“Hi, Dad! Happy new year! Late ka na yata umuwi?” Mula sa pagkakakandong sa Tito Zeke niya kanina ay umupo na lang siya sa tabi nito nang maulinigan nila ang papasok na kotse ng Daddy niya. Sabi nito ay hapon ito uuwi pero buti na lang ay ginabi na ito dahil baka naabutan pa sila nitong nagkukulong sa kuwarto niya. Ngayon ay nanunuod na lang sila ng TV sa sala habang kinakain ang mga handa pa dapat kagabi, pero dahil sa kabusyhan nila ng Tito Zeke niya at dahil wala ang Daddy niya ay hindi nauubos agad ang mga pagkain. “Happy new year princess. Kanina pa dapat ako uuwi kaya lang ay ang daming customer sa store. Alam mo naman pag ganitong season ay nagkakaroon ng sale sa store. Nagulat nga ako na ang daming customers. Sinasamantala siguro nila ang malaking discount.” Nangingiting pa

