“Dad?” Kunot-noong napatingin si Steph sa Daddy niya dahil ilang segundo na itong walang kurap na nakatitig lang sa kanya. Pangalawang tawag na niya iyon pero kagaya noong una ay tila hindi nito narinig ang pagtawag niya at parang ang lalim ng iniisip nito para mapansin ang pagbuka ng bibig niya at ang nagtatakang tingin niya. “Dad?” pangatlong tawag niya na mas malakas kaysa sa una at pangalawa. Tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa para tuluyang kunin ang pansin nito mula sa kung anumang iniisip nito at dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. Nakaupo rin ito sa single sofa, may hawak itong magazine pero nakatitig naman ito sa kanya. Kumuha lang ng snack at drinks ang Tito Zeke niya sa kusina pero bigla na namang natulala ang Daddy niya. Hindi niya tuloy maiw

