1 month. 1 month na niyang hindi nakikita si Zeke! Pinagbawalan na siya ng Lola niya na puntahan ito at ang Daddy niya at bukod doon ay palagi rin siyang busy sa pagti-training niya. Tapos, dinagdagan pa ng Lola niya ang bodyguards niya kaya hindi siya makatakas sa mga ito! At ang pinaka-masama, kagagaling lang kagabi sa kanila ng pamilya ni Francis at napag-usapan na nga ng mga ito na next week na gaganapin ang engagement party nila! Damn! Wala siyang magawa! Anang Lola niya sa kanya, kapag patuloy pa raw siyang nagmatigas na ma-engage kay Francis ay lalong mapapaaga ang kasal nila, magiging grounded rin siya at kukunin pa ang cellphone niya! Shit! Wala siyang laban sa kapangyarihan ng Lola niya. So she had come to make a new plan… a new plan para hindi matuloy ang engagement nila

