I received a invitation from Mickelberg family. They invite me for a coffee. And who am i to refuse?
It's my free time anyway. We don't have class because it's saturday.
" Lady Terry Sure ka ba talaga na kaya niyo na mag-isa? Delikado po sa eerie city. Maski ako ay takot pumaroon dun ng mag-isa " Liliane said halata ang concern sa mga mata niya. Eerie city is where mafias live. Writz and Mickelberg are there. May mga bali balita pa na duon rin nakatira ang ibang mafias na nagtatago lang sa dilim.
" Wag ka mag-alala liliane, Mag-iingat ako. Hindi na ako si Ozianna na kilala mo " I tried to convice liliane ngunit walang epekto. Natatakot paren to para sa akin.
Inayos ko ang bag ko. Ang dinala ang mga dapat kong dalin. it's better to be prepared than never after all Eerie city is know as Lions Den. Kailangan kong mag-ingat
"Sasamahan nalang kita Lady terry! I know how to fight naman kahit papaano"
" Magiging pabigat ka lang liliane. Stay here and help Mina. " Lumabas nako at wala naman nagawa si liliane. Mina is one of our employees. Kahit maraming staff sa store ay hindi talaga minsan kinakaya dahil sa dagsaan ng mga tao.
I looked at the gate of Eerie city. It's looks normal city. May mga taong kaniya kaniyang may ginagawa. May mga nagtitinda. But don't judge a book by it's cover. Lalo pa't binaba ako ng taxi dito sa gate, Hanggang dito lang daw ang kaya niya dahil he love his life. Delikado daw ang lugar na to. and he remind me to not trust anyone from this city or i might killed.
Everyone look at me then continue their own agenda. Tumingin lang sila sakin ng saglit at binalik na agad ang atensyon nila sa kaniya kaniya nilang ginagawa. Kinda weird
Aha!! Kaya pala kanina ko pa naiisip na may nakalimutan akong something! Gad
Hindi ko pala alam kung saan banda ang mansion ng mga mickelberg dito, Napakamot ako sa ulo ko dahil dun. Mukha na siguro akong ewan dahil sa hindi ako mapirmi sa isang lugar.
" Ineng mukhang may hinahanap ka ata? Napalingon ako sa ale na biglang sumulpot. Hindi ko siya naramdamang dumating or masyado lang akong focus siguro
" Do you know where the Mickelberg Mansion is? I asked. I really need to ask or aabutin ako ng gabing palakad lakad lang na hindi alam kung saan ang patutunguhan. Ang tanga tanga mo naman kase terry!!
" Mickelberg family? " The woman repeated. I nod and she speak
" Halika at ituturo ko sayo ang daan paroon sa Mansion ng mga Mickelberg " Tumango naman ako at sumunod sa matanda. I don't have any choice i guess? Hindi ko alam kung saan banda ang Mansion ng Mickelberg. Nagdududa man ngunit sumunod na lamang ako. Katulad na ngalang ng sabi ko ay wala akong ibang mapagpipilian.
Tahimik akong sumunod sa matanda. Medyo matagal tagal na rin kaming naglalakad. Wala rin masyadong taong nagkalat sa kalsada may iilan man ngunit titingin lang sa amin at magpapatuloy na ulit sa kanilang paglalakad. Hindi katulad kanina na sari sari ang nga tao sa daan may mga nagtitinda pa ng kung ano ano sa magkabilaang gilid ng kalsada.
Parami ng parami ng puno ang nadadaanan namin. Napatingin ako sa matataas na talahib. Kung kanina ay may mga bahay kang makikita ngayon ay wala na. Ang tanging makikita na lamang ay ang matataas na damo.
" Sumunod ka lang sakin ineng. Medyo malayo ang mansion ng pamilyang iyong hinahanap " I looked at the woman and i saw her smiles. Naiba rin ang tono ng pagsasalita niya. Napansin ko rin na tila may iilang taong sumusunod sa amin. Sa tansya ko ay nasa tatlo hanggang lima ang mga ito.
Huminga akong malalim at lumingon sa likod ko. And there nakita ko ang limang kalalakihan na nakasunod sa amin. Malalaki ang mga katawan nito at parang walang sa katinuan. Kitang kita ang pagkapula ng mga mata nila.
Lumingon ako sa matanda at nakitang nakangisi na itong nakatingin sa akin. Napatampal nalang ako sa noo ng marealize ang lahat. Tsaka lang sumagi sa isip ko ang sinabi ng taxi driver na don't trust anyone.
" Mukhang hindi mo ata alam ang lugar na ito miss at Mag-isa kang naglalakad lakad " The guy said. Nasa unahan siya ng apat na lalaki and i think he's the so called leader. Leader of adik in short sobrang pupula ng mga mata nila. Para silang mga nakadrugs pero di pa ata uso yun dito sa mundo ng novel kaya baka naka amoy lang sila ng rugby bwahahahahaha. Edi rugby boys pala sila? Bwahahahahaa great terry nagawa mo pa magjoke sa ganitong sitwasyon. You got some guts guys eh
" Ang swerte natin mga pare. Nakajackpot tayo. Tiba tiba ngayong araw! Yes " Sabat naman ng lalaking kalbo ngunit may kulay paren ang ulo nito. Kalbo na may kulay ang buhok? wow bago ito ha nice
" Anong tinatawa tawa mo ha? " galit na sabi ng lalaking may panot sa gitnang ulo nito. Ano ka si avatar? Sorry naman hindi ko napigilan yung sarili kong tumawa. Dahil katawa tawa naman talaga sila. Kung ako ang totoong Ozianna ay baka nga manginig nako sa takot at baka nga maihi pako sa suot suot kong Jeans. Hayy
Bawal ako mastress today. Ang ganda ganda pa naman ng outpit ko. Ilang oras ako namili ng damit na susuotin tapos masstress lang ako? Hayyy
Pinaghandaan ko pa ang pag- aayos sa sarili ko tapos ganito lang pala mangyayare? Hindi naman ako naorient na mahahagard pala ang ganda ko.
" Hoy Miss! Ano na. " the leader of rugby boys said. Baliw ata to eh. Anong ano na sinasabi nito? Iba talaga epekto ng rugby sa utak.
" Anong ano na? Aba siraulo ka pala e. Imbis kase na nasa mental ka e nandito ka nagrurugby sa gedli gedli " Kinuha ko ang maliit kong salamin at cheneck ang itsura ko. Anyways ang ganda ko paren.
" Walang hiya kang babae ka. Sugudin niyo! " sigaw ni shrek ay este ni kuyang leader ng mga rugby boys.
Iwas lang ako ng iwas dahil baka madikitan ako ng mga anghit nitong mga bwisit na 'to. Wala nakong mukhang ihaharap sa pamilyang mickelberg kung mag aamoy anghit nako. Nandun pa naman ang lead na bet ko.
Naglabas ng patalim si kuyang avatar na may poknat sa gitnang uluhan nito. Aba mukhang seryosohan na ito.
Winasiwas ni avatar ang kaniyang patalim sa akin na hindi manlang tumatama sa balat ko. Nagpapatawa ata to si avatar e. Nang makakita ako ng opening ay sinutok ko ito at sinipa.
Sa sobrang busy ko sa pakikipaglaban ay hindi ko namalayan na natamaan na pala ako ng patalim. Agad kong sinugod ang may gawa nito at pinatamaan ng sunod na sunod na suntok. I will never forgive you. You hurt ozianna face and you must be punish my dear.
Kinuha ko ang patalim kong nakatago sa loob ng damit ko. It looks like a normal knife but itsn't. Pinindot ko ang button na nasa gilid kaya ang knife na kaninang hawak ko ay naging Samurai na.
" Ikaw paano mo nagawa yan? " Gulat na sabi ng isa pang lalaki. Gulat na gulat itong nakatingin sa hawak kong samurai
" Baka magic? "
Galit na galit itong sumugod sa akin. May hawak itong kunai. Akmang sasaksakin niya ako ng mahawakan ko ang kamay niya. Nabitwan nito ang hawak niyang kunai at akmang susuntukin ako nito gamit ang isang kamay ng marealize ang balak kong gawen. Too late dude
" I...kaw.. "
" Anong ginawa mo sa kasama ko? " Gulat na sabi ng kanilang leader. Takot ang makikita sa mukha nito.
Sabay na sumugod ang dalawang lalaki sinipa ko ang isa at agad na winasiwas ang samurai sa katawan nito, Tumalon ako at binalik sa pagiging Patalim ang Samurai at hinagis yun sa lalaking papasugod sa akin. Bulls eye baby I clicked the button to make it samurai again. I smiled bago ibato ang samurai sa lugar kung nasan ang dalawang lalaking nakaluhod. Agad akong tumalon papalayo para maiwasan ang nagtatalsikang dugo. Sayang naman ang ilang oras na pamimili ko ng damit kung madudumihan lang diba? Ew
Grabe terry wala ka pareng kupas. Parang di ka namatay ha. I laughed.
" Pa... paano.... "
" You're not human " Dagdag pa nito. He looks scared but look at him. Nagawa niya pang sumugod but sadly hindi niya ako kaya.
" Parang awa mo n--- " forgiving is not in my vocubulary. Sorry not sorry
Tumingin ako sa mga katawang wala ng buhay. and count them. One.. Two.. Three .. Four.. Five..
Hmm kulang ng isa. I look at my surroundings But still didn't found the old lady who bring me here.
" Hey old lady where are you? Tell me wheres the mickelberg Mansion and I'll spare you " I shouted. She's hiding and she will come out soon or i will come to her after all alam na alam ko kung nasan siya nagtatago.
" Don't kill me please " lumabas ito mula sa likod ng punong kaniyang tinataguan. I smirked
" In the Top of Mountain Pleas----- " Ooh i guess mansion ng Mickelberg ang bahay na nasa tuktok ng bundok. Kitang kita iyon mula sa pwesto ko. Mukha itong malayo tingnan pero i think malapit lang ito.
Pinagpag ko ang damit ko at chineck ang itsura ko. I'm still pretty at mukhang walang naging engkwentro na nangyare maliban nalang sa nakuha kong sugat sa pisngi hayy. Kumuha ako ng band aid at agad na nilagay yun sa pisngi ko.
Bye boys see you soon. I guess this is not the last time we are seeing each other again. But not here. Maybe in hell?