Chapter 14 – Stephanie

1162 Words

(Zeke’s POV) Pagkababa niya sa sala ay naabutan niya roon ang kanyang kuya Bernard na tila lampasan ang tingin sa bintana. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi nito napansin na nakababa na siya at nakalapit na rito. “Kuya…” mahinang tawag niya sa pansin nito na agad namang nakakuha sa atensiyon nito. Umupo na siya sa mahabang sofa habang ito naman ay nakaupo sa pang-isahang sofa sa gilid niya. “Zeke… Here, let’s have a drink.” Iniabot nito sa kanya ang isang baso at sinalinan nito iyon ng alak pagkatapos ay nag-cheers sila at sabay na uminom. “Bigla ka yatang napauwi, kuya?” Tanong niya rito. Madalas kasi ay ini-inform siya nito kapag uuwi ito pero kanina ay hindi ito nagsabi. “Bakit, ayaw mo na ba akong umuwi?” pabiro naman nitong tanong. “Hindi naman sa ganon, kuya.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD