EDITED VERSION
ALESSANDRA’S POV
“Sandra, anak. Gumising ka na,” rinig kong sabi ni mama saka marahan niyugyog ang balikat ko. Naalimpungatan ako at dahan-dahan binuksan ang mata ko.
Bahagya akong nagkusot ng mata saka nilingon ang orasan sa gilid ko. When I saw that it was still 5:45 in the morning ay napasimangot ako.
“Ma, bakit niyo naman po ako ginising ng ganito kaaga? Mamayang 7:00 AM pa po ang pasok ko,” nakabusangot na sabi ko saka mahinang napahikab dahil inaantok pa ako.
Balak ko sanang mahiga ulit para ipagpatuloy ang pagtulog nang pigilan ako ni mama.
Napabuntong hininga ako. “Ma, inaantok pa po ako. Let me sleep po, please?” magalang na sabi ko habang nakapikit.
“Hindi puwede anak. May tao sa labas. Kanina ka pa hinihintay,” aniya.
Nangunot naman ang noo ko. “Po? Pero wala naman po akong pinapapuntang tao rito sa bahay natin,” nalilitong tanong ko.
Hindi ko napigilan ang mapaisip. Sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras dito? Wala naman akong maalala na inimbitahan kong kaklase para bumisita sa bahay. Hindi rin naman puwede si Lalaine dahil hindi iyon marunong maghintay. Panigurado na kapag siya ang nagpunta rito, baka siya pa mismo ang mambulabog sa mahimbing kong pagtulog.
Tinaasan naman ako ng kilay ni mama. “Hay naku, ikaw talagang bata ka! Kaklase mo iyon. Kaya bumangon ka na riyan at maligo para harapin iyong bisita mo bago pa mainip iyon sa paghihintay sa’yo,” utos ni mama saka tinapik ang balikat ko kaya wala na akong nagawa kundi ang bumangon.
Kahit tinatamad ay nagtungo ako sa banyo para maligo.
Nakakainis! Sino ba kasi iyon? Istorbo masyado!
Binilisan ko na lang pagligo ko pagkatapos ay isinuot ko na agad ang uniform ko dahil halos pasado ala-syete na rin ng matapos akong maligo. Hinayaan ko na lang din na nakalugay ang mahaba kong buhok saka inipit ng clip ang gilid nito para hindi iyon magulo.
Nang masiguro ko na presentable na ang itsura ko sa salamin ay nagdesisyon na akong bumaba. Kaagad akong dumiretso sa sala bitbit ang bag ko. Nang medyo malapit na ako sa sala ay rinig na rinig ko ang boses ni papa na seryosong nakikipag-usap sa kausap niya.
“Sigudado ka ba hijo na kaklase ka lang ng anak ko?” Kaagad na bumilis ang t***k ng puso ko nang tuluyan akong makalapit sa sala.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. For a moment, bigla kong naisip na baka si Dwayne ang kausap ni papa.
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko nang dahil sa biglang sumagi sa isip ko. Idinaan ko na lang iyon sa tawa. Napaka-imposible naman kasi ng iniisip ko.
Ngunit bigla na lang ako nanigas sa kinatatayuan ko sa sunod kong narinig.
“Yes po, kaklase po talaga ako ng anak ninyo, pero, may balak po akong manligaw sa kaniya,” seryosong sabi ng kausap ni papa dahilan para manlamig ako.
Did I just hear his voice?!
Nagmadali akong naglakad papunta sa sala at halos malaglag ang panga ko ng makita na si Dwayne nga ang kausap ni papa.
Napaatras ako, eyes widened in surprise habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa habang kaharap si papa.
What the hell? Anong ginagawa niya rito?
“Tama ba ang narinig ko, hijo? Balak mong manligaw sa anak ko?” seryosong tanong ni papa kay Dwayne. He looks so calm. Nagawa niya pang ngumiti ngunit bago pa man niya maibuka ang bibig niya para sagutin ang tanong ni papa ay kaagad akong tumakbo palapit sa puwesto nila.
“Papa!” bigla sigaw ko. Hindi iyon masyadong malakas, sapat lang para makuha ang atensyon nila. Unang lumingon si papa, sunod si Dwayne na napangisi pa ng makita ako.
Hindi ko na lang siya pinansin saka tinapunan ng tingin si papa. Ngumiti naman ito. “Nandiyan ka na pala, Sandra,” nakangiting sabi niya.
Ngumiti naman ako pabalik saka nilingon si Dwayne na hindi man lang inalis ang tingin sa akin. I smiled at him, hindi nga lang genuine. “Good morning, Dwayne. May I know the reason kung bakit ang napadalaw ka?” pilit ang ngiti na sabi ko.
No matter how hard I try to think, I can’t seems to find the answer. Hindi ko alam kung bakit nandito siya ngayon at ginugulo ako.
Umayos siya ng upo, his eyes met mine, saka ngumiti ng pagkalaki-laki. “Nakalimutan mo na agad?” aniya.
Nangunot ang noo ko. “Nakalimutan ang alin?” nalilitong tanong ko. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya ba ako o mayroon talaga akong nakalimutan.
Naramdaman ko naman ang paghawak ni papa sa kamay ko. “Anak, partner mo raw siya sa project niyo sa isang major subject. He told me na gusto niyang sabay na kayong bumili ng materials na kakailanganin niyo sa paggawa kaya inagahan niya ang pagpunta rito sa bahay para sunduin ka,” nakangiting paliwanag ni papa.
Saglit naman akong natigilan. Nilingon ko si Dwayne na nakangising aso pa rin. Tinaasan ko siya ng kilay.
I can’t believe that he would ever lie to my father just to justify his unwanted visit. But since I know that there is nothing good would come out if I didn’t cooperate kaya pinilit ko na lang ang sarili ko na sumakay sa trip niya.
“Ah... that’s right. May usapan nga po pala kaming sabay na bumili ng materials,” pagsisinungaling ko.
I'm so sorry, Pa. But I’m more afraid to let you know kung ano ba talagang totoong relasyon namin ni Dwayne. I'm scared to tell you that he was the man who stole my innocence and the one I shared a passionate night with.
Ngumiti si papa. “Ikaw talagang bata ka. Mabuti na lang pala at nagpunta rito ang kaklase mo, kundi hindi ka makakapagpasa ng project mo,” sermon ni papa. “Sige na, lumakad na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase niya,” pahabol niyang bilin saka ako marahan itinulak para paalisin.
Tumayo naman si Dwayne. Naglakad siya palapit sa akin. Kinunotan ko naman siya ng noo ngunit kaagad na namilog ang mata ko nang hawakan niya ang bag ko at marahan na inagaw iyon saka isinukbit sa kaniyang balikat.
I stare at him, confused. “What are you doing?”
He smiled at me. “Isn’t it obvious? Edi binubuhat ‘yong bag mo,” pilosopong sagot niya.
Napansin ko naman na nagbago ang hilatsa ng mukha ni papa. Bigla itong sumeryoso habang nakatitig kay Dwayne na hindi man lang alintana ang masasamang tingin na ipinupukol sa kaniya ng tatay ko.
Pinandilatan ko siya. “Ibalik mo nga ‘yan sa ’kin. May bag ka naman, nang-aagaw ka pa,” kunwaring inis na sabi ko. I tried to snatch away my bag from him pero umatras siya at mabilis na iniwas iyon.
He winked at me. “Ayoko nga. Ako na ang magbubuhat nito para hindi ka mapagod,” aniya saka ako tinalikuran at nagsimulang maglakad palabas ng pinto.
Naiwan naman akong hindi malaman ang gagawin. I bite my lowerlip as I force a fake laugh nang lingunin ko si papa sa gilid. He was staring at me, his eyes were asking for an explanation pero pinilit kong maging kalmado sa harap niya.
“Pagpasensyahan niyo na po ‘yon si Dwayne. Mahilig po talaga ‘yon mang-akin ng bag ng may bag,” pilit ang ngiti na sabi ko.
Tinitigan naman ako ni papa. He looks like he is not a little bit convince na sinabi ko kaya nag-iwas na lang ako ng tingin dahil kanina pa nangangatog ang tuhod ko sa kaba.
“Sige po pa, alis na po kami,” mahinang paalam ko saka nagmadaling humabol kay Dwayne na kanina pa nakalabas.
Nang makalabas ako ng bahay namin ay naabutan ko si Dwayne na prenteng nakasandal sa pintuan ng kotse niya.
His lips quiver in a smirk. “I thought you were not coming out.”
Napabuntong hininga naman ako. I look at him straight into his eyes. “Can I ask you something?”
Natigilan naman siya ngunit agad din nakabawi saka ngumiti. “Sure, babe. What is it that you wanted to ask from me?” malambing na sabi niya.
Sinalubong ko ang tingin niya. “This. Why are you doing of all this?” nalilitong tanong ko.
“What do you mean?”
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. “I mean... what is the reason why do you have to come here? Why... do you keep bothering me when you’re the one who abandon me first?” napapaos na tanong ko. Halos ibulong ko ang huling katagang binitawan ko.
Ngumisi naman siya. “Isn’t obvious? It's because I miss you at gusto kitang makasama. But I know that you wouldn’t come to me if I just forced you, that’s why I lied.”
Natigilan naman ako. I couldn't help but stare at his handsome face. For a moment, I wanted to believe his words. I wanted to believe that he came here just to see me because he missed me, pero agad ko ring ipinilig ang ulo ko.
I know clearly what kind of man he is. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga matatamis niyang salita.
Nagpeke ako ng ngiti. “I didn’t know that you were such a good joker, Dwayne. Muntik na akong maniwala sa joke mo,” pabirong sabi ko.
Hindi naman siya natinag. Nanatili siyang nakangiti. “It’s fine if you don’t want to believe me for now. After all, it's all my fault why you think that way,” he said as he held my hand. “But don't worry because I can always prove to you, that I care for you, and that I miss you,” he sweetly said as he gave his charming smile, making my heart beat fast.
Nag-iwas na lang ako ng tingin. “Aren’t we leaving?” pag-iiba ko sa usapan.
“Oh, you’re right. We should be going now,” natatawang sabi niya saka ako hinila.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Hindi ko naman siya inimik at naupo na lang sa backseat nang hindi nagrereklamo. Sumunod naman si Dwayne saka dumiretso sa driver seat. He even winked at me bago nagmaneho pero inarapan ko lang siya.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. He was too focus on the road habang ako ay inaliw na lang sarili sa pagtingin sa mga nadadaanan naming gusali hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang flower shop.
“Why did we stop here?” curious na tanong ko at nakakunot noong binalingan si Dwayne.
“I have something to buy here,” he replied bago lumabas. Sumunod naman ako sa kaniya dahilan ayokong maiwan mag-isa sa kotse.
He went straight inside the shop. Tumunog ang nakasabit na hanging decorations kaya napalingon sa amin ang magandang babae na bantay. Nilapitan naman siya ni Dwayne habang ako ay nagtingin-tingin na lang sa mga bulaklak na naka-display to ease my boredom habang pasimpleng sinisilip si Dwayne sa peripheral vision ko.
I saw him bought a bonquet of flowers. His smile were big habang inaabot ang bayad sa cashier.
Napairap na lang ako. Siguro ay ibibigay niya ‘yan sa bagong babae niya. And I don’t know pero bigla na lang akong nainis when I imagine that he would give it to another girl pero hindi sa akin.
Ipinilig ko na lang ulo ko, slap my cheeks twice, as I erase the thoughts that I had just now.
Naramdaman ko naman may kumalabit sa balikat ko. “Let’s go, now. I'm done buying what I need,” aya niya.
Sinundan ko naman siya palabas ng shop saka dumiretso sa back seat. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan ay hindi ko napigilan magtanong.
“Para kanino ‘yan?” walang preno na sabi ko.
Natigilan naman si Dwayne. Nakita ko siyang ngumisi sa front mirror. “Why are curious? Don't tell me?” binitin niya ang sasabihin niya kaya inirapan ko siya.
“Huwag ka ngang malisyoso. Nagtatanong lang naman ako. Akala mo naman nagseselos ako,” defensive na sabi ko. Mas lalo naman lumaki ang pagkakangisi niya.
“So, nagseselos ka nga?”
Nagsalubong naman ng kilay ko. “H-Huh? When did I?”
“Just now, baby. You clearly said it. Nagseselos ka,” pilyong sabi niya.
My lips parted.
“What are you talking about? I didn’t. Hindi ako nagseselos,” mariin pagtanggi ko, mahihimigan ang inis sa tono ko pero binigyan niya lang ako ng ngiting nakakaloko.
“Alright. If you say so,” asar pa niya kaya napasimangot ako.
Nakita ko naman sinilip niya ako mula sa front mirror. “Hey, are you sulking?” natatawang saad niya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. “Stop pouting your lips, baby. Baka hindi ako makapagpigil, makahalikan kita sa lips,” nakangising sabi niya dahilan para mapatakip ako sa labi ko.
“Pervert!” nanlalaki ang mata na singhal ko but he just laugh at me.
Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling na lang ulit ang tingin sa labas nang magsimula na siyang magmaneho.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko natanaw ang building ng school namin. Kaagad akong umayos ng upo habang may sinusupil na ngiti sa labi.
Finally. Matatapos na rin ang paghihirap ko. I reach for the handle para sana mauna ng lumabas but it was locked. Nakita ko naman lumabas si Dwayne at umikot papunta sa puwesto ko saka ako pinagbuksan ng pinto.
He even laid out his hand, as if he wants to support me like a real princess. Saglit ko naman tinitigan ang kamay niyang nakaabang saka siya dire-diretsong nilagpasan. But I immediately stop when I remember something. Kaagad akong umikot at naglakad pabalik sa kotse ni Dwayne.
Napangisi naman siya habang pinapanood akong naglalakad palapit sa kaniya.
I raised an eyebrow.
“Bakit nakangising aso ka riyan?” sita ko sa kaniya.
Nagpamulsa naman siya sa harap ko. “Well, I'm just happy. Because I realize na hindi mo pala ako kayang tiisin,” aniya.
Pagak naman akong natawa. “What are you talking about? I'm just coming back dahil nakalimutan ko ang bag ko. Hindi dahil sa ’yo,” masungit na sabi ko saka pabalang na kinuha ang bag ko sa kaniya.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong hawakan sa kamay saka sapilitan pinahawak sa akin ang binili niyang bungkos ng bulaklak kasama ang isang imported na chocolate.
“Hold it for a moment for me,” utos niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Ako pa talaga ang pinahawak mo?” inis na reklamo ko ngunit agad din akong natigilan nang akbayan niya ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.
“Stop complaining, Sandra. Mali-late na tayo,” aniya saka ako marahan hinila kaya wala akong nagawa kundi ang maglakad. Hindi ko rin magawang alisin ang pagkakaakbay niya dahil yakap-yakap ko ang bag ko habang hawak ng isang kamay ko ang bulaklak at chocolate kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin.
Umangat naman ang sulok ng labi niya. “Hey, dahan-dahan naman sa pagtitig, baby. Kung laser lang ‘yang mata, baka kanina pa naputol ang braso ko,” biro niya kaya napairap na lang ako at nagfocus sa daan.
Hindi ko na lang siya pinansin. I acted as if he doesn’t even exist. Nang malapit na kami sa classroom ay huminto ako saka siya hinarap.
I glare at him as I shove him the thing he ask me to hold. Both the flowers and the chocolate. Aalis na sana ako nang hilahin niya na naman ako. Inis ko naman siyang nilingon pero agad din nagsalubong ang kilay ko nang bumungad sa akin ang bungkos ng bulaklak.
“What are you doing?” iritableng tanong ko.
I don’t know if it was due to pregnancy, pero kanina pa talaga ako naiirita sa kaniya to the point that I want to punch his face. Nakakairita.
Nginitian niya naman ako saka kinuha ang kamay ko at muling pinahawak sa akin ang bulaklak. “Para sa ’yo talaga ‘yan,” nakangiting sabi niya.
Ginulo niya pa ang buhok ko saka ako kinindatan bago ako tinalikuran at iniwan nakatulala. Bumaba ang tingin ko sa bulaklak kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko.
Why does he always do things that would make me confused?
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
I hate him. I hate him for making me feel special kahit na alam kong hindi iyon genuine.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko saka dumiretso sa loob ng classroom. Dumiretso ako sa upuan ngunit hindi pa man din ako nakakaupo ay inulan na ako ng tanong ng bestfriend ko.
Si Lalaine.
“Hep! Hep! Kanino galing ‘yang bulaklak na ‘yan?” Pinanliitan niya ako ng mata.
“Oo nga, Alice. Kanino galing ‘yan pati ‘yang chocolate? Did you receive it from your secret admirer? Nagseselos ako,” madramang sabi ni Kuya Calvin. Nakanguso pa siya na parang batang nagmamaktol dahil naagawan ng candy.
Hindi ko naman sila agad sinagot. Inilapag ko muna ang bag ko at naupo bago ko sila hinarap.
I let out a heavy sigh bago ko ibinuka ang bibig ko. “B-Both the flowers and the chocolates... it was given to me by Dwayne,” nag-aalangan na sabi ko.
“What?!” nanlalaki ang mata na sigaw ni Lalaine dahilan para lingunin kami ng iba naming kaklase.
Sinenyasan ko naman siyang hinaan ang boses niya kaya agad siyang nag-peace sign.
“Pero seryoso? Did he really give these to you?” pahabol pa ni Lalaine.
Tumango naman ako kaya mas lalong nanlaki ang mata niya. “O.M.G! Is he courting you?”
Umiling naman ako. “Hindi ‘no. Sadyang trip niya lang akong pagtripan,” nakairap na sabi ko.
“Anyway. Puwedeng akin na lang ‘yan, sis? Hindi ka naman kumakain ng chocolate diba?” Bahagya niya pang pinunasan ang gilid ng labi niya. Napailing naman ako saka kinuha ang chocolate.
“Here. You can have it,” I said as I extend the chocolate towards her kaya agad na nagningning ang mata niya. “But are you sure kakainin mo ‘to? You know. Si Dwayne ang nagbigay nito, which the one you hate the most,” pahabol kong sabi.
Kaagad naman naglaho ang ngiti sa labi niya. “Nakakainis ka naman, Sandra eh! Bakit pinaalala mo pa,” nakasimangot na reklamo niya habang padabog na pumapadyak-padyak.
Natawa naman ako ng hindi na niya kinuha ang chocolate. Itinulak niya pa ang kamay ko palayo kaya napailing-iling na lang ako. Lumapit naman si Kuya Calvin saka inagaw ang hawak ko pati na rin ang bulaklak kaya nagtaka ako.
“What are you going to do with that, Kuya Calvin?” I asked.
Tiningnan niya naman ako. “I'm going to throw these away,” seryosong sabi niya. “From now on, don’t accept anything na ibibigay ng Dwayne na ‘yon. If you like flowers, then, just says so, I will be more willing to give it to you, kahit araw-arawin ko pa,” malambing na sabi niya.
Saglit naman akong napatitig sa gwapong mukha ni Kuya Calvin saka palihim na napangiti but I just brush off what he said. Tumalikod naman siya kaya sinundan ko na lang siya ng tingin as he walk towards the trash bin. Akala ko ay itatapon na niya talaga ‘yong bulaklak pero agad na umangat ang isang kilay ko nang umikot siya paharap at ibinigay iyon sa magandang babae sa second row.
Napairap ako. I thought he changed, but he is still the same.
Playboy pa rin.
Inilipat ko na lang ang tingin ko sa harap. Maya-maya pa ay dumating na rin ang teacher namin kaya agad akong umayos ng upo at kumuha ng notebook. Nakinig na lang ako hanggang sa matapos na lang ang klase nang hindi man lang pumasok si Dwayne.
Nagkibit balikat na lang ako. Bakit ko ba hinahanap ang isang ‘yon? Ano bang pakialam kung hindi siya pumasok? Hindi naman grades ko ang maaapektuhan kundi sa kaniya.
Nagligpit na lang ako ng gamit dahil tumunog na rin ang bell. Kaagad naman lumingkis sa braso ko si Lalaine at hinila ako palabas ng classroom. Katulad ng dating gawi, pinaupo na naman niya ako pagkarating namin sa canteen at siya na raw ang oorder ng pagkain namin.
Tahimik lang akong naghihintay sa upuan ko nang may kumalabit sa akin. Nang magbaba ako ng tingin ay bumungad sa akin ang isang cute na batang babae. I learn that she was an elementary student dahil sa suot niyang I.D.
“Do you need something from me?” maingat na tanong ko. I smiled at her. Ngumiti rin naman siya pabalik pero hindi niya ako sinagot. Nangunot pa ang noo ko nang bigla niya akong yakapin pagkatapos ay kumaripas ng takbo paalis.
Weird.
Nagkibit balikat na lang ako saka nagpangalumbaba. Sakto naman dumating sina Lalaine at Kuya Calvin dala ang order nilang pagkain.
“Did something happen while we were away?” curious na tanong ni Lalaine.
“There is nothing special. May yumakap lang sa akin na bata. Hindi na nga nagsasalita eh.”
“Huh? Bata?”
Tumango naman ako. “Yeah. I think she was in 6th grade?”
Saglit naman natigilan si Lalaine. “Ah... baka ‘yong kapatid ‘yon ni Dwayne.”
My brows furrowed. “Paano naman naging kapatid ‘yon ni Dwayne?”
Nagbukas naman siya ng pagkain saka kumagat doon. “Eh sabi mo kasi hindi nagsasalita tapos bata pa, edi kapatid nga ni Dwayne ‘yon. Hindi naman basta-basta nagpapasok ‘yong school natin ng kung sino-sino lang not unless anak siya ng may-ari ng school,” mahabang paliwanag ni Lalaine sabay kagat ulit sa kinakain niya.
Napaisip naman ako. She has a point. Ngayon lang nag-sink in sa akin na anak nga pala ng may-ari ng school si Dwayne kaya malaya niyang nagagawa lahat ng gusto niya. Even making out inside the classroom.
Itinikom ko na lang ang bibig ko. Hindi na ako ulit nagtanong pa. Kahit na may parte sa isip ko na gustong itanong kung bakit niya ako niyakap.
Napabuntong hininga na lang ako. Magbubukas na rin sana ako ng pagkain na napili ko nang biglang magsalita si Kuya Calvin sa gilid ko.
“Wait... hindi ba’t si Dwayne ‘yon?” Napalingon naman ako sa itinuro niyang direksyon na agad ko rin pinagsisihan.
Sana pala hindi na lang ako lumingon. Edi sana hindi ko siya nakikita ngayon na masayang nakikipagtawanan sa bago niyang babae.
I smiled bitterly as I felt that there were millions of daggers piercing through my heart while I watched him smile with someone else.
Kinagat ko na lang ang ibabang labi as I turn my gaze away from him, trying to forget the useless emotions that are starting to consume me. Because I know that if I hold on to it, I will be the only one who will be left heartbroken.
“Hey, Sandra.”
Bahagya ko naman nilingon si Kuya Calvin. “Hmm?”
He smiled at me. “Have you decided kung kailan mo gustong magpakasal sa akin?” seryosong tanong niya.
Napaawang naman ang labi ko.
“Huh?”
Nilapit naman niya ang upuan niya sa akin. He lean forward saka ngumiti while looking at me.
“Didn’t I tell you that I wanted to be the father of your child? So, I am asking you right now if when do you want us to hold the wedding, because I can’t wait to be your husband—aray!” Napahawak siya sa ulo niya ng batukan siya ni Lalaine. “Bakit mo ako binatukan?” parang batang reklamo niya at umarteng naiiyak.
Sinamaan naman siya ng tingin ng pinsan niya. “Kasi puro ka kalokohan!” inis na singhal ni Lalaine kay Kuya Calvin.
“You’re being too mean, Lalaine. How did you know na kalokohan lang lahat ng sinasabi ko? Can’t you even see that I’m being sincere right now? Gusto ko talagang maging ama ng anak ni Sandra at maging asawa niya,” seryosong paliwanag niya habang ang kamay ay nakahawak pa rin sa ulo at marahan iyon hinihimas-himas.
Napairap naman ang kaibigan ko. “Ha? Sinong niloko mo?” pagtataray pa ni Lalaine at akmang babatukan ulit ang pinsan niya nang mabilis kong pinigilan ang kamao niya. I held it tight as I shrug my head as a sign of disapproval.
“Stop hurting him, Lalaine,” awat ko sa kaniya saka nag-angat ng tingin kay Kuya Calvin. I smiled at him, eyes filled with sincerity. “I'm grateful for your offer, Kuya Calvin. But I don’t think I can accept it,” binitin ko ang sasabihin ko saka huminga ng malalim. “You’re a nice guy, Kuya Calvin. That’s why I don’t want to ruin your life by passing this responsibility to you. Hindi mo kailangan akuin ang responsibilidad na hindi naman sa ’yo.”
Napatitig naman siya sa mukha ko. His lips parted, eyes filled with admiration. “s**t! Akin ka na lang, please? I promise I would never hurt you, Sandra.”
Nabigla naman ako. His reaction was so random that I couldn't help but laugh.
“Why are you laughing?” curious na tanong niya, hindi niya inalis ang tingin sa akin na para bang anytime maglalaho ako sa paningin niya.
“Because you’re just too cute, Kuya Calvin. What’s with that reaction? You are so random,” natatawang sabi ko.
Napanguso naman siya. “You’re so mean, Sandra. How could you treat my sincere heart like this? I was being serious earlier, yet for you, it was just a spectacle? I'm hurt.” Nag-cross arm siya sa harap ko saka umarte na nalulungkot.
Napairap naman si Lalaine. “Puwede ba, tigil-tigilan mo ‘yan pagdadrama mo Kuya Calvin. Hindi bagay sa ’yo. You look like...”
“I look like what?” naiinip na sabat ni Kuya Calvin.
Nagkatingin naman kami ni Lalaine saka sabay na sumagot. “Mukhang ewan?” nang-aasar na sabi namin.
Napasimangot naman siya lalo at bigla na lang tumayo saka dire-diretsong lumabas ng canteen habang naiwan kami na naiiling-iling.
Mukhang totoong nagtampo na nga sa amin si Kuya Calvin. Hindi naman kasi niya ugali na magwalk-out.
“Don’t mind him. Babalik din ‘yon mamaya,” unbothered na sabi ni Lalaine.
Tumango naman ako saka bumaba ang tingin sa manipis kong tiyan. I caressed it gently.
I wish I could just easily turn back time, and choose someone better to be the father of my child. But I know that I can’t.
I sighed heavily as I gazed upon Dwayne who was passionately kissing the girl in front of him.
I smiled bitterly.
Parang kanina lang, I was the one who he was whispering sweet words with, and now, he was kissing someone else, making me realize that he was indeed a womanizer.
That’s why I'm too scared to let him know the truth because I already know that he is a man with a lot of love to share, but too busy to care.
Even right now, kahit hindi ko pa inaamin ang katotohanan, I felt like I would be rejected right away. Because everyone knows that he doesn’t want to commit.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko saka nag-iwas ng tingin at tumungo sa mesa.
“I hope he can make an exception for me like I can be the only girl who he would want to commit with.” I smiled, tears welling up in my eyes. “And I wish he would,” mahinang bulong ko saka tuluyang isinubsob ang mukha sa mesa.