7

1946 Words
LALAINE'S POV. Naglalakad na kami ngayon sa hallway.Hawak ko yung kamay ni Sandra kase inaalalayan ko siya. Kanina kase ng sinundo namin siya sa bahay nila naabutan namin siyang nagsusuka. Morning sickness.Alam ko rin na hindi magtatagal at makakahalata na rin sila tita sa mga pagbabago kay sandra. Sobra akong nakokonsensya.Siguro nga hindi niya sinisisi sa nangyari pero pakiramdam ko kasalanan ko.Ngayon may nakapatong pang mabigat na responsibilidad sa kanya. Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at huminga ng malalim habang sapo niya ang ulo niya. "Aish!Nahihilo na naman ako"Agad ko naman siyang inalalayang maglakad.Science na ang susunod naming klase kaya papunta kami ngayon sa Locker namin para kunin dun ang libro namin. Yung pinsan ko naman nauna na sa room.Siya na rin yung nagbitbit ng bag namin.Hindi na nakabalik. Agad ko namang binuksan ang locker at kumunot lang ang noo ko ng makakita ng papel doon.Kinuha ko naman iyon at binasa 'Kung ako sayo.Lalayuan ko na si Sandra.Kung ayaw mong madamay'Napailing iling na lang ako. Nilingon ko naman si Sandra at halos lumuwa ang mata ko.What the hell. Halos mapuno ang locker niya ng ibat iban mga papel.Hindi naman siya gumalaw at nanatiling nakatitig lang doon. Bigla namang dumating si kuya Calvin at napansin ang pagkatulala ni Sanra. "Ano yan?Anong nangyari dito?"Walang sumagot samin.Nang tingnan ko naman sya nanginginig ang kamay niya at bigla na lang siyang nabuwal sa kinatatayuan niya. Mabuti na lang at nasa likod niya si Kuya Calvin kaya agad rin syang nadaluhan at nasalo. "Ayos ka lang"Nakita ko ang pag ngiwi niya at ang paghilot nya sa sentido niya. "Nahihilo ako at---"Agad siyag napatakip sa bibig niya at alam ko na kung bakit. Agad namin siyang inalalayan papunta sa rest room at agad na siyang nagsuka sa lababo. Hinagod ko naman ang likuran niya. "Hey,Huwag ka munang pumasok sa klase natin.Ieexcuse na lang kita.Masama ang pakiramdam mo" Nag aalala na kase ako sa kanya eh.Halos Araw araw ganyan na lang lagi.Isang buwan na rin ang tiyan pero hindi halata dahil siguro sa maliit siyang magbuntis. "Hindi na kailangan Lalaine.Baka magtaka--Bwack"Nagsuka na naman siya.Hindi na tuloy ako mapakali. "Sandra naman,You should go to clinic.Nag aalala na ako sayo eh" Nagmumog na rin siya at humarap sakin. "Kaya ko pa naman Lalaine,Ayokong magtaka sila tsaka masasanay rin ako.Ganito naman talaga kapag nagbubuntis dibah?" Nakangiting sabi niya wala sa sariling napatango na lang ako.Kahit kailan din matigas ang ulo nya. Bigla naman kaming nakarinig ng kalabog sa isang cubicle at halos manlamig ako ng makita roon si hariet.And traydor naming kaibigan. Agad ko namang nilingon si Sandra na natigilan rin at alam kong natatakot siya.Hindi kaya narinig ng malanding toh ang sinabi ni Sandra?No way!Tiyak na ipagkakalat niya iyon. "O.M.G!So totoo pala ang conclusion ko na buntis ka dahil halos araw araw kang nagsusuka"Tiningnan pa niya si Sandra ng puno ng panlalait at panghuhusga. "Akala ko pa naman iba ka sa kanila.Katulad ka rin pala nila at mas malala ka pa,nagpabunis ka pa.Sinong ama huh?"Mapang asar na sabi niya. "Wala kang ibang pagsasabihan nito hariet"Banta ko sa kanya.Nginitian niya lang ako ng malademonyo. "At bakit ko naman gagawin yun?Nah..Hindi ko kayang magpakaplastik noh!Malandi kase siya"Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya.Talagang sinasagad ng babaeng toh ang pasensyang meron ako.Ayoko sa lahat ay yung inaapi api ang mga taong importante sakin. "Hindi malandi ang kaibigan ko!Bawiin mo ang sinabi mo"Galit na singhal ko.Tinawanan niya lang ako at pumalakpak pa siya. "Oh talaga?Ano magtatanga tangahan ka na lang?Sinong matinong babae ang magpapabuntis sa ganyang edad?Psh!Maiwan ko na nga kayo.May ibabalita pa ako sa kanila.Babush" Inis na sinipa ko ang basurahan na malapit sa sobrang galit ko.Nang lingunin ko naman si Sandra ay nakayuko lang siya. Napabuntong hininga na lang ako.Hanggang kailan ba siya magiging tahimik?Hanggang kailan ka pa magtitiis? "Sandra,Para sa baby mo lang..Lumaban ka naman"Nag angat naman siya ng tingin sa akin at ngumiti. "Aamin na ako kay Dwayne"Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. - ALESSANDRA'S POV. Natigilan naman siya at napatitig sakin.Animoy gulat na gulat sa sinabi ko. "S-seryoso ka na ba dyan?"Tanong sakin ni Lalaine.Tumango naman ako. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko na kakaiba na yung nararamdaman ko para kay Dwayne. At kahit pilitin ko ang sarili ko na huwag umaasa sa mga pinapakita niya ay umasa pa rin ako. Nitong mga nag daang araw mas naging ma alaga siya sakin.Kaya nga hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong mahulog sa kanya. At ayoko mang umasa pero wala eh.Umaasa akong pareho kami ng nararamdaman.Sana nga. "Oo..Siguro naman it's time to tell him the truth" Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni lalaine at puno ng pag aalala. "Ayoko lang na masaktan ka pero sige.Kapag hindi niya tinanggap ang bata,Andito lang ako"Napangiti naman ako. "Salamat"Lagi naman kaseng nakasuporta sakin si Lalaine sa lahat ng bagay. "Asus,Para saan pa at naging mag kaibigan tayo?Tara na.Puntahan na natin ang daddy ng baby mo"Natawa naman ako at lumabas na rin kami ng rest room. Pagkalabas na pagkalabas namin ay dinig na agad namin ang mga bulungan nila. Nagbingi bingian na lang ako sa lahat ng naririnig ko.Hindi ako dapat magpa apekto sa kanila.Kaya ko toh. "Duh..Akala ko pa naman mahinhin" "May drama pa siyang pademure,malandi rin pala" "Naku!Ang kapal talaga ng mukha niya at hindi pa rin siya umaalis ng school na toh!Tsk tsk!" "Akala ko ba matalino siya?Bakit hindi niya naisip na masisira ang pag aaral niya?" "MALANDI!" Pikit mata kong pinakinggan lahat ng mga masasakit na salitang ibinabato nila sakin.Pakiramdam ko pa ay unti unti nitong tinatapakan ang pagkatao ko. Naramdaman ko na lang ang kamay ni lalaine na pinisil ang kamay ko.Napadilat naman ako at itinuro niya sa akin ang quadrangle. Nakita ko naman doon sila Dwayne pati na rin ng mga kabarkada.Sa tingin ko ay nagkakatuwaan pa sila dahil na rin sa ekpresyon ng mga mukha nila.Kapwa lahat sila ay nakangiti. Huminga muna ako ng malalim at naglakad na palapit sa kanila.Kaya mo toh Sandra!Kaya mo toh. Nakasunod lang sakin ang kaibigan ko.Nang makalapit ako sa kanila ay dinig na dinig ko na ang tawanan nila. "Kakaiba ka talaga" "Tsk.Tsk." Tumikhim naman ako para kunin ang atensyon nila.Nagtagumpay naman ako dahil napalingon silang lahat sa akin.Bigla akong napalunok ng bigyan nila ako ng mapanghusgang tingin.Hindi rin nagtagal at iniwas rin nila ang tingin nila. "May gagawin pa pala ako bro" "Ako rin.May practice pa pala kami ngayon" "Kailangan ko na palang umuwi.Hinahanap na ako samin" "Pinapatawag ako ni mr.Masons" Kanya kanya ng dahilan ang mga kaibigan niya at halatang iniiwasan ako.Mabilis pa sa kidlat na naglaho sila sa paningin ko.Biglang nanikip ang dibdib ko.Ang bigat bigat parin kase sa pakiramdam na pinadidirihan ka nila at hinuhusgahan without knowing the truth. "Dwayne"Biglang bigkas ko para agawin ang atensyon niya.Agad naman niya akong tinapunan ng tingin at para akong sinaksak ng paulit ulit ng puno yun ng panghuhusga at pang aalipusta. "Anong kailangan mo?"Walang emosyong sabi niya.Huminga muna ako ng malalim at nakailang lunok bago ako nakabawi ng lakas ko. "Gusto sana kitang kausapin"Lakas loob na sabi ko.Sinubukan kong basahin ang nasa isip niya pero bigo ako.Wala akong makitang kahit ano roon.Blanko lang iyon. "Tungkol saan naman Sandra?Psh!Sabihin mo na dahil nasasayang ang oras ko sayo"Ouch!Isang malakas na sampal sakin na wala siyang pakielam sakin.Isang malaking pagkakamaling umasa na naman ako.Isang napakalaking katangahang inisip ko na maiintindihan niya ako.Ang laki ko talagang tanga kahit kailan. Makailang ulit akong huminga ng malalim para humugot ng lakas ng loob. "Dwayne kase--Uhmm"s**t!Bakit hindi ko masabi?Ang hirap naman kase.Tiningnan niya lang ako ng walang emosyon at binitbit na niya ang bag niya. Mukhang aalis na siya.Humakbang na rin siya palayo kaya naman bigla na lang akong napasigaw. "BUNTIS AKO!"Natigilan naman siya at walang kaeffort effort na nilingon ako.Hinagod niya ako ng mapanghusgang tingin.Biglang mau sumikdong kirot sa puso ko.Mas masakit pala sa pakiramdam na maging ang taong mahal mo hinuhusgahan na rin pati pagkataong mayroon ka. "Oh?So totoo nga ang balitang buntis ka?"Napapikit na lang ako sa sobrang inis.Hindi niya pa rin ata nakukuha ang gusto kong sabihin. "Dwayne...buntis ako at--Ikaw ang ama"Nakita ko namang natigilan siya at kinunutan lang ako ng noo.Maya maya pa ay narinig ko ang malamyos niyang tawa. "Joke ba yun sandra?Alam kong buntis ka pero kahit kailan hindi magiging akin yang batang dinadala mo"Napaawang na lang ang labi ko.Alam ko naman.Pinaghandaan ko na na itatanggi niya ang bata pero bakit hindi tanggap ng sarili ko?Ang sakit! "Hindi ako nagbibiro dwayne.Ikaw talaga ang ama ng batang dinadala ko"Tumigil na rin siya sa pagtawa at umiling iling. "Ganyan ka na ba kadesperada sandra?Asan na ba ang ama niyan at sakin mo ipinapasa ang responsibilidad?"Bigla na lang namuo ang galit sa puso ko.'Sobra na talaga'Kapag hindi ko napigilan ang sarili ko ay masasampal ko na siya. "Asan ang ama niya?Ikaw!Ikaw yung tatay niya!Dwayne alam mong ikaw yung nakakuha ng virginity ko.Ikaw lang yung lalaking pinagkatiwalaan ko ng sarili ko.Kaya huwag mong sasabihin na hindi sayo ang batang dinadala ko kase kung hindi ikaw,Sino?Alangan namang ginawa ako mag isa dibah!"Pasigaw na sabi ko.Natahimik naman siya ng ilang sandali. "Fine!Okay!Siguro nga ako ang ama ng batang yan pero sandra,I'm sorry..Ayoko pang makulong sa isang responsibilidad.Marami pa akong gustong gaw---" *PAK* "Ayan!Dyan ka naman magaling eh.Ang magpakasasa sa mga babae.Talent mo yan dibah?Bakit pa nga ba ako magtataka eh dakilang man w***e ka nga pala.Ang tanga ko lang talaga para ibigay ang sarili ko sayo kase duwag ka naman pala" Hindi ko ugaling manumbat pero wala akong magawa kundi ang isumbat lahat sa kanya. "Sana naisip mo muna ang bagay na yun bago mo ginawa yun sakin" "Sana hindi mo ibinuka yan ng walang nangyari"Pagak ang natawa.Ako pa ngayon ang may kasalanan?Ang kapal din niya. "Oo,siguro nga hinayaan kitang makapasok sa buhay ko at makuha ang pinakaiingatan ko pero Dwayne.Akala ko kase okay na eh.Ano yung mga sweet gesture mo?Yung mga pag aalaga mo?Sabihin mo nga sakin.Totoo ba lahat yun o pinaglalaruan mo lang ako?"Lumuluha na rin ako habang nakatingin sa kanya.Napabuntong hininga naman siya. "Oo sandra!Tama ka.Lahat ng iyon palabas lang.Pinaglaruan lang kita.Pustahan lang ang nangyari"Hindi ko napigilan ang sarili kong masampal siya ulit.Nanghihina na ang tuhod ko.Walang tigil rin sa pagbuhos ang mga luha ko.Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. "Sa pangalawang pagkakataon umasa na naman ako.Haha!Ang tanga ko talaga.Sobrang tanga.."Tumingin ulit ako sa kanya na walang emosyon na nakatingin sakin. "Pero wag kang mag alala,Kung ayaw mong tanggapin ang anak ko bilang anak mo hindi kita hahabulin.Hindi kita guguluhin at pipilitin sa isang bagay na hindi mo naman gusto.Hindi na ulit ako magpapakatanga sayo.At kung inaalala mo ang bata wag ka na ring mag alala.Ako ng bahalang magpakahirap na buhayin siya total wala rin namang kwenta ang naging ama niya.Salamat na lang huh?Binigyan mo ko ng anak na hindi mo rin naman pala kayang panindigan"After that ay tinalikuran ko na siya.Ayoko na siyang makita pero mukhang malabo iyon dahil hanggat nasa iisa kaming unibersidada ay magkikita pa rin kami. Pinahid ko lang ang mga luhang kumwala sa mata ko at lumapit kay Lalaine na puno ng pag aalala ang mukha "Ayos ka lang ba Sandra?"Umiling ako at yumakap sa kanya.Ang sakit!Ang hirap lang tanggapin na itinaggi niya ang bata.Naaawa ako sa magiging anak ko pero kailangan kong maging matatag. "Sssshhh,Okay lang yan..Hayaan mo na siya.Wala naman siyang kwenta eh"Napatango na lang ako.Iginaya na niya ako paalis ng garden. Tama na Sandra!Tigil ka na.Masyado ng malalim ang sugat.Sobrang sakit na.Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ang kalimutan siya.Dahil hindi dapat nilaglagyan ng lugar sa buhay mo ang isang taong wala namang ibang ginawa kundi paulit ulit na wasakin ang puso mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD