Unexpectedly, ang Daddy pa rin niya ang sumundo sa kanya na lihim niyang ikinadismaya. Anito ay babawi raw ito sa kanya dahil palagi na lang daw na ang Tito niya ang naghahatid-sundo sa kanya at nag-aalaga. Medyo nakakatawa lang, dahil kung kailan siya nagdalaga ay saka lang iyon naisip ng Daddy niya. “Kumusta naman ang pag-aaral mo, anak?” tanong pa ng Daddy niya habang bumibiyahe na sila pauwi. Medyo mabagal lang ang pagpapatakbo ng Daddy niya. Medyo naiinip tuloy siya dahil gusto na niyang makita ang Tito Zeke niya. “Ayos naman po ang pag-aaral ko Dad, kasali pa rin po ako sa Dean’s lister.” Proud niyang pagbabalita rito at ngumiti pa siya. “Mana ka talaga sa Mommy mo. Magaling din siya sa klase noong kabataan niya.” Nakangiti nitong kuwento. Ngunit agad ding nabura ang mga ngiti

