“Haay salamat! Natapos din sa wakas ang exam! Bukas sem-break na!” Masaya pa siyang napatili dahil sa excitement! “Excited much! Ganoon ka ba ka-excited pumunta sa Boracay?” taas-kilay na tanong sa kanya ni Lucille habang pareho silang nagliligpit ng mga gamit nila. Exam nila kaya konte lang ang dala nilang gamit kagaya ng ballpen at kaunting papel. Ang nakabigat lang yata sa bag nila ay ang dala nilang mga pampaganda kagaya ng lipstick, press powder at blush on. Isama pa ang pabango at ilan pang gamit sa pagpapaganda kagaya ng suklay at hair polish. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang mag-effort sa pagpapaganda dahil mahal na mahal naman siya ng Tito Zeke niya. Ito kaya ang nagpalaki at nag-asikaso sa kanya mula pagkabata kaya nakita na nito ang pinakapangit na hitsura niya.

