Nang magising siya ulit ay umaga na base sa wall clock. It’s almost 8am at nandoon na rin ang lola niya. Nakaupo ito sa mahabang sofa habang may tinitingnan sa phone. Napatingin siya kay Zeke na nanatiling nakaupo sa upuan sa tabi ng kama. Nakatulog na ito roon at nakayukyok ang ulo sa gilid ng higaan niya pero hawak pa rin ang kamay niya. Bigla tuloy siyang napangiti nang mag-isa. Her sweetheart was really worried about her and their baby and that proves how much he loves her. “Ginising ko siya kanina pero hindi raw siya uuwi hanggat hindi ka kasama.” Napalingon siya bigla sa lola niya nang narinig niya itong nagsalita. Ibinaba na nito ang cellphone nito at saka tumayo para lapitan siya. Hinaplos nito ang buhok niya at hinalikan iyon. “How do you feel?” tanong pa nito nang hindi siya

