sa gilid ng bangko ang dala kong paper bag. Kumuha ako ng notebook na patungan ng test paper pati ballpen.. Ballpen..huminga ako ng malalim bago naisip na, kailangan ko itong ibalik mamaya. Bibili na lang ako mamaya sa canteen ng bagong ballpen, alam ko me tinda dun. Binasa ko ng ilang ulit sa isip ang mga tanong sa test paper. Anak ng pusit! Bakit wala akong ma gets. Focus..focus.. lintik! Bakit nabasa yung test paper ko? Umuulan ba? Temang! Paano mababasa yan e me bubong naman! Luha mo yan! Zameerain. Akala ko naampat ko na! hindi pa pala! Isinobsub ko ang mukha ko sa ibabaw ng lamesa at tahimik na pinabayaang pumatak ang luha. May palad na dumampi sa likod ko, na para bang pinapayapa nya ang hampas ng sakit sa dibdib ko. Walang salita mula sa kanya, ngunit ang dampi ng palad nya ay sapat na! para mapawi ang bigat sa dibdib ko. Zameerain, wag kang OA! Tumingala ako, para bang sa pamamagitan niyon ay titigil ang pagpatak ng luha. Lintik! wala akong panyo, nakalimutan ko. May kulay puting panyo na iniabot ang katabi ko, kaya kinuha ko iyon. Ayokong mag thank you, ayaw ko syang kausapin ni tingnan ayoko. Di kami bati! Scammer sya.. Pinunasan ko ang mukha ko, gamit ang panyo ng katabi ko. Tapos ay inilapag sa tapat nya ang panyo nya. Mabuti na lang at di gaanong nabasa ang test paper ko. Bahala na! Isang basa lang diretso sagot. Mantakin mo nauna pa akong matapos. Sabi ni ma'am pwede na daw akong lumabas. Bumalik ako sa upuan para kunin ang gamit ko. Pero bago yun, nilapag ko sa harap nya ang ballpen. "Salamat!" - sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Tapos ay lumabas na ako ng classroom. Dumiretso ako sa canteen para bumili ng bagong ballpen, tatlo na ang binili ko. Palabas na sana ako ng... "Zameer!"- tawag sakin mula sa likod ko. Ang naka ngiting si Harold ang nakita ko. Ang best friend and classmate ko since second year, lihim ko rin itong naging crush. "Besy!" - nakangiti kong sabi ng makalapit ito sakin. Ginulo nito ang buhok ko na parang bata. "Besy naman yung buhok ko, magulo na."- saway ko. Inakbayan nya ako at naglakad kami palabas ng canteen. "Bakit ngayon lang kita nakita?" -tanong ko dito na iniyapos ko sa bewang nya ang braso ko. "Kauuwe lang namin galing Pangasinan, kaya ngayon lang ako nakapasok." "Katunayan, di pa pala pasok to! Kumuha lang ako schedule ko." Napatingin ako sa suot nito, hindi pala to naka uniform, freestyle pala suot nito. "E anong sched mo? Saka anong section?"- tanong ko. Marahan muna itong lumayo sakin bago kinuha ang notebook sa bag na nasa likod nya. "CND-17..ikaw anong section mo?" "LTU-18."- sagot ko na nakangiti. "Sayang! Di tayo classmates." "E sched mo?"- tanong ko. Muli syang tumingin sa notebook na hawak. "7:30 to 3:45"- sagot ni Harold. "Pareho pala tayo ng oras ng pasok at uwian "-sabi ko. "Besy, sige papasok na ko sa klase ko." - paalam ko. "Hatid na kita." -suhestiyon ni Harold. "Okay."- kibit balikat kong sabi. Nang makarating kami sa pinto ng math subject namin. Agad akong niyakap ni Harold. "Wag ka na ulit iiyak, sayang ang mata mo, iyan pa man din ang favorite part ko sa face mo."- bulong sakin ni Harold. "Sira!"- sabay mahinang suntok ko sa dibdib nya. "Ouch!! Sige na nga! bye bye na! Wag ka ng iiyak, Labyu besy ko."- nakatawang kaway pa ni Harold sakin. "Ingat ka!"- pahabol kong sabi dito na sinagot lang ako ng tango at ngiti. Pag paling ng mukha ko sa loob ng classroom namin. Anak ng pusit! Kainin mo na ako! Kahit di ko nakikita ang mukha ko ngayon, sigurado ako para akong kamatis na hinog. Wala pa naman si sir Hutalla, pero halos lahat ng classmates ko asa loob na at sakin nakatingin. Nakatungo akong lumapit sa upuan kung nasaan si kc. "Zameerain, ano yun? Kinilig ako, grabe ka! Sino yun bf mo?" - si kc. "Zamee! ang cute ng bf mo! Ikaw ha!"-si Monica. "Girl, sweet naman ng bf mo, may pa hug at Labyu pa, ikaw na talaga!"- si chillet. "Di ko bf yun!"- "Wee.!- sabay-sabay na wika ng tatlo. Dumating na si sir...kaya natigil ang tatlo sa pag tatanong. "Good morning class!"- si sir. Inilapag nya sa table ang dala nyang gamit. "Class, according yesterday..the highest point I gave was twenty points, and..-tumigil si sir at kinuha sa gamit nya ang mga papel namin. ... Drave Anthony Mendez, he got the highest points in your quiz yesterday." - si sir na tila hinahanap ang tinawag. Muling tinawag ni sir ang pangalan at pinatayo. "Class..give him a round of applause." -si sir. Crush ko sya pero hindi ako plastic. Hindi kami bati, kaya bakit ako papalakpak? Pero...basag trip si kc dahil dinagil nya ang balikat ko, kaya napilitan ako na pumalakpak. Nasa unahan sya nakaupo katabi nya si Elaine, binati pa sya nito ng congrats with matching maharot na ngiti. Maharot na ngiti talaga! Zameerain? Sos! Selos ka lang! Napairap ako sa hangin na saktong lingon nya dahil pinaharap sya samin ni sir. Nakita ko ang pag tiim ng bag-ang nya. Mabilis akong umiwas ng tingin at pinukos sa iba ang atensyon. "Class, are you familiar about reciprocal? Anyone who can give the meaning I'll give an additional point." -si sir. Reciprocal.. I feel pain when I heard that word. Parang feelings ko, malungkot dahil hindi sya kayang ibalik o tumbasan man lang ng taong binibigyan ko ng pansin. "Anyone?"-tanong ni sir. Nagtaas ako ng kamay. Na agad nakita ni sir Hutalla. "Yes, the pretty girl with a black hair clip."- si sir. Anak ng pusit! si sir naman o, bolero din pala. "Uhm.. Reciprocal comes from the latin word "reciprocus" meaning returning and "re" means back while "pro" means forward, We used reciprocal today to characterize things that work in opposite, complementary directions such as agreements or influences"- sagot ko. "Very good! Uhm... "Zameerain Menbosa po."- wika ko. "I'll give you twenty points, maaari ka ng maupo Menbosa?" -si sir ulit. "Wow! Siguro inspired ka sa bf mo ano?"- bulong ni kc sakin. Sumulyap din sakin sina Monica at chillet, katulad ni kc mapanudyo rin ang tingin nila. Ngumiti na lang ako. Nasagot ko ang tanong dahil nakadikit sa dingding ng kwarto ko yung meaning ng reciprocal, sa araw-araw ba naman na nakatingin ako sa dingding ng kwarto ko e na memorize ko na. May pinasulat samin si sir na nasa blockboard. Hanapin daw namin yung mga meaning non. Parang assignment. After namin magsulat ay natapos na ang klase. Vacant Acacia Tree Mahangin sa kinauupuan namin, mahabang upuang bato katapat ay lamesang bato. Palibhasa'y mayabong ang punong acacia kaya ang mga naglalakihan nitong mga sanga na maraming dahon ang nagsilbing panangga namin sa sinag ng araw. "Zamee! Inspired ka ba?"- si Monica. "Oyy!! siguro matalino bf mo ano?"- dagdag pa muli ni Monica. "Hindi ko nga sabi..- "Girls me dala akong pancit canton."-biglang wika ni chillet habang inilalabas ang medium size Tupperware na pinaglagyan nya siguro ng pancit canton. "Wow! Sarap nyan penge!" - si Monica na doon na natuon ang pansin. Naalala ko ang paper bag na dala ko. Teka! Saan ko naiwan yun? Pilit kong binabalikan sa isip ko, kung saan ko maaring maiwan iyon. Habang nag iisip ay napatuon ang tingin ko sa papalapit na si.. hm! Di kami bati. Teka! Bakit nasa kamay nya ang paper bag ko? "Naiwan mo."- seryosong wika nito na inilahad sakin ang paper bag. Napalunok muna ako bago kinuha ang paper bag. Aalis na sana ito ng.. "Wait..-sabi ko at kinuha ang egg sandwich na ginawa ko pa ng buong puso, kahit na nga may kunting kirot ito, habang inihahanda iyon dahil nga sa pang iisnab nya sakin kaninang umaga. Iniabot ko kay... DA ano bayan! Maiiyak pa yata ako! Pangalan lang nya binanggit ko, OA mo talaga! Zameerain. .... iniabot ko ang isang egg sandwich na nakabalot sa tissue paper. "Thank you sa pagtulong sakin last night."-sabi ko ng makita ko ang pagtataka sa mukha nya. "Okay."- tipid na sagot ni DA. Tapos ay tumalikod na ito at naglakad palayo. "Zamee! Maige pa samahan mo ako sa canteen, bili tayo panulak."- si Monica na hinila pa ako dahil natulala na ako sa pagtanaw kay DA. Bago kami umalis ay tinanong pa ni Monica sina chillet at kc kung anong drinks nila, tuwang-tuwa ang dalawa dahil libre ni Monica, once in a blue moon lang daw kasi ito manlibre. Canteen Maraming students sa loob, kaya naman walang vacant table, sabagay bibili lang naman kami ng drinks. Pumila kami ni Monica para bumili ng drinks. Makalipas lang ilang sandali ay hawak na namin ang binili ni Monica. Pineapple juice ang pinabili ni kc, orange juice ang kay chillet at parehong ice tea ang samin ni Monica. Papalabas na kami kung di lang may nahagip ang mata ko. Sa isang table malapit sa sulok.. nakaupo si DA kasama si Elaine at isang lalaki na student din. Kumakain sila, nakita kong tumayo si Elaine dala ang kinakain nya nagpaalam ito kay DA at sa lalaking kasama nila. Marahil nakita rin ni Monica ang nakita ko kaya hinila na ko nito. Ngunit sa paghila nito ay may nabangga ako. Tumilapon ang dala nito. Nakita ko ang natapong tinapay na humiwalay na ang palaman nitong itlog, kamatis at cheese. Nasira na rin ang tissue paper na nakabalot sa tinapay. Marahan kong dinampot ang natapong tinapay at ang mga palaman nito, nasayang lang ang tinapay dahil wala pa itong bawas. "Oh my!! Bigay pa yan sakin ni Anthony."- maarteng wika ni Elaine ng kuhanin sakin ang tinapay. "Si Mendez b-bigay yan sayo?"- medyo utal kong tanong. "Yes! Anthony is sweet and caring to me."- ngiting sabi ni Elaine. "Girl! Tinanong lang nya kung bigay sayo ni Mendez yan! Too much info ka naman! Epal" - sabi ni Monica na inis. "Gorabells na tayo! Zamee." - at lumabas na kami ni Monica. Habang naglalakad pabalik sa tambayan namin ay nakasalubong namin si Rustan. Pero bago pa ito makapagsalita ay inabutan ito ni Monica ng piso. Kunot-noong tumingin si Rustan sa pisong nasa palad nya. "Ano ito?"- inis na tanong pa nito habang nakatingin sa piso. "Wag mo ko kausapin, bumili ka ng kausap mo!" - iniwan na namin si Rustan. Acacia Tree Kumakain na kami ng pancit canton na dala ni chillet. naibigay na rin namin ni Monica ang mga drinks kina kc at chillet. Ang egg sandwich na ginawa ko ay hindi ako kumain, ang natirang apat ay binigay ko sa tatlo at kay Ranniel na masaya na namang nakikihalubilo samin. Nakamasid lang ako sa apat habang nagkukwentuhan sila, nakikisabay ako ng tawa kapag nakikita kong nag tatawanan sila, pero ang totoo wala akong maunawaan sa pinag uusapan nila. Nakatawa pa rin ako pero ang hindi ko alam e nasa akin na pala ang lahat ng atensyon nila. Nang mapansin ko iyon natigilan ako. "Me dumi ba ako sa mukha?"- ngiti kong tanong sa kanila. "Wala, ganda mo nga ngayon e!"- si Kc na iniyakap pa sa bewang ko ang braso nya. "Sos! Bolera! para kang si sir Hutalla."- saad ko para pagtakpan ang hiya. "Sinong may sabing binobola kita?"-si kc ulit. Ngumiti na lang ako habang naiiling. ************** Small Grandstand MAPEH Room BG-4 MAPEH subject namin, dito kami sa ilalim ng grandstand. Kasalukuyan hinihintay namin si Mrs. Lonora Advincula, teacher namin. "Classmates, nagtext si ma'am Advincula may emergency daw sya ngayon kaya hindi sya makakapagturo ngayon."- si Maria Rona class president namin. Sabay-sabay na naghiyawan ang mga classmates ko. Maging sina Monica chillet at kc ay nakihiyaw din. May isang oras din kasi ang MAPEH namin, ibig sabihin isang oras kaming libre. Napagkaisahan namin na sa taas ng grandstand kami tatambay muna. Mula sa pagkakaupo namin sa taas ng grandstand ay tanaw namin ang malawak na oval field, Magkakatabi ang court ng basketball, tennis, badminton at sepak takraw. Kahit may kainitan na rin ang sikat ng araw dahil nasa ten fifty am na rin ang oras ay marami pa rin studyante ang nasa malawak na field ito siguro yung mga nag ta-try out. Maging sa mga court ay may nagta try out din. Napatingin ako sa basketball court. Nakita ko si... kaya lang bigla akong kinalabit ni kc. "Zameerain, bf mo ba yun?"- turo ni kc sa court ng basketball. Sabi ng wala akong boyfriend. Napatingin ulit ako doon, napangiti ako ng makitang kinakawayan ako ni Harold. Kala ko ba! Nakauwe na sya. Nagpaalam ako kina kc na pupuntahan ko si Harold, puro kantyaw ang inabot ko sa tatlo. Naka jersey uniform na kulay black si Harold at converse na sapatos kulay black din. Lintik na besy ko ito. Apaka, gwapo talaga! Kaya ang daming nag kaka gusto dito e tapos swabe! pa kung pumorma. Palibhasa maputi sya ay lalong lumitaw ang kaputian nya sa suot na black jersey uniform. Teka! Ngayon ko lang napansin na bagong gupit ito. Tapos ang bigote medyo may tumutubo na. "Crush mo na ba! ako niyan?"- biro ni Harold ng makalapit ako. Habang nilalaro sa kamay ang white towel. Ngumiti lang ako dito. "Akala ko ba! Nakauwe ka na?"- sa halip ay tanong ko. "Kumuha lang ako jersey uniform, tapos bumalik ako para mag try out sa basketball."- si Harold na inayos ang pagkakaipit ng buhok ko sa tainga. "Akala ko ba! Busy ka, kaya ka nga di nag ta try out noon."-ako. "Di na ako busy ngayon."- saad nito. "Wee!!"- biro ko. Naputol ang pag uusap namin ng tawagin sya dahil magsisimula na daw ang try out nila. Pero bago sya umalis sa harap ko ay isinabit nya sakin ang towel na parang nakayakap sya sakin, tapos medyo kinabig pa ng dalawa nyang kamay ang magkabilang dulo kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Sinimangutan ko sya pero tinawanan lang nya ako. "Ganda mo talaga! (Sabay pisil sa magkabila kong pisngi),.. Sige na balik ka na sa taas, sayo muna towel ko." -ngumiti ako, pero agad na nabura ang ngiti ko ng masundan ko ang pinuntahan ni Harold, kasama nya ang iba pang mga magta try out at isa doon si DA na kabaligtaran ng suot ni harold, dahil naka all white jersey uniform ito. Tinapunan lang ako nito ng saglit na tingin, bago humarap sa mga kasama nya. Taas ng grandstand "Grabe! Naman kayong maka PDA, dinaig nyo pa sina chillet at Ranniel."-si Monica. "Sinabi mo pa!" - sang ayon ni kc. Nagulat ako sa pag sang ayon ni kc, kaya lumingon ako dito pero isang tipid na ngiti lang ang sukli nya sakin. Mula sa taas ay kita namin sa baba na nagsisimula na ang try out ng basketball. "Kasama pala ang epal!"- si Monica. "Ano?"- si chillet. "Sabi ko may epal sa baba."- sabay turo gamit ang nguso ni Monica. Si Elaine nakaupo malapit sa nag ooperate ng oras sa game. May hawak itong towel at bottled water. "Syota ba yan ni Mendez.?"- tanong din ni Monica. "Temang! Sino bang tinutukoy mo?"-tanong ni chillet. "Ayun o si Nantes, teka'! Tinawag mo kong temang!"- si Monica na hinarap si chillet. Nag peace sign si chillet kay Monica. Wala akong masabi kaya tumahimik na lang ako dahil di ko naman alam kung anong meron sa dalawa, kung mag syota ba sila o ano, wala naman akong pake! Wee! Wala daw pake! E halos lutang ka nga! ng malaman mong ibinigay pala ni DA kay Elaine ang egg sandwich mong pinaghirapan mo pang gawin. Nanahimik na lang ako sa sumbat ng isip ko, dahil me katotohanan naman talaga! Nag aasaran pa ang dalawa sa tabi ko, samantalang itong isa sa kabila ko ay tahimik, sos! Kaya pala tahimik may nakasalpak na earphones sa tainga. Tumingin sakin si kc at inilagay sakin ang isang earphone. Naka connect ang earphones sa isang Portable music player. 🎵You and I cannot hide The love we feel inside The words we need to say I feel that I Have always walked alone But now that you're here with me There'll always be a place that I can go... Suddenly our destiny has started to unfold When you're next to me I can see The greatest story love has ever told..🎵 Biglag nawala ang tunog, dahil pala tinanggal nina chillet at Monica ang earphones sa tainga namin ni kc at sa kanilang mga tainga inilagay. Pinabayaan ko na dahil tapos na rin pala ang try out nina Harold dahil nakita kong pumapanhik na ito at papalapit sakin. "Zamee bf mo ba talaga yan?, akin na lang!"- si Monica na ibinalik pala ulit kay kc ang earphones. "Sure!"- sabay tawa ko. "Naku! Buti kong type ako nyan, e mukhang bet na bet ka!" -si Monica. "Tapos na kayo? Ano nakapasok ka ba?."- tanong ko ng makalapit ito sakin. Umupo paharap sakin si Harold. "Oh my juice! Zamee bibili muna kami food." -si Monica na isinama sina chillet at kc. Naiwan kami ni harold kaya lumipat ng upo ito sa kaliwang gilid ko. "Ano! Pasok ka ba?" - tanong ko ulit dito, pero hindi ito sumasagot nakatawa lang ito sakin na parang binibiro ako. Sinuntok ko ito ng mahina sa dibdib. Aray!! Ako pa nga nasaktan, matigas e. "Oo, nakapasok ako at bukas ng hapon ang start ng practice..panuodin mo ako ha!"- si Harold na hawak ang kanan kong kamay na pinansuntok ko sa kanya. Habang hawak ang kamay ko ay nakatingin sakin si Harold nakangiti sya pero biglang sumeryoso. Anak ng pusit! Bakit pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko. "Maga pa rin mata mo? Sino bang nagpaiyak sa besy ko?"- dumampi ang kanang hinlalaki ni Harold sa kaliwang mata ko. Tumungo ako, para itago ang namumulang mukha sa hiya. "Harold, tigilan mo ako sa ganyan mong style!" - saway ko at sinimangutan ito. Alam ko malambing at may pag aalala ang boses nya pero maya-maya lang ay siguradong pang aalaska na ang kasunod noon. One time kasi, last year. Third year student kami ng namaga din ang mata ko sa pag iyak. Mata touch na sana ako sa concern ng boses nya, pero saglit lang ng maniwala na ako e! Bumunghalit ng tawa at sinabing mukha daw akong panda. Nang mahalata nito na alam ko na ang mudos nya. Bigla itong tumawa ng malakas kaya medyo naagaw namin ang pansin ng ibang mga tao sa taas ng grandstand. Tinapik ko sa braso si harold para sawayin sa malakas nitong pagtawa. "Sarap mo talagang asarin, ganda mo!" -pinang gigilan pa ako ng pisil sa pisngi. Mabilis kong tinapik ang kamay nito at tiningnan ng medyo malungkot at nakausli ang nguso. Sa ginawa ko nakita kong namula ang dalawang tainga nito at nanlaki ang mga mata. Ng makita ko ang ganung reaksyon nito ay ako naman ang napatawa ng malakas na muli ay naka agaw ng pansin sa iba. Mahina na ang tawa ko, nakalapat pa nga sa tiyan ko ang palad ko, dahil piling ko pag hawak ko iyon ay mapipigilan ang muli kong pagtawa ng malakas. "Gutom ka na?" - biglang tanong ni Harold ng makabawi sa reaksyon nya kanina. "Oo, hindi ako nakapag almusal kanina e."- nakalabi kong sumbong dito. "Naku! Salawahan, tigilan mo ako ng ganyan mo, nang gigigil ako sa labi mo, pag yan nahalikan ko... Natigilan kami pareho sa isat isa at nagkatinginan, sabay mabilis na paling ng tingin sa ibang direksyon. "Tara na nga!" Sabay hawak sa kamay ko at bababa na sana kami pero ng maalala ko ang paper bag kong dala ay pinigilan ko si Harold para kunin muna ang paper bag. Magkahawak kamay kaming bumaba ng hagdan ng grandstand, inagaw pa nito sakin ang paper bag, sya na daw magdadala. Sa ilalim ng grandstand ay may mini canteen. Kaya doon kami nagpunta ni Harold. Nakita ko sina kc at chillet pero wala si Monica. Nilapitan namin ang dalawa. "Daya nyo! Di na kayo bumalik, asan si Monica?" - tanong ko pero di sumasagot ang dalawa dahil naka pokus ang tingin ng dalawa sa magka hawak naming kamay ni Harold. Nahihiya akong binitawan ang kamay ni harold, nagtaka pa ito kung bakit? Pero sinimangutan ko lang ito. Nakasanayan na kasi namin ni Harold ang ganun. Ang sobrang closeness sa isat-isa at wala yong malisya saming dalawa. "Si Monica? ayon asa clinic."-sagot ni chillet. "Ano! Bakit? Ano nangyari?"- nag aalala kong tanong. "Oops!! Kalma!"- si kc. "Sinamahan nya si Russel."- sagot ni chillet na sumipsip sa hawak na orange juice. "Sino naman si Russel?"- taka kong tanong. "Kambal ni Rustan."- si kc na kumagat sa hawak nyang burger. "May kakambal si Rustan?"- tanong ko. "Oo, si Russel."- si chillet na sumipsip ulit sa orange juice. "E nag aano nga sa clinic si Monica?"-ako. "Sinamahan nga si Russel."- si chillet ulit. "Stop!!"- saway samin ni kc. "Sinamahan ni Monica ang kakambal ni Rustan na si Russel dahil na injury sa try out kanina." -paliwanag ni kc pagkatapos lunukin ang kinakaing burger. "Friend nyo pala si Russel?"-sabat ni Harold samin, sabay bigay sakin ng ice tea at isang burger. Tumingin ako dito na parang nagtatanong, nakabili pala agad ito ng pagkain. Tinaasan lang ako ng balikat nito Nag thank you na lang ako dito. "Kilala mo si Russel?" - tanong ko kay Harold. Tumango lang ito dahil kasalukuyan itong sumisipsip sa straw ng binili nitong soft drinks. "Classmates kami nong first year."- si harold. "Na injury sila ni Mendez kanina sa try..- "Mendez?."- kabadong tanong ko. "Oo, Zameerain kasama si Drave sa na injur.. Hindi ko na pinatapos si kc na magsalita dahil tumalikod na ko at tinunton ang papunta sa clinic. Clinic Naabutan ko si Monica at Rustan na nasa labas ng clinic na tila nagtatalo. Pero agad silang huminto ng makita ako. "Nasa loob si Mendez tinitingnan din ng nurse."- wika ni Monica sakin. Tapos inirapan si Rustan. Gumanti naman ang lalaki ng masamang tingin. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Nakita ko ang dalawa na nakahiga sa tig isang kama, kurtinang puti ang dibesyon sa bawat higaan. "Classmates po ako ni Mendez."-pakilala ko ng makita ako ng nurse na kalalabas lang sa isang pinto. "Hindi naman grabe yong injury nya, kumpara kay Sanchez, pero kailangan nya pa rin magpahinga ng mga two days."- sabi ng nurse bago pumasok ulit sa nilabasang pinto kanina. Lumapit ako sa nakaputing jersey na alam kong si DA. Nakatakip sa mata nya ang likod ng kanan nyang palad. Dumako ang tingin ko sa kaliwa nyang paa na may bendang nakabalot. Ang isa namang paa nya ay may suot pang sapatos. Napasinghot ako dahil sa tumutulo kong luha. Ikaw na scammer ka, pinaiyak mo na naman ako. Marahan kong pinahid ng palad ang luha ko sa pisngi tapos dumako ang tingin sa mukha ni.. Napahinto ako sa pagpahid ng luha ko ng makita kong nakatitig sakin si DA. Para akong na estatwa dahil sa gulat o hiya? Hindi ko alam. Walang ni isa mang nagsasalita samin, nakatitig lang kami sa isat-isa na para bang nag uusap kami. Inilahad nya sakin ang palad nya na para bang sinasabi nyang lumapit ako sa kanya. Nang ganap akong makalapit ay hinila nya ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib nya. "Ayokong nakikita kang umiiyak, nasasaktan ako."-bulong nito na umabot naman sa pandinig ko. Anak ng pusit! Yung puso ko daig pa nag try out sa marathon sa sobrang bilis. "Scammer ka!"-mahinang sabi ko. habang nakasubsob pa rin sa dibdib nya. Sarap naman dito, wag na kaya akong umalis. Sige! Zameerain landi pa! Pag nakita ka ng gf nyan, yari ka. Speaking of the maharot!. Naririnig ko na sa labas ang boses nya. Kailangan ko ng umalis sa dibdib ng mahal ko. Mahal agad!! Kala ko ba crush lang? Charorott... lang. Pero aaminin ko sa sarili ko na iba na ang pakiramdam na ito. Masaya! Pero nakakatakot. Nakakatakot masaktan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD