ALESSANDRA'S POV.
Namumugto ang mata ko ng umuwi ako ng bahay.Pagkatapos ko kasing kausapin si dwayne ay bigla na lang akong bumulanghit ng iyak.
Ni hindi ako mapatahan ni kuya Calvin at lalaine.Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na umiiyak ng umiiyak.
Ang sakit sakit kasi eh.Ang bigat sa pakiramdam.Pinunasan ko na lang ang luhang tumulo mula sa mata ko.Hindi ako pwedeng makita nila mama na ganito ang kalagayan ko.Paniguradong magtataka sila.
Huminga muna ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto.Bigla akong kinabahan ng makita ko sila mama na seryoso na nakatingin sakin.Bakit parang pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari?
"Saan ka nang galing Sandra?"Tanong naman ni mama.Sinusuri niya rin ako kaya naman parang nangatog ang tuhod ko sa kaba.
"Sa school po"Sagot ko.
"Sa school?Eh alas otso na ng gabi!San ka talaga nanggaling huh?Wag kang magsinungaling"Halos mapatalon na ako sa lakas ng boses ni mama.May mali talaga eh.Hindi naman palasigaw si mama maliban na lang kung galit siya pero bakit naman siya galit?
"Pagkatapos ko po sa school nagpunta po muna ako kila Lalaine"Kalmadong sabi ko.
"Magsabi ka ng totoo Sandra!Ayoko ng sinungaling!"Halos pasigaw na sabi pa ni papa.Naguguluhang tiningnan ko sila.Iyon naman talaga ang totoo.
"Ma,papa...Nagsasabi po ako ng totoo,Kila Lalain po ako nagpunta"Pakiramdam ko ay maiiyak na lang ako.
"Sinungaling!"Nangunot lang ang noo ko.Bakit ba ayaw nila akong paniwalaan?Ano ba talagang pinupunto nila?Hindi ko kase maintindihan eh.
"Hindi po.Totoo po iy---"
*PAK*!
"Kailan ka pa natutong magsinungaling at lumandi huh!?"Napahawak naman ako sa pisngi ko na nasampal ni mama.Bigla na lang may tumulong luha mula sa mata ko.
"Ma?Ano po ba kaseng problema?Hindi ko po kase alam eh..Kanina pa ako naguguluhan"Naiiyak na tanong ko.Galit lang akong tiningnan ni mama.Ganun rin si papa.
"Anong hindi mo alam?Napakasinungaling mo talaga!Hindi ka namin tinuruan maging sinungaling at hindi ka pa talaga nakuntento at lumandi ka pa"Tuluyan na akong napaiyak ng sabunutan ako ni mama.
"Aray ko po mama,Tama na po...Aray!Ma,tama na please"Iyak ko habang pinipigilan siya.Ayoko namang manlaban dahil baka mas lalo lang akong masaktan.
"Bakit ka nagpabuntis huh!"Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni mama.Kung ganun,iyon ang dahilan kung bakit sila nagagalit sakin?
"Kaya po ba kayo nagagalit sakin ngayon?"Tanong ko.Natigilan naman si mama at pinakawalan na ang buhok ko.
"At talagang nagtanong ka pang bata ka!Malamang!"Umiling iling na lang ako at agad kong nilapitan si mama.
"Mama,maniwala po kayo sakin hindi ko po talaga ginusto yung nangyari,mama lasing po ak---"Napahawak na naman ako sa pisngi ko na nakatikim ng sampal mula kay mama.Ang sakit,pero mas masakit na hindi ako magawang paniwalaan ng sarili kong mga magulang.
"Kailan ka pa natutong uminom?At ngayon sa alak mo isisisi ang katangahan mo?Jusko naman Sandra!Naturingan kang matalino bobo rin pala"Ouch!Para akong sinampal dahil sa sinabi ng mama ko.Bakit kung makapagsalita siya hindi niya ako anak?Ang sakit lang na sa kanya pa nagmula ang mga salitang tumatapak sa pagkatao ko.
"Mama,please maniwala kayo sakin hind ko po toh ginusto!sorry po talaga"Iyak ko at akmang hahawak si mama ng tabigin niya ako.Sumalampak ako sa lapag.Tuluyan na akong napahikbi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Mama akala ko ba kahit anong mangyari nandyan kayo para damayan ako.Akala ko ba mama handa niyo akong alalayan sa mga panahong madadapa ako,mama...Bakit ganito?Tama na po please!Ayoko po ng nagagalit kayo sakin"Wala man lang akong ibang makita sa mga mata ni mama kundi galit at poot.Ganun ba talaga kasuklam suklam ang nagawa kong kasalanan para ituring niya ako na ganito?
"Sana naisip mo yan bago mo sinira ang kinabukasan mo!"Sigaw pa niya.Umiling iling ako.Hindi ko kayang tanggapin na hindi nila ako kayang patawarin.Hindi kapag magulang ay iintindihin ang anak nila?Hindi ba dapat sa mga ganitong pagkakataon ay tinutulungan nila akong bumangon pero bakit sila pa yung mga taong ibinababa ang pagkatao at dignidad ko.
"Ipalaglag mo ang bata,Iyan lang ang tanging paraan para mapatawad ka namin"Napanganga na lang ako at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.
"Ho?Pero papa,Kasalan po sa diyos iyon.Ayoko po"Hikbi ko pa.Kahit na nagkamali ako ay ayokong idamay ang anak ko.Hindi ko maaatim na ipalaglag ang anak ko.
"Napakatigas ng ulo mong bata ka!"Sigaw ni papa.Napaiyak na talaga ako.
"Ma,papa sorry na po..Patawarin niyo na po ako"Hikbi ko.Itinuro lang ni papa ang pintuan at halos madurog ag puso ko ng marinig ko ang sinabi niya.Sana nabingi na lang ako para hindi ko narinig ang sinabi niya ng sana naiwasan kong masaktan.
"Bukas ang pinto para sayo kung sino ka man.Wala akong anak na kasing dumi mo!Lumayas ka sa pamamahay ko!"Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at tumakbo palabas ng bahay namin.Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.Takbo lang ako ng takbo hanggang sa narating ko na ang subdivision kung saan nakatira si Lalaine.
Para akong zombie habang naglalakad papunta sa bahay nila Lalaine.Agad akong nag door bell doon at lumipas pa ang mga ilang oras ay pinagbuksan rin ako.
Nanlaki agad ang mata ni Lalaine ng makita niya ako.
"Oh my ghod!Anong nangyari sayo gurl?Ayos ka lang?"Umiling ako at bigla na lang yumakap sa kanya.Siya na lang ang taong makakapitan ko ngayon.Tinalikuran na ako ng mahahalagang taong inasahan kong masasandal ko sa panahon na lugmok na lugmok ako.
"Pasok tayo sa loob"Hindi ako nagsalita at nagpatianod na lang kay Lalaine papasok ng bahay nila.Agad naman niya akong pinaupob sa sofa at kinuha ng tubig.
"Hey..Look at me,maayos na ba ang pakiramdam mo?"Tiningnan ko naman siya at akmang magsasalita ako na 'OKay lang ako'Ng bigla na naman akong umiyak.Ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko ngayon eh.Hindi na pananagutan ni dwayne ang anak ko.Itinakwil pa ako ng magulang ko.Sino na lang ang malalapitan ko?Si Lalaine na lang ang natitira.
"Lalaine,Bakit ganun?Bakit hindi nila ako kayang intindihin?Bakit imbis na makinig sila sa paliwanag ko ay hinusgahan rin nila ako.Pinagsabihan ng masasakit na salita!Sinaktan!At ang mas malala,Itinakwil na nila ako bilang anak.Lalaine,paano na ako?Sino na lang ang kakapitan ko?"Agad naman niya akong niyakap at ramdam ko rin na umiiyak siya.
"Shhhh,okay lang yan.Wag mong isipin na mag isa ka.Nandito ako para alalayan ka.Palipasin mo muna ang galit nila.Baka sarado lang ang isip nila kaya nila nasabi yun.Tumahan ka.Baka mapano ka pa"Iyak lang ako ng iyak.
"S-salamat lalaine at nandyan ka para damayan ako.Kung wala ka,hindi ko na alam kung anong gagawin ko"Nginitian naman ako ni lalaine.
"Alam mo,Kahit wala ako ay alam kong makakaya mo toh.Ang lakas mo kaya!Tsaka,alam ko namang matatag ka.Hindi ka nga lang masalita kapag nakikipag tagisan ka.Instead,dinadaan mo sa pag iisip ng tama.At iyon ang hinangaan ko sayo kaya alam kong kaya mong lagpasan lahat ng toh!Ikaw pa ba?"napatawa na lang ako kahit na ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
At least nagagawa ko pa rin tumawa kahit alam ko na wala na akong matatakbuhang magulang dahil nga sa itinakwil na nila ako.
"Wag ka ng malungkot,papanget ka niyan sige ka"Biro pa sakin ni Lalaine.Napailing iling na lang ako at pinunasan ang luha ko.
"Baliw ka talaga!Kita mo ng nagdadrama ako eh"Inirapan naman niya ako.
"Duh,kaya nga pinapagaan ko eh.Ang bigat na kaya ng paligid dahil sa dinadala mo,tsaka panget sa buntis ang naistress.Baka maapektuhan ang baby mo"Natigilan naman ako at wala sa sariling napahaplos ako sa tiyan ko.
Napangiti na lang ako.Hindi ako dapat malungkot.May anak pa naman ako.Hindi ko dapat maramdaman na mag isa ako dahil nandyan pa naman siya.
"Ayan ngumiti ka lang para naman hindi ka magmukhang kawawa dyan.Anyway,Binabalak ko nga palang ipapatay yang ama ng anak mo dahil sobra siyang nakakainis"Napatawa naman ako.Kahit kailan talaga napakabrutal ng babaeng toh.
"Ang brutal mo talaga"Inirapan na naman niya ako.
"Bakit?Dapat lang yun sa kanya.Wala siyang karapatang gawin sayo yun noh.Kung ako ikaw,Malamang sa malamang nag iisip na ako na maghiganti sa kanya.Abah!Hindi ako papayag na ginaganun lang ako!Dapat ganun ka rin"
Napaisip naman ako.Masyado na ba akong naging mabait kaya ko nararanasan toh?Masyado na ba akong naging maintindihin kaya nila ako pinagmumukhang tanga?
Masyado na ba akong nabulag sa mga tunay na ugali nila?Bakit ngayon ko nga lang ba narealize na most of the time palagi na lang akong nagmumukhang kawawa sa kanila.At ngayon ko lang din napagtantong pinagtatawanan nila kapag nakatalikod ako.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng galit kay dwayne.Hindi gustong mag isip ng isan bagay na makakasakit ng kapwa pero bakit naiisip kong maghiganti sa kanya?
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko.Hindi Sandra!Hindi porket nakagawa sila ng masama sayo ay tutulad ka na rin sa kanila.Parang wala na rin akong pinagkaiba sa kanila kung gagamitin ko rin iyon sa kanila.
Napabuntong hininga na lang ako.Ayokong maghiganti dahil ayokong bumalik rin sakin.Hahayaan ko na lang na ang karma ang gumawa ng paraan para sakin.
"Alam ko yang nasa isip mo,minsan naman kase sandra isipin mo naman ang sarili mo hindi ang ibang tao.Huwag kaseng masyadong mabait!Kaya ka inaabuso eh"Sermon niya pa.Ngumiti lang ako.
"Mali ka Lalaine,Ayokong gumanti dahil alam kong baka bumalik rin iyon sakin.Hahayaan ko na lang na ang karma ang gumawa ng lahat ng iyon.Nang sa ganun walang masisisi dahil wala naman akong ginawang masama sa kanila"
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Lalaine at inis niya akong binatukan.
"Nakakainis ka talaga friend!Bakitbang bait mo?Anghel ka ata na nahulog mula sa lupa eh"Napatawa naman ako.
"Loko loko ka talaga"Nginitian niya lang ako at hinawakan ang kamay ko.
"Tara na,hatid na kita sa kwarto mo.Magpahinga kana"Tumango na lang ako.Dinala naman niya ako sa isang kwarto.
"Matulog ka Sandra Magpahinga,nandun lang ako sa kabilang kwarto"Tinanguan ko lang si Lalaine.Humiga na ako sa kama at ipinikit ko na ang mata ko.Hay!Nakakapagod rin palang umiiyak ng umiyak.Ang hapdi ng mata ko.
Nanatili pa akong nakapikit ng ilang segundo hanggang sa kusa ng bumigay ang katawan ko at unti unti na rin akong nilamon ng antok.Saglit akong nakaramdam ng pangamba at takot ng lamunin ako ng dilim.Pakiramdam ko ay nag iisa ako ngunit bigla na lang akong nakaramdam na may humaplos sa puso ko at napanatag na ang loob ko.