“Siguro naman deserve na nating magrelax ngayon, Steph. Ano, inom tayo?” Napatingin siya kay Lucille at nakita niya ang mala-demonyo nitong ngiti. Kakatapos lang ng huling araw ng exam nila kaya may lakas ng loob itong magyaya sa kanya ng inuman. Mukhang gusto na nitong isakatuparan ang matagal na nitong nirerequest sa kanya na mag-bar daw sila. Never pa siyang nakapasok sa bar. Underage pa kasi siya dati pero ngayon ay pwede na siyang makapasok sa ganong lugar dahil 18 na siya, samantalang si Lucille ay nakapasok na sa ganoong lugar ng isang beses. “Tayo lang ang iinom?” Curious niyang tanong. “Saan kayo iinom?” Sabay silang napalingon sa nagsalita. Si Francis pala iyon at narinig nito ang pag-uusap nila. Lumapit pa ito lalo sa kanila at tumayo ito sa harap niya. “Sama ka, Fra

