11

1665 Words
ALESSANDRA’S POV Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko.Nang magmulat ako ay nakita ko ang masaya nilang mukha habang nagtatawanan. Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid.Nangunot lang ang noo ko ng hindi ito pamilyar sakin.Teka? "Nasan ako?"Biglang tanong ko.Sabay sabay naman nila akong nilingong tatlo.Natigil rin ang tawanan nila.Ngayon ko lang din napansin na nandito rin si Diane.Ano kayang ginagawa niya rito? "Nasa clinic ka sis,Nawalan ka kase ng malay kanina"Naalala ko naman ang nangyari kanina.Parang sumisikip ang dibdib ko.Bakit kase kailangan niya pa akong ipagtanggol sa mga kaklase ko? Pwede namang manahimik na lang siya kagaya ko.Napaka paasa niya talaga.Sige na,ako na tanga.Hindi ko naman kasalanan na mahulog sa kanya.Masyado kase siyang paasa eh.Nakakainis na siya. Sana di na lang niya ako ipinagtanggol.Sana nanahimik na lang siya.Kaya ko namang tiisin yung lahat ng masasakit na salitang ibinabato nila sakin pero yung sakit.Yung sakit na siya ang may gawa,hindi ko kaya. Parang hinahati ang puso ko sa tuwing maaalala kong wala siyang pakielam saming mag ina.Na balewala lang kami ng anak niya. "Wag ka ng malungkot ate Sandra,Smile ka lang,Ang ganda mo pa naman"Hirit naman ni Diane.Minsan Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ang bait ng batang toh.Samantalang yung kuya niya,Mas masama pa ata sa demonyo. "Ikaw talaga,Pero salamat..Sino nga palang nagdala sakin dito"Tanong ko.Natahimik naman sila at parang walang may balak magsalita sa kanila.Nagsalubong lang ang kilay ko.Hindi naman pwedeng dinala ko ang sarili ko rito dahil wala nga akong malay. "Ayos lang ba kayo?Sino ang nagdala sakin dito?Ikaw ba kuya Calvin?"Nakangiting sabi ko.Halos malaglag ang panga ko ng umiling siya.Teka?Kung hindi siya sino?Alangan namang si Lalaine eh magkasing katawan lang kami at sa tingin ko rin,Hindi niya ako kaya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Lalaine. "Yung bwisit na damuhong yun.Hmpp!Ang kapal ng mukha niyang hawakan at buhatin ka.Ang sarap niyang sapakin kundi ka lang talaga nasa ganung state."Hindi pa rin ako makapaniwala.Ni hindi ko nga maintindihan ang sinasabi nila eh.Sino ba yung tinutukoy ni Lalaine? "S-sino?"Utal na sabi ko.Nakasimangot pa rin si Lalaine. "Si dwayne ate,Yung loko loko kong kuya"Tuluyan ng nalaglag ang panga ko.Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko.Nahihirapan akong huminga. "Nagpapatawa ba kayo?Haha,Okay na napatawa niyo na ako"Pinilit kong hindi maniwala pero sumeryoso naman ang ekspresyon ng mga mukha nila.What the---Mas lalong kumabog ang puso ko. "Hindi kami nagbibiro ate,Totoo yung sinabi namin"Sabi pa ni Diane.Ibinaba ko na lang ang tingin ko.Pakiramdam ko may tutulong luha mula sa mata ko.Ayan ka na naman eh,Umaasa ka na naman.Tapos iiyak iyak ka kapag naiwan kang luhaan?Tama na,Nakakapagod na kayang umiyak.Ang hirap masaktan. "Actually ate,Gusto ni kuya na makausap ka"Napaangat naman ako ng tingin. "Huh?"Wala sa sariling tanong ko.Nginitian niya lang ako. "Nasa labas si kuya,Gusto ka niyang makausap.Ate Lalaine tsaka kuya Calvin labas po muna tayo"Magalang ba paalam ni Diane.Napaawang lang ang labi ko.No.Hindi toh totoo. "Kapag may ginawa siyang hindi maganda sumigaw ka lang sis.Akong bahalang pumatay sa kanya"Bilin pa ni Lalaine.Ni hindi ko nga nagawang tumango dahil okupado ng isip ko ang sinabi ni Diane.Bakit ako gustong makausap ni Dwayne?Ano na naman bang laro ang gusto niyang ipalaro sakin.Ayoko na.Pagod na nga ako eh. Bumukas naman nun ang pinto at lumabas na sila Lalaine at alam kong kasunod nun si dwayne na pumasok.Tumungo na lang ako.Ayoko siyang makita.Naiiyak lang ako sa tuwing makikita siya. Narinig ko pa ang pagsara ng pinto ngunit nanatili akong nakatungo. "Sandra"Hindi pa rin ako nag angat ng tingin.Ayoko siyang kausapin.Ayoko siyang makita.Gusto kong rendahan ang puso kong hindi mahulog ng tuluyan sa kanya.Ayokong mapunta ako sa puntong mahal na mahal ko siya dahil alam kong ako lang ang kawawa.Kami ng anak ko ang magiging kaawa awa. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.Naramdaman ko rin ang pag upo niya sa kama.Bumilis na naman ang puso ko.Mariin ko na lang na ipinikit ang mata ko.Pinipigilan ang luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko. "I'm sorry"Para naman nanikip ang dibdib ko.May nag uudyok sakin na mag angat ng tingin ngunit hindi ko ginawa.I don't want to see him yet.MAsakit pa rin. At bakit naman siya nagsosorry sakin ngayon? "Sandra tumingin ka naman sakin please"Hindi ako nakinig sa kanya.Halos malagutan ako ng hininga ng maramdaman ko ang kamay niyang iniangat ang mukha ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang tingin namin.Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at tinabig ang kamay niya. "Wag mo akong hawakan.Wala kang karapatan.Ano bang ginawa mo rito?"Pabalang na tanong ko.Tumingin na rin ako sa kanya at halos may magbunyi sa loob ko ng makita kong nasaktan siya. Ipinilig ko ang ulo ko.Hindi Sandra.Maybe,He already perfected the art of pretending and masking his real feelings.Hindi ako dapat mag paapekto sa nakikita lang ng mata ko. "Sandra,I'm sorry,sorry sa lahat ng mga masasakit na salitang binitawan ko sayo.Sorry kung hinusgahan ko ang pagkatao mo.Sorry kung nasaktan kita at itinanggi ko ang anak ko.Pero kase sandra natakot lang naman ako.Oo,Man w***e ako pero may pangarap rin naman ako.May pangarap pa para sakin sila mommy.Ayoko silang madissapoint" Gusto ko sanang matuwa dahil nagsosorry na siya at nagsisi sa lahat ng sinabi niya pero parang mas masakit atang malaman na duwag pa rin siya. "Ayaw mo silang madissapoint?Wow huh,Eh yung pang babae mo nga.Isa na yun sa mga reason kung bakit madidissapoint ang parents mo sayo.Bakit mo ba ako kinakausap ngayon?To say sorry?Dahil hindi kaya ng konsensya mo na may nahihirapan dahil sayo?Alam mo dwayne makasarili ka.Sarili mo lang yung iniintindi mo!"Galit na sigaw ko sa kanya.Hindi ko na kase napaigilan ang emosyong lumulukob sa buong pagkatao ko. "Hindi mo kase ako naiintindihan Sandra,marami pa akong kailangang patunayan sa buhay.Marami pa akong pangarap kaya lang kung mas uunahin ko kayo paano na lang yun" *PAK* Hindi ko na napigilan ang sarili kong masampal siya.Sana di na lang siya nagpunta rito.Mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. "f**k you ka dwayne!Ikaw?Hindi ko naiintindihan?Gago!Naiintindihan kita,ikaw lang yung makitid ang utak.Gusto mong maging matagumpay?Sige,bahala ka.Gusto mong tuparin lahat ng pangarap mo?Edi gawin mo.Walang pumipigil sayo,pero wag na wag mong ipapamukha sakin na pabigat ang batang dinadala ko dahil kahit kailan hindi siya magiging pabigat sakin.Umalis ka na lang dito dwayne,Hindi ka namin kailangan ng anak mo.Unahin mo na yung mga pangarap mo.Para kaseng ikaw lang ang may pangarap eh,ako rin naman uh.At sa tingin mo sinong mas kawawa?Ako dibah?Kase kargo ko yung anak natin.Oh mali papa,anak ko na lang pala tutal itinakwil mo na siya bilang anak mo.Mas nahihirapan ako kesa sayo dwayne kase may masasandalan ka pang magulang.Pero ako?I-itinakwil nila ako simula ng malaman nilang buntis ako"Napahagulhol na ako noon.Hindi ko nga alam kung paano ako nakapag mura.Siguro dala ng galit kaya hindi mo na lang talaga makokontrol ang mga sasabihin mo. "I'm so sorry sandra hindi ko naman al---" "SHUT UP!UMALIS KA NA!"Pero nanatili lang siya.Sinamaan ko na siyang tingin.Bakit ayaw niya pang umalis?Para ano?Para mas makita kung paano ako nasasaktan? "UMALIS KANA SABI EH!ANO GUSTO MO PA AKONG PANUORING UMIIYAK?ALIS NA!"Sigaw ko.Itinulak ko na rin siya palayo. "Sorry"Rinig ko pang sabi niya.Napangiti ako ng mapait. "Sayo na yang sorry mo.Hindi ko kailangan yan.Umalis ka na"Lumuluhang sabi ko.Tumalikod na rin siya at lumabas ng silid. "HAYOP KA TALAGA!ANONG GINAWA MO KAY SANDRA!?"Narinig kong sigaw sa labas.Pero wala akong panahong tingnan dahil sa nanlalabo na ang paningin ko sa mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Bigla ko na lang naramdaman na para akong hinihila pabalik ng kama at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. ------ DWAYNE'S POV. "HAYOP KA TALAGA!ANONG GINAWA MO KAY SANDRA!?"Bigla na lang akong kinwelyuhan ng kasama nilang lalaki.Mas matangkad ito sakin. Walang emosyon kong sinalubong ang galit niyang mga mata. "MAGSALITA KA!P*TA!ANO TATAHIMIK KA NA LANG BA?PARE MAGSALITA KA!KINAKAUSAP KITA!" "Wala akong ginawa sa kanya"s**t!Naalala ko na naman ang pag iyak niya.Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko eh.At mas lalo ata akong nahirapan ng malaman kong itinakwil siya ng mga magulang niya.Paano nila nagawang itakwil si sandra? "ANONG WALA?SIGURADO KA!?"Tinaggal ko lang ang kamay niyang nakawelyo sakin. "Wala akong dapat sabihin"Pagkatapos nun ay tumalikod na ako sa kanila. "Asshole!Wag na wag ka ng magpapakita kay sandra dahil mapapatay talaga kita"Narinig ko pang sigaw ng kaibigan ni Sandra. Bakit kase nangyari pa toh eh.Hindi pa ako handang maging tatay.17 Pa lang ako at maraming expectation sila mommy sakin. Siguro nga loko loko ako pero ayaw ko rin naman silang biguin at ang responsibilad ko kay sandra ang magiging dahilan ng pagkabigong yun. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad pabalik ng classroom.Hindi ko na rin nakita si Diane. - Napabuntong hininga na lang ako ng makauwi na ako.Tahimik sa bahay,mukhang wala pa sila mommy. Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko naman si Diane na nagbabasa ng mga libro.Nilapitan ko naman ang kapatid ko. "Diane"Nagulat ako ng bigla niyang iligpit ang mga libro niya at tumayo na.Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.Anong problema ng kapatid ko? "Hey,Diane?Galit ka ba kay kuya?May nagawa ba ako?"Pahabol na tanong ko.Nilingon naman niya ako at halos manigas ako ng makita ang nanliliksi niyang mga mata. "Oo kuya galit ako sayo.Galit na galit!Wala kang kwenta!Duwag ka,Nakakainis ka!"Nangunot lang ang noo ko.Ano bang pinaghuhugutan niya ng galit? "Anong ibig mong sabihin?"Takang tanong ko.Nakita kong may luhang tumulo mula sa mata ni diane kaya naman para akong nasaktan ng makitang umiiyak siya. "Kuya tama na,Wag mo naman siyang saktan oh.Nahihirapan na kase si ate sandra.Kung hindi mo siya kayang panindigan,wag mo siyang lapitan.Kung hindi mo siya kayang ipaglaban,huwag mo siyang paasahin kase kuya,hindi deserve ni ate Sandra yung sakit"Pagkatapos nun ay tumakbo na siya paakyat ng kwarto niya.Nanghihinang napaupo na lang ako sa sahig. Mapait akong napangiti.Ano ba dapat ang piliin ko?Ang pangarap ko o ang magiging mag ina ko? Ano ba dapat ang isipin ko?Ang magiging reaction ng parents ko?O ang mangyayari kapag hindi ko pinanindigan ang responsibilidad ko? Fuck! Nahilamos ko na lang ang palad ko sa mukha ko. Naguguluhan ako, masyado pa kaming bata para sa ganito. Ano bang gagawin ko, gulong-gulo na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD