9

1611 Words
ALESSANDRA’S POV Inayos ko na lang ang mga gamit ko.Kanina pa kase ako tapos mag ayos ng sarili ko.Tumingin ulit ako sa salamin para icheck ang sarili ko.Halata pa rin ang pamumugto ng mata ko.Hindi kase ako nahinto sa pag iyak. Kagabi kase bigla na lang akong nagising sa dilim.Nakaramdam na naman ako ng takot. Bigla bigla ko na lang naalala ang ginawa nila mama at papa sakin.Itinakwil na pala nila ako.Itinanggi pa ng lalaking yun na siya ang ama ng anak ko. Biglang bumukas ang pinto at pumasoo roon si Lalaine na nakaayos na rin.Agad namang sumama ang timpla ng mukha niya ng makita niya ako.Nangunot lang ang noo ko.Bakit naman kaya?Lumapit naman siya sakin at agad na sinipat ang mukha ko. "Gosh!Sandra,ano bang ginawa mo?Umiyak ka na naman ba?Tingnan mo oh...Mukha ka ng zombie!"Galit na sabi niya.Hindi ko alam kung bakit over reacting ang isang toh.Ganun ba kabig deal na magmukha akong zombie?Bawal na bang umiyak ngayon. "Huh?Wala toh"Sabi ko na lang.Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako paupo sa kama. "T-teka?Anong gagawin mo?"Nagtatakang tanong ko.Nginitian niya lang ako na nagpakaba sakin.Agad naman siyang naghalungkat ng kung anu ano pa sa bag niya.Nakita ko namang napangiti siya at may inilabas roong make up kit.Mas lalong kumunot ang noo ko.Ano ba talaga ang gagawin niya? "Wait,para saan naman yan?"Kinakabahang tanong ko.Kase pakiramdam ko may binabalak si Lalaine sakin eh.Eto talagang babaeng toh.Pumwesto naman siya sa harap ko. "Me make-up-an kita.Don't cha worry,magalinh akong mag make up but hindi lang ako mahilig maglagay sa sarili mo"Sabi pa niya.Napailing iling na lang ako at hinayaan siyang simulan ang pagmemake up sakin.After few minutes natapos rin siya sa ginagawa niya.Ang lapad pa ng ngiti niya hanang pinagmamasdan ako. "Baka naman matunaw ako niyan Lalaine"Biro ko.Hindi pa rin mapuknat ang ngiti niya. "Gosh!Mas lalo kang gumanda sis.Mala dyosa ang face mo oh,Oh my gosh!Paniguradong maglalaway sayo si Dwayne"Sabi pa niya at pumalakpak pa.Napailing na lang ako sa kalokohan ng kaibigan ko.Sanay na rin ako sa pagiging abnormal niya. "Puro ka kalokohan Lalaine"Nakangiti kong sabi.Inirapan naman niya ako at inabutan ako ng salamin.Halos mapaawang ang labi ko.Muntik ko pang hindi makilala ang sarili ko dahil sa itsura ko ngayon. "Ako ba talaga toh?"Naniniguradong tanong ko.Mas naging blooming kase ako at fine!Mas gumanda nga ako.Magaling nga siyang mag make up. "Ayieehh!Di ba sabi ko naman sayo magaling ako pagdating dyan"Sabay kindat niya pa.Pinagmamalaki niya talaga ang nagawa niya. "Oo na!Eh bakit ayaw mong maglagay sa sarili mo?"Takang tanong ko.Natigilan naman siya at napasimangot.Umaandar na naman ang pagiging bipolar ng isang toh. "Ayoko nga!Kapag magmake up ako paano na yung hariet,s***h/Hitad s***h/Malandi.Panigurado etchapuwera na yun.Sayo pa lang nga walang wala ma ang itsura niya.Hindi naman kase siya maganda.At kapag dinagdagan ko pa,abah!Kawawa naman siya at baka magmukha na siyang basahan"Napatawa na lang ako sa sinabi niya.Sukdulan talaga ang galit niya kay Hariet dahil traydor ito.Maganda naman si hariet pero tama rin ang sinabi niya na mas maganda ako.Nahahawa na tuloy ako sa kanya.Ang taas na ng confidence ko na ipagyabang ang ganda ko. Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok doon si kuya Calvin.Nang mapatingin siya sakin ay nanlaki ang mata niya. "Woah?Aphrodite?Is that you?"Kumurap kurap pa siya habang nakatitig sakin.Kaya naman natawa na lang kaming pareho ni Lalaine. "Kabaliwan mo kuya,Si Sandra lang toh"Sabi naman ni Lalaine.Napanganga naman si Kuya Calvin at hindi makapaniwalang napatitig sakin. "Akala ko maganda kana,Hindi ko akalaing may igaganda ka pa"Puri pa niya.Inirapan ko na lang dahil wagas kung mambola. "Abah!Ako ata ang nag make up dyan." Napailing iling na lang ako.Nagulat pa ako ng lumapit sakin si Kuya Calvin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Pumapayag ka na ba sa offer ko na maging ama ng anak mo at asawa mo?"Natigilan naman ako.Ano daw? "H-huh?"Parang tangang tanong ko.Ilang beses na ba niyang tinanong yan.Sigurado ba siya?Akala ko kase nagbibiro lang siya. "Kuya!Ilang beses ko bang sasabihin na tigilan mo na ang pantitrip kay Sandra.Babayagan na talaga kita"Banta ni Lalaine.Halos mawalan ako ng hininga ng yakapin niya ako at may binulong. "Seryoso ako Sandra,ako na lang ang piliin mo"Pakiramdam ko nabingi ako ng mga oras na iyon.Totoo ba talaga yung narinig kong sinabi niya?Seryoso siya?Pero kase--- "Tara na Sandra,malelate na tayo,wag mo ng pansinin si kuya.Hindi lang iyon nakainom ng gamot"Tumango na lang ako. "Sumosobra ka na sa paninira sakin lalaine.Nagtatampo na ako sayo"Sabi pa ni kuya Calvin.Pinakitaan lang siya ng kamao ni Lalaine. "Pakielam ko naman sayo?Gusto mo sapakin pa kita dyan eh"Inis na sabi niya. "Naka amazona mo talaga"Komento niya. "TALAGA!Tara na nga sis,iwan na natin yang lalaking yan psh"At hinila na nga ako ni lalaine.Nagpatianod na lang ako.Hindi naman gaanong mabilis kaya ayos lang. Mabilis niya akong pinasakay sa kotse nila at hindi man lang hinintay ang pinsan niya. "Bakit di mo hinintay si Kuya Calvin?"Tanong ko.Hindi naman niya ako nilingon at diretso lang ang mata sa daan. "Hayaan mo yung bisugong yun.Nakakabwisit yun!Psh"Hindi na lang ako nagsalita.Mukha ngang badtrip talaga siya.Nang makarating kami sa school ay ipinark niya agad yun sa parking lot.Lumabas na kami ng kotse niya at naglakad na para pumasok sa room namin. Diretso lang ang lakad namin sa hallway ng mapansin ko lahat ng estudyante ay napapatingin sa gawi ko.Oo sa gawi ko,kulang na nga lang sumayad yung panga nila sa sahig eh. "Dude?Sino yan?" "Huh?Malay ko ba" "Mga ungas si Sandra lang yan"Nagkatinginan naman kami ni Lalaine at nginisian niya ako. "I told yah,Mas lalo kang gumanda"Sabi pa niya.Napailing iling na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Hindi ko na nga lang pinansin ang mga tumatawag sakin eh. Nang makapasok kami sa room halos lahat sila napahinto at hindi makapaniwang napatingin sakin.Maging si Dwayne napatulala na lang din.Inirapan ko na lang siya at dumiretso na ako sa upuan ko.Katabi ko pala siya.Kainis naman! "Si sandra pala yan,akala ko kung sinong transferre"React ng kaklase ko. "Blooming siya uh,mas lalong gumanda.Sayang nga lang at nagpabuntis siya"Napairap na lang ako.Sana kung pag uusapan nila ako sana yung hindi ko naririnig dibah?Psh!Mga tanga lang eh. "Ititikom niyo yang bibig niyo o ako hihila ng dila niyo para di na kayo makapagsalita."Narinig ko pa ang pagbabanta ni Lalaine.Napailing iling na lang ako. Nang dumating naman ang prof namin ay nakinig na lang ako.And after few hours nagbreak na rin.Kasalukuyan akong nagliligpit ng gamit ko ng malaglag ang notebook ko.Akmang yuyuko na ako para kunin yung pero may gumawa na nun para sakin. "Notebook mo"Inabot naman niya yun sakin.Sandali lang akong napatitig doon at pabalang yung kinuha sa kamay ni dwayne.Naiinis ako kapag ganyan siya.Psh!Naaalala ko lang ang katangahan ko ng dahil sa kanya. Hindi ako nagpasalamat dahil hindi naman niya deserve yun.Agad akong lumabas ng classroom at dumiretso sa likod ng school.Hindi ko nga pinansim si Lalaine na tinawag ako.Gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin at makapag isa. Agad akong sumandal sa may puno at nangunot ang noo ko ng makita ko doon si Diane.Anong ginagawa niya rito? "Kanina ka pa dito?"Tanong ko.Nilingon niya lang ako at halatang nagulat siya ng makita niya ako.Napailing na lang ako.Bakit ko nga ba nakalimutang hindi siya nagsasalita?Ano ka ba naman sandra! "Ay,sorry hindi ka pala nagsasalita"Tinanguan niya lang ako.Napabuntong hininga na lang ako at napapikit ng mariin. "Alam mo,Gusto kong maglabas ng sama ng loob sa kuya mo.Total hindi ka naman nagsasalita sayo ko na lang sasabihin lahat ng hinaing ko.Hindi mo naman ang masusumbong eh"Pagak akong natawa bago nagsalita ulit. "Yung kuya mo,napakaman w***e!Wala na siyang ibang ginawa kundi ipagmalaki ang mga babaeng naikama na niya.At sa kamalas malasan ay isa ako sa mga babaeng yun.Sobra akong nagsisisi na sa kanya ko isinuko ang pinaka iingatan ko.Ang laki kong tanga noh?Nagpaloko lang naman ako sa kuya mong takot sa responsibilidad.Ang tanga tanga ko para umasa sa kanya.Ngayon ako yung kawawa.Magkakababy na ako eh,see?Hinuhusgahan ako ng lahat ng nasa paligid ko dahil lang sa pagkakamaling nagawa ko.At wala man lang akong magawa para ipaglaban ang sarili ko"Tuluyan na akong napaiyak. "He is asshole!Wag mong isiping tanga ka!Siya ang tanga kase hindi niya makita yung tunay mong halaga"Para naman akong natuod at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "N-nakakapag salita ka?"Nginitian naman niya ako.At lumapit sakin. "Oo eh,actually nagpapanggap lang naman ako.Iyon kase ang nakasanay nila eh.You know natrauma ako ng bata pa ako kaya hindi ako nagsasalita at nakikipag usap" "Pero bakit mo ko kinakausap ngayon?"Nagtatakang tanong ko.Nakaramdam tuloy ako ng takot.Baka kase isumbong niya ako sa kuya niya "Wag kang mag alala ate,di kita isusumbong dun.Sasapakin ko lang.Ang ganda mo pa naman tapos papaiyakin ka lang niya"Wala sa sariling napangiti ako. "Nakakatuwa ka diane,bakit mo pala ako niyakap nung nakaraan?"Nginitian niya lang ulit ako. "Nakikita ko kase ang personality ni mommy sayo.Sobrang bait"Sabi pa niya.Napatango na lang ako. "By the way,wag mong intindihin si kuya.Kung ayaw niya sa baby bahala siya!But gusto ko makita yung magiging pamangkin ko" "Really?"Tumango tango siya. "Panigurado cute yung baby mo or gwapo pwede ring maganda.Maganda ang mommy niya eh"Napatawa naman ako. "Bolera ka pala"Umiling naman siya. "Hindi noh,Nagsasabi po ako ng toto--" "Diane nagsasalita kana?At sino yang kausa--Sandra?"Hindi makapaniwalang tanong niya.Natigilan naman ako ng makita ko siya. "Hmpp!Pakielam mo naman?Tss"Inirapan niya pa ang kuya niya bago ito binangga.Napanganga na lang si dwayne.Hindi kase siguro makapaniwalang nakakapagsalita na Si diane.Huminga muna ako ng malalim bago nagpagpag ng uniform ko at naglakad na palayo. "Sandra wait" Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag niya sakin.Ano bang magbabago kung kakausapin ko siya?Tapos na ang lahat magmula ng itanggi niya ang anak namin.Napangiti ako ng mapait.Anak ko lang pala. Mariin akong pumikit at binilisan na lang ang lakad ko.Ayoko na siyang makausap pa.Mas lalo lang akong masasaktan kapag nagkikita kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD