12

1910 Words
ALESSANDRA’S POV “Sigurado ka bang gusto mong pumasok ngayon? Baka naman bigla ka na namang mawalan ng malay dun sa sobrang pagod,” paranoid na tanong ni lalaine. Umiling lang ako tsaka siya nginitian. Kanina pa niya ako kinukumbinsi na manatili na lang dito at magpahinga pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako napapayag sa gusto niya. Inakbayan naman siya ni Kuya Calvin na pangiti-ngiti. Agad namang nalukot ang mukha ni Lalaine. “Bibilang ako kuya. Kapag ‘yang braso mo hindi mo pa rin inalis d’yan sa balikat ko.Iitakin ko talaga ‘yan!” banta ni Lalaine kaya naman natawa na lang ang pinsan niya. Pasimpleng tinanggal ni kuya Calvin ang braso niya at ako naman ang inakbayan. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Lalaine at matalim na tinitigan si kuya Calvin na nagpapatay malisya lang. “Ginagalit mo ba talaga ako kuya?” galit na tanong nito sa pinsan niya. “Wala akong ginagawa Lalaine,” inosenteng sabi ni Kuya Calvin. “Abat! Sinusubukan mo talaga ako? Konti na lang masasapak na kita,” inis na sabi ni lalaine.Napailing iling na lang ako.Kailan kaya mawawala ang bangayan ng magpinsan na toh? “Asawa ko,inaaway ako ng amazona mong bestfriend.” Lihim akong napangiti. Ang isip bata talaga ni kuya Calvin. “Aba’t talaga! Hoy! Kuya Calvin tigilan mo na si sandra!Kakalbuhin talaga kita at puputulan ng kaligayahan,” inis na inis na sabi niya at lumapit na sa amin. “Wala naman akong ginagawa uh,tsaka wag mo kong tatanggalan ng kaligayahan. Paano ko papaligayahin ang asawa ko—aray! Lalaine sumosobra kana!" reklamo ni kuya Calvin. Pingot pingot lang naman kasi ngayon ni Lalaine ang kaliwang tenga ni kuya Calvin. At sa itsura niya ngayon,halatang masakit ang pagkakapingot ng kaibigan ko. "Tigilian mo na kasi si Sandra, Kuya!Parang awa mo na! Nakakainis ka na eh!Para ka ring si Dwayne.” Paratang naman ni Lalaine sa pinsan niya. Agad naman naglaho ang ngiti sa labi ko. Ewan ko ba. Kapag naririnig ko ang pangalan ng lalaking ‘yon nakakaramdam ako ng sakit at kirot sa puso ko. Haysst! Bakit ko pa nga ba iniisip ang lalaking ‘yon? Baka nga ni minsan hindi kami sumagi sa isip ng bwisit na lalaking yun.Siya na mismo ang nagsabi, ayaw niyang madissapoint ang magulang niya. At sa tingin niya kami ang magiging dahilan ng dissappointment na yun. Ang bobo niya magbigay ng excuses. Edi unahin niya ang pangarap niya yun naman ang gusto niya. Pero hindi siya kawalan.Siya ang nawalan dahil duwag siyang harapin ang isang responsibilidad. "Ano na naman bang ginawa ko? At wag mo kong ihahalintulad sa bugok na ‘yon. Mas hamak naman na gwapo ako dun—aray!Aray! Isusumbong talaga kita sa Daddy mo! Ipapakasal ka na talaga no’n kay Blake—aray!" Bigla namang nagsalubong ang kilay ko. Bakit parang wala naman siyang nababanggit sa akin about sa bagay na ‘yon. "Shut up kuya! Wag mo ngang mabanggit banggit sa akin ‘yang pangalan na yan. Nag iinit ang ulo ko,” inis na sabi ni Lalaine.Nagpapalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. "Sino si Blake?" takang tanong ko. Nahinto naman sila sa pagbabangayan at napalingon sa ‘kin. Napangiwi lang si Lalaine. "Wala yun Sandra!----" "Fiance niya na nasa France," si Kuya Calvin ang sumagot. Namilog naman ang mata ko.Hindi ko alam na may fiance na pala siya. Kailan pa? "KUYA! Arggh! Bwisit ka talaga,” inis na sigaw ni Lalaine sabay sipa sa pinsan niya. "Aray ko po!" Napaluhod na lang si Kuya Calvin nang sipain siya sa tiyan ni lalaine.Napangiwi na lang ako.Mukhang masakit ata yun,knowing na nag aral ng taek wondo si lalaine at black belter pa.Naramdaman ko naman ang kamay niya hinawakan ang kamay ko. "Tara na sis, pabayaan na natin yang panget na yan"Inis na sabi niya. "Oy! Hintayin niyo ko at hindi ako panget lalaine!"Sigaw pa niya. "Whatever kuya!"At hinila na ako ni Lalaine palabas ng mansion nila.Mabilis naman kaming nakapasok sa kotse nila.Nakita ko pang tumakbo si kuya Calvin habang sapo ang tiyan.Pinaghahampas pa niya ang salamin ng kotse. "Uhmm,lalaine?Di mo ba papasakayin si kuya Calvin?"Tanong ko.Nginitian niya lang ako at nagsimula ng magmaneho. "Hayaan mo siya!Binubwisit niya ako eh!Ayoko pa naman sa lahat ay yung binabanggit ang mga taong hindi naman nag eexist sa mundo!" Kumunot naman ang noo ko. "You mean?Patay na?"Naguguluhang tanong ko.Nakita ko namang ngumisi siya. "I wish for his death!I wish"Tumahimik na lang ako.Imba rin itong kaibigan ko.Inihilig ko na lang ang ulo ko.Well,may driver license na rin naman siya.Paano nangyari?May connection lang naman ang parents niya.Napabuntong hininga na lang ako.Sana hindi ko na siya makita pa,pero mukhang imposibleng mangyari yun.Hayss. --- Quen Calvin POV. Napakamot na lang ako sa batok ko ng humarurot na paalis ang Kotse ng pinsan ko.Yung babaeng talagang yun!Napakaamazona!Aish! Ang sakit pa rin ng tenga ko.Pakiramdam ko nga natanggal na eh.Grabeh talaga yung pinsan kong yun.Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa.Akmang magdadial na ako ng may kotseng huminto sa harap ko at bumaba ang side mirror. "Hi kuya Calvin,Bakit mag isa ka lang dyan na nakatayo?"Takang tanong ni diane.Napaawang naman ang labi ko at muntik ko pang mabitawan ang phone ko!s**t!Bakit ang ganda ng batang toh?Magkakasala ako nito eh!Ngumiti na lang ako. "Oh hi cute!Uh ano kase,iniwan ako ni lalaine.Nainis ata sakin"Sabi ko na lang.Ganun naman yun sakin.Sa katunayan nga,wala pa toh sa mga ginagawa niya sakin sa tuwing maiinis siya eh.Ayoko ng isipin. Halos mapanganga ako ng ngumiti si Diane s**t!Mukha siyang anghel,parang si Alice lang. "Ohw!Ganun ba?Sabay ka na sakin kuya,baka malate ka pa"Hindi namab ako nakapagsalita. "Uy,kuya tara na,may pasok pa ako"Natatawang sabi niya naman.Natauhan naman ako at sumakay na rin sa kotse niya. "Eh,nakakahiya naman toh Diane"Nginitian naman niya ako.Bakit ba ang ganda ng kapatid ni Dwayne?Damn! "Nope,hindi na kayo iba nila ate sandra at ate lalaine kaya okay lang"Pagkatapos nun ay bumalik na siya sa ginagawa niya.Nagrereview papa siya. Nanahimii na lang din ako.Namiss ko na tuloy bigla si Alice.Nasasanay na akong tawagin siyang sandra.Nakakahawa kase sila. Nakarating na rin kami sa tapat ng pinapasukan namin.Bumukas naman ang pinto ng kotse kaya naman lumabas na ako. "Salamat Diane"Nginitian naman niya ako.Palangiti rin pala ang isang toh. "Walang anuman kuya,Kahit sino siguro babae mag aalok sayo ng libreng sakay,gwapo ka po eh"Natatawang sabi niya bago isinara ang pinto at umalis na rin ang kotse nila.Napabuntong hininga na lang ako bago naglakad papasok ng school. "Kyahh!Ang pogi niya talaga" "Kaibigan yan ni Sandra THE SLUT DIBAH?"Bigla namang nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.Ayoko sa lahat ay yung nilalait at pinagsasalitaan ng masama ang mga taong importante sakin.Huminga muna ako ng malalim bago nilingon ang grupo ng mga babaeng nag uusap. "Uhmm,miss "Tumingin naman sila sakin. "Yes?"Nakangiti niyang sabi sa mapang akit na tono.Psh! "Konting respeto naman sa ASAWA KO ,kung pag-uusapan niyo siya,Dun sa lugar na walang ibang makakarinig kase baka hindi ako makapag pigil at bigla na lang akong makapanakit ng babae kahit ayoko"Naglaho naman ang ngiti niya at nakita ko ang pamumutla niya.Psh. Umalis na lang ako dun.Nakakasira ng araw.Nang makarating ako sa room agad ko namang nakita ang pinsan ko at si Alice. "ASAWA KO,andito na ako"Lahat naman ng kaklase namin napalingon sakin at halos malaglag ang panga ko. "Asawa ko?You mean?Oh my--" "Hindi kaya siya yung ama ng baby ni sandra?" "Oh my gosh!Ang swerte naman niya" "Ang landi mo bakla!" "HINDI KA BA TALAGA TITIGIL HUH KUYA!?"Inis na sabi ng pinsan ko.Napangiwi na lang ako.Kung tawagan ko kaya si tito at sabihing pauwiin rito ang fiancei niyang si blake.Hmm.Masubukan nga para naman magkaroon ako ng kakampi.Kapag kase nandyan si blake hindi umuubra ang kasungitan ni Lalaine.Pfft. Lumapit na lang ako kay Alice. "Asawa ko,maayos na ba ang pakiramdam mo?"Tanong ko.Nginitian naman niya ako. ------ ALESSANDRA'S POV. "Asawa ko,maayos na ba ang pakiramdam mo?"Ngumiti na lang ako.Nakakahuya,baka isipin nila na si kuya Calvin ang ama ng baby ko.Ayokong pati siya madamay sa mga panghuhusga ng iba sakin. "Ayos lang ako kuya Calvin"Sabi ko.Pasimple kong nilingon ang katabi kong upuan na bakante pa rin. "Wala pa rin siya"Mahinang sambit ko.Sige na,aaminin ko na hanggang ngayon umaasa pa rin ako.Haysst!Letseng puso toh!Hindi napapagod umasa kahit walang wala na talaga akong makitang pag asa. "Ouch!Naman asawa ko,ako yung nandito at kasama mo pero siya pa rin ang nasa isip mo-Aray"Bigla na lang kase siyang binatukan ni lalaine.Napakaamazona talaga ng kaibigan ko.Napailing iling na lang ako.Parang nakatadhana na,na palagi siyang makakatikim ng pananakit kay lalaine. "Ang drama mo kuya,mukha kang bakla"Asar naman niya.Nagkaroon naman agad ng violent reaction ang mga kaklase namin. "Ang cute kaya niya" "Oo nga,mas nagmukha pa nga siyang hot eh" Nakita ko namang napairap lang si lalaine. "See?Kahit sila ipinagtatanggol ang kagwapuhan ko"Nakangising sabi pa niya.Inirapan lang siya ng pinsan niya. "Pakielam ko naman sa pagmumukha mo?Duhh"Inis na sabi niya.Napailing iling na lang ako.Bigla naman kaming tumahimik ng dumating na ang teacher namin.Bumalik na rin silang dalawa sa assign seat sa kanila.napabuntong hininga na lang ako. Wala na ba talaga siyang balak pumasok?Iniwas ko na lang ang tingin ko sa bakanteng upuan niya. KRING KRING... Natapos na rin ang dalawa naming subject at tumunog na rin ang bell.Hi di pa rin siya pumapasok.Arghh!Eh bakit ayaw tumigil ng puso ko na umasa ng umasa?Nakakainis na!Nilapitan naman ako ni lalaine na ngayon ay nakangiti na. "Tara na sis,nagugutom na ako eh"Sabi pa niya.Tiningnan ko na lang siya at sumama na rin sa kanya sa canteen.Pagkarating namin dun ay marami na agad ang tao.Halos wala na nga atang vacant table dahil sa dami ng estudyante. "ATE LALAINE, ATE SANDRA AT KUYA CALVIN, DITO.” Agad naman kaming napalingon sa sumigaw ng pangalan namin.Napailing iling na lang ako ng makita ang maaliwalas na mukha ni Diane.Agad naman kaming lumapit sa table niya. "Hi cute"Bati ni kuya calvin kay diane.Ngumiti naman siya at iminuwestra samin ang mga upuan. "Upo na kayo, pinareserve ko talaga tong tablr para di na kayo mahirapan.” Umupo na rin kami do’n. Kung bakit kasi hindi na lang siya naging kasing bait ng kapatid niya. Haysst!Nevermind. "Aww, ang sweet mo naman Diane,” sabi ni Lalaine. Ngumiti lang ito ulit at may inilabas na tupper ware. "Ano ‘yan cute?" takang tanong ni kuya Calvin. Binuksan lang niya ‘yon at bumungad sa ‘kin ang maraming strawberry. Hindi ko alam pero biglang nanubig ang bagang ko at pakiramdam ko pa ay nagliliwanag ang paningin ko. Walang pasabing kumuha ako roon at kinagat iyon. Napapikit na lang ako ng dumampi ang lasa no'n sa dila ko. “Ang sarap,” komento ko. Napatanga naman sila sa ‘kin. “Ako lang ba ‘to? Pero may nakikita talaga akong sparks sa mata niya.” “Wag ka ngang ano kuya, nagtataka rin ako dahil hindi naman yan mahilig sa strawberry at hindi siya nasasarapan dun kundi naaasiman.” “Nagsisimula na kasing maglihi si Ate Sandra.” Kain lang ako ng kain.Hihi.Ang sarap eh, ang weird ko ngayon, dati naman ayoko nito. Naaasiman kasi ako na di ko malaman pero ngayon sarap na sarap ako sa lasa. Tumingin naman ako sa kanila. “Gusto niyo?” alok ko. Nginitian lang nila ako bago umiling. “Sige, akin na lang ‘to,” nakangiting sabi ko. Kung ayaw nila edi di ako na lang ang kakain. Mas masarap siguro ‘to kapag sinawsaw sa ketchup hihi. Ang weird ko talaga pramis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD