“I miss you!” Sinunggaban niya kaagad ng isang mainit na halik sa mga labi si Zeke nang pagbuksan siya nito ng pinto ng kuwarto. Inagahan talaga niya ang pagpunta niya para maabutan niya ito kung sakaling aalis ito. Naiwan naman sa labas ng bahay ang bodyguards niya dahil hindi na niya ang mga ito pinapasok sa loob. Hindi puwede noh! Paano sila makakapaglambingan ng mahal niya kung may mga bantay siya hanggang sa loob? Mabuti na lang at wala rin doon ang Daddy niya, o baka nakaalis na ito dahil wala roon ang kotse nito. “Ano’ng ginagawa mo rito Steph?” takang tanong ni Zeke matapos nitong hawakan ang mga balikat niya at ilayo siya ng bahagya mula rito. Siya naman ang nagtaka at napakunot -noo rito. Steph? Nasaan na ang sweetheart o baby? “Sorry na nga… Hindi ko naman alam na pupunt

